Thursday, December 20, 2007

today is random day.wag mangamba kung di ka aware na may ganitong day pala dahil self-declared holiday ito.syempre wala pa ring tatalo sa queen of randomness na si jen.haha!

natapos na din ang lantern parade at kahit 2nd place lang kami sa façade,ehem ehem,alam naman nating lahat kung sinong nanalo diba friends?haha!riot kahapon dahil ito na ang last official lantern parade ko bilang pharmer kahit pa next year e sa cp pa rin ako lalantern parade,di na talaga ako talaga cp nun.sana magaling na lang ako sa chem at math para cp poreber na ko,pero pag ganun,sobrang perpekto ko na.harhar.

dahil natanggap ko na ang kalahati na biyaya ko ngayong pasko,nagfeeling bilyonarya na naman ako at namili ng kung ano ano.

1. kira-kira by Cynthia kadohata
- ang ganda ng librong to!pambata siya at simple lang yung kwento pero heartwarming.tungkol to sa dalawang magkapatid na may kakaibang pananaw sa buhay.btw,ang kira kira ay Japanese term for glittering.

2. girl trouble by alan navarra
- di ko alam kung bakit ko binili to pero mukha kasing maganda.mejo weird yung setup kasi random conversations siya na may photography involved.basta.mejo explicit din yung content niya so kung di ka pa handa sa mga mahahalay na bagay,pwede mo na tong i-skip.

3. first love
- compilation siya ng iba’t ibang kwento about sa,well,first love.meron kasi ako nung isa pang edition na tungkol naman sa heartbreak.bitin ako sa mga kwento dito,maraming open-ended e.

so far,ayan palang ang mga nabili ko.balak ko sanang bumili ng the virgin suicides at kitchen pero di kaya ng funds kaya pag-iisipan ko munang maigi to.may bago akong cd!salamat kay vice president majo!cambio!ang saya saya!

blind item:may isang tao na nahuli ng isang tao na nakasilip sa kotse niya.clue:kilala niyo siya.oh no.Ü

Sunday, December 16, 2007

hwokey,unti unti nang bumabalik ang oh happy days ko.aktwali,matagal naman nang bumalik.di naman kasi ako yung tipong nagdwedwell masyado sa mga kalungkutan dahil wala naman akong magagawa dun.pag naiyak at nalabas ko na,wala na yun.so..

ako ang tipo na tao na marupok,ika nga ni tado.di mo na ko kelangang utuin sa sales talk kung gusto mo kong bumili sayo,di mo na ko kelangan amuin pag galit tayo,in short,uto uto ako.haha!katulad kanina,namimili kami ng sapatos,mag-uumpisa pa lang yung tindera,humihingi na ko ng size.pero natyempohan lang niyang gusto ko talaga yung sapatos,otherwise kelangan niya pa kong utuin sa loob ng,am,5 mins.

ako rin yung tipong mahirap paiyakin.di kasi talaga ko iyakin e kaya pag umiyak ako,ibig sabihin nakakaiyak talaga o sinisipon lang ako.tulad kanina,akalain niyong humagulgol ako sa isang korean short film made for tv.one fine day yung title niya,ewan ko ba kung bakit ako naiyak.dati kasi,kahit iyak na iyak na ko at masakit na yung lalamunan ko dahil para na kong may apple sa lalamunan,di pa rin ako iiyak.feeling ko kasi sign ng kahinaan ang pag-iyak pero di na ngayon.ngayon kasi,sign na ng katapangan ang pag-iyak para sa kin.matapang ka kasi natanggap mo na na may problema at may mali sa kung san man.pati mga christmas commercials,iniiyakan ko na ngayon.crybaby.eyniwey.

mukhang i'm losing my favorite game na naman ah.Ü

Saturday, December 01, 2007

kanina habang nagchachannel surfing ako,natyempohan ko yung serendipity sa,of all channels,sa lifestyle network pa.napanood ko na yun dati pero di naman masyadong tumatak sa kin kasi 12 lang ako nun.pag 12 ka,ang goal mo lang sa buhay e maging 13 ka na para di ka na tatawaging tween at para lumevel up ka na mula sa awkward stage.di ko alam kung goal ng lahat yan pero sa kin ata,oo.eyniwey.

sabi dun sa movie,parang just let things fall into place nang wala kang ginagawa.masasabi ko na hopeless romantic ako.yung tipong pangarap kong magkapamilya tapos yung bahay namin mala country house sa tagaytay at lahat pa ng kakornihang naiisip mo,yun ang gusto ko.pero diba kung wala kang gagawin,walang mangyayari?papabayaan mo na lang na mangyari kung ano yung dapat na mangyari?pano kung yung dapat mangyari e hindi yung gusto mong mangyari?ok lang kasi yun yung 'destiny' na tinatawag?

ako,nasa gitna ako.naniniwala ako sa fate,destiny,tadhana at kung ano pang tawag dun.pero naniniwala din ako na hawak mo yung destiny mo.so para sa kin,pwedeng maniwala sa mga ganitong bagay pero gumawa ka rin ng paraan para maging reality yung gusto mong maging destiny mo.hindi porket alam mo na posibleng walang patunguhan e ilealeave up to destiny mo na lang yun.diba mas rewarding yung alam mong may ginawa ka kesa dun sa inasa mo na lang sa wala.kahit pa masakit na di nangyari yung inaasahan mo,at least masasabi mo na may ginawa ka.wala lang,nagrereflect lang.Ü

Tuesday, November 27, 2007

ang bilis namang natapos ng oh happy days ko.last week lang,tuwang tuwa pa ko sa mga pangyayari pero ngayon,ewan ko lang kung nakakatuwa pa.

tulad ng nasabi ko dati,sure akong tumetiyempo lang ang kasawian at di ako nagkamali.ang masakit pa dun,akala ko talaga pwede na.sabi nga ni mong “kung umasa yung babae,kasalanan niya!” nagets ko na din kung ano ibig niyang sabihin.

kagabi,pinilit kong maiyak para lang mailabas ko na,para kinabukasan,okay na ko.pero bakit ganun,parang nasanay na ko na ganun?parang manhid na ko sa mga bagay.ayoko mang masanay pero parang ganun na ang nangyayari.tipong imposible na talagang maging totoo yung mga iniisip ko.as if naman kasi may karapatan akong magalit o maghabol diba.lagi na lang one sided,ang masakit dun,ako yung laging nasa maling side.

bakit ayaw kong madala?

Monday, November 19, 2007

ang saya saya ko ngayon!oh happy days na talaga.ang saya sa school,sa buhay,sa lahat!share share.

ang babait ng mga comm 3 classmates ko.levelling lang naman kasi e.intarmed sila,delingkwente ako ng pharm kaya naiintindihan talaga namin ang isa't isa.super bait nila!pag nandun ako,feeling ko i belong.o baka feeling ko lang yun.haha!basta!tipong sila pa yung babati.saya saya!tapos classmates ko ulet blockmates ko sa hum 2!parang nagiging worth it yung 6 hr break ko kasi pagkatapos nun,sila na ulet kasama ko.awww...eyniwey.

kulot ako ngayon!nadiscover ko kasing pwede ko na palang icurling iron ang buhok ko.ang saya!girl na girl!tapos sakto pa dahil nasilayan ko si irog na nakashorts na naman.nakakahalata na ko ah,madalas na niya akong pinapaligaya.ayikee!kinikilig ako!haha!Ü

Friday, November 16, 2007

yey yey!i'm back!wahoo!super excited ako dahil bago ang aming monitor!as in!lcd na siya!levelling ang mother dearest ko!ang ganda!mala imax ang arrive!i'm so happy!haha!

ayun,kahapon,nalamatan ang pag-iibigan ko.bakit pag-iibigan ko lang,e ako lang nagmamahal e.awww....pero so what poknat.napatugtog ko ulet tuloy yung neon.ikaw pg ah,namumuro ka na!strike 1 na!pero okay na,bati ko na siya.

mukhang okay ang sem na to.super saya ng mga subjects,profs at classmates ko!mukhang matutupad na talaga ang pangarap ko ah!yey!oh happy days.Ü

Tuesday, November 06, 2007

ang saya saya ng araw na to kahit pa nakakapagod.may nadiscover (okay,hindi talaga namin nadiscover pero ano naman ngayon.) kaming teorya ni blanca.napansin kasi namin na pag negative kami,negative yung nangyayari.nabasa ko din to sa blog ni sister in law macy na kapag daw nega ang nilalabas mo,yun din babalik sayo,kapag positive naman,positive babalik sayo.kaya mula ngayon,magiging positive na ako sa lahat.wag kayong magugulat kung makikita nyo kong nagtatampisaw sa baha.wait,nagawa ko na pala yun.eyniwey.

sobrang natutuwa ako kay irog ngayon.magnnmat kasi siya sa december.nakakatuwa na mukhang magiging doktor na talaga siya!kaya friends,tulungan nyo ko sa pagdadasal para kay future doctor irog ah?go go go irog!

may kikomachine komix 3 na ko!ang ganda ganda ng cover!parang naisip ako ni mannix nung gawin nya yun.bili bili na!Ü

Friday, November 02, 2007

hwokey,mukhang magiging fruitful na naman ang sem ko next sem.ganito kasi yun,naubusan kami ng slots sa majors kaya surprise surprise,bs ge na naman,ulet,as always,poreber and eber,kami.o what joy!

pero 18 units naman na kami kaya mas busy people na kami pero siyet naman,delayed na ko.bale,limang taon na talaga ako sa college.o what joy ulet!think positive angge.more timezone time,more hunting time.yey yey yey!

ayun.dapat nasa tagaytay ako ngayon pero dahil busy people din sila mama at papa,tambay ulet ako dito.pero lalabas naman daw kami mamaya so okay na yun.pizza pizza!mahal ko ang tagaytay.it's the place to be!

dalawang gabi na kong nakikitulog sa mga kwarto kwarto dito dahil naduduwag ako.lam niyo naman,tis the season to be duwag.tapos nakikinig pa ko sa mga takutan sa brewrat.wala na talaga,pati si kulot na pinakaduwag sa pamilya namin,tinatawanan ako.sino naman kayang nakiligo pa sa banyo ko kasi daw "walang tubig" sa banyo nila.wateber kulot,wateber.Ü

Thursday, October 25, 2007

wahoo!go sembreak!aktwali,di ko pa siya ramdam dahil inaayos ko na sked ko ngayon pa lang.kahit pa malamang sa malamang e hindi to masunod,nakakaexcite lang na mukhang may 5 oras na break na naman ako next sem.saya!

so,ano na bang pangyayari sa aking buhay buhay?out of boredom e may nagawa akong kanta.lumang tula yun na nilagyan ko ng tono kanina,next time na lang siguro yung chords pag masipag na ko.wahoo!

may mga bago akong discoveries na talaga namang nakapagbibigay ligaya sa kin.ang brewrat show at ang wii!yung brewrat show ay isang radio show nila tado,ramon bautista at angel/erning.super laughtrip!medyo late na siya pero worth it pagpuyatan.sa 99.5 yun,monday-thursday,9-12.promote promote!eyniwey.

may nakakatakot na korean experience kami ni friend karen.ayoko ishare para macurious kayo at magresearch.haha!as ip.

padasal nga pala sa mga victims ng glorietta blast at pati na din sa pag-aasoc ko.salamat!Ü

Thursday, October 18, 2007

haaaay..napakasaya ng mga nakalipas na araw!as in!eto na ba yun?waaaahhh!may taong sinisilip na ko.haha!go angge!epektib ang stalking!ishashare ko nga ang mga taktika ko at tatawagin natin itong:

angge’s stalking 101
1.alamin ang pangalan,year at course
- nag-aapply lang to kung schoolmate mo yung crush mo.bakit ito ang mga unang dapat alamin?duh.pangalan dahil madali nang isearch yan sa friendster,madali nang ipagtanong tanong in short,madali mo nang mauumpisahan ang “trabaho” mo.

2.alamin ang tambayan
- pag ganito kasi pwede mo nang palabasin na "meant to be" kayo dahil palagi kayong "accidentallyng" nagkikita.at isa pa,familiarity is the way to go (ha?ano daw?). kasi syempre pag palagi kayong nagkikita,mas magiging familiar ka sa kanya at siya naman,sayo.ayikee.
3.alamin ang breaks
- para pwede mong isabay ang breaks mo sa kanya.haha!nakakatakot pakingganpero pag nagawa mo na to,pramis,magiging ganado ka palagi pag break mo.
4.establish your connections
- eto ata yung pinakamagandang magagawa mo.ako,sobrang nagbebenefit ako sa mga "field reporters" ko.kahit wala ako sa school,alam ko ang mga pangyayari.haha!

hmmm..ayan!sana makatulong.haha!wag na kayong magkaila,alam kong ginagawa niyo din yan.lantaran nga lang yung akin.haha!go go go!Ü

Monday, October 15, 2007

HOMAYGAD.suuuuuuper saya ko ngayon!as in!may nadedevelop na sa kin.haha!kwento ko na nga para maka relate ang mga illiterate pagdating sa,ehem, “buhay pag-ibig” ko.

kasi ganito yun,pumunta ako ng school kanina para magpass ng hum exam,umattend ng meeting at magsight seeing pero mostly,para magsight seeing at hindi naman ako nabigo.pagpasok ko palang ng school,nakita ko na ang tinatangi ng aking puso!at eto,marami kasing katauhan sa mag entrance ng building tapos nagkasabay kami,papasok ako tapos siya palabas.e marami ngang tao diba,e di masikip tapos nung nagkaspace na,dapat sabay kaming dadaan PERO pinauna niya ko!PINAUNA.NIYA.AKO.last na, PINAUNA NIYA KO!homayagad talaga!all the stalking finally paid off!kahit pa sabi ng mga kontrabida aka kaibigan e normal lang naman daw yun,sa mundo ko,iba yun.iba yun.waaaaah!tapos nakashorts pa siya,wala na papakasalan ko na talaga siya!ikaw ah,hulog na hulog ka na no?!haha!

at kung hindi pa sapat ang irog encounter ko,may new found friend ako.rich siya literally at figuratively dahil rich lopez ang pangalan niya at nilibre niya ko ng sundae kanina!yey ka rich!may utang pa kong greeting card sayo,di bale next sem.salamat sa super sarap na sundae!

haaayyyy…i’m walking on sunshine splattered with rainbows and marshmallows topped with choco syrup at sprinkles.lalalalala.Ü

Sunday, October 14, 2007

huhu.sira ata phone ko.ayaw maconnect sa pc at di makasend ng mms through email.huhu.pano na lang ang mga pichurs ko at ang mga taga hanga ko?!wateber angge,wateber.pero huhu talaga kasi di ko rin siya mauploadan ng mga kanta!o kay saklap.pero parang may solusyon na ko dun.harhar.

aktwali,ayun lang naman talaga ang ibloblog ko.baka kasi may maawa at may magdonate sa kin ng,let's say,n95.malay natin diba?pero siyet talaga.convenient na sana kasi may mp3 player,camera at phone na,nasira naman.siguro talagang may magdodonate sa kin ng bagong phone.kung wala,pwede namang gawan ng paraan.haaaay.

malapit na magsembreak!wahoo!medyo malapit na ring matapos ang hell season.grabe last week,sa loob ng tatlong araw,10+ hours lang tulog ko.pesteng spanish kasi.pero ayun,tapos na.yey!Ü




Wednesday, September 26, 2007

homaygad.ngayon ko lang napagtanto na babae pala talaga ako.bakit?dahil namimilog na ang,ehem,kikay kit ko.oo,wag magulat,may ganun ako.

aktwali,nagsimula yun nung highschool,mga 4th year ata ako nun.dahil bawal ang make up sa tipol,nagsimula ako sa taktak powder,lip balm,suklay at pabango.medyo nadagdagan nung latter part ng taon,nagkaron ng lip and cheek tint.naipuslit ko yun dahil kabarkada ko ang secretary,treasurer at vice president ng student council namin.well,you know how i do.haha!pero dahil wala nang bawal bawal ngayon (tsaka dapat lang dahil eighteen na ko),tuluyan na ngang napuno si kikay kit.may tinted moisturizer,lip and cheek tint,oil control film,suklay,pabango at lip balm na!so landi!at nung kelan lang e bumili na rin ako ng mascara.siyet!what is the world is coming to?!eyniwey.

napakakikay na post.haha!e babae naman ako e,normal lang yun.
nga pala,padasal naman kay irog.may sakit e.di lang ako nakita,nilagnat na.hanubayan.Ü

Thursday, September 13, 2007

ang crush ko nung grade 6 na si mape,may anak na daw.si toot na kelan lang e iniyakan ko pa,kasal na at surprise!magiging ama na din siya!pag naman si irog e naging ganun din ang kapalaran,magrerebolusyon na ko.

nakakatuwang isipin na ang mga minsan kong pinagnasahan ay may mga iba nang mundo ngayon.okay,di talaga ako masaya,sarcastic yun.pero diba?di ko pa nga nafifigure out ang tunay na misyon ko sa buhay (bukod sa matulog,kumain at dumaldal),sila bumuo na ng bagong buhay.hamazing.not.kung inaakala niyong bitter ako,medyo tama kayo.haha!di ko naman itatanggi yun e.pero pag naiisip ko,parang okay na din na walang pinuntahan ang mga bagay bagay.imaginine niyo na lang kung naging kami nga mga minsan kong ginustong makasama sa buhay,e di ina na sana ako ngayon.kawawang mga anak.haha!eyniwey.

wahoo!natutuwa ako!di na to related dun sa taas ah.sariling buhay ko na to.we're getting there!kakaexcite!

nga pala,haberday kay wempot!sana maging tunay na siyang lalake.haha!Ü



Sunday, September 02, 2007

si cris anthony mendez.20 years old,graduating sana next sem.sana.pero ngayon,iniiyakan na lang ng kanyang pamilya sa sarili niyang burol.sabi sa hazing daw siya namatay.hazing na ginagawa sa mga gustong sumali sa frat.dito ako nalalabuan,bakit kelangang bugbugin ka muna at saktan bago ka ituring na ka brad o kaibigan?di ba sa totoong mundo,wala namang ganung siste?siguro may mga dahilan sila para dun pero kung ano man yung mga yun,parang kelangang baguhin.isa na namang buhay ang nasawi dahil dito.ilang buhay pa ba bago gawan to ng paraan?

may mga kakilala akong sumali,sumasali at siguro,may mga sasali pa.pero pag tinatanong ko sila kung bakit kelangang may sakitan pa,di rin nila masagot."ewan,ganun daw e." ang parati kong nakukuhang sagot.sa madaling salita,nagpapabugbog sila ng walang dahilan at kung may dahilan man,di nila alam.wala akong problema dito kasi buhay naman nila yun at gagawin nila ang gusto nilang gawin pero pag may mga patayan ng nangyayari,kelengan na atang bigyang pansin.

di ko kilala sa personal si cris,pero sigurado akong hindi niya ginustong mamatay sa ganitong paraan.kung tutuusin,sino bang may gusto?sigurado akong marami pa siyang pangarap sa buhay pag nakatapos siya pero ngayon,mananatili na lang talaga silang mga pangarap.

pagdasal naman natin ang katahimikan ni cris at pati na rin yung mga sangkot dito.sana mabigyang hustisya ang pagkamatay niya.amen.

Thursday, August 16, 2007

dahil bakasyon na naman,survey survey tungkol sa buhay UP.

01. Anong student number mo?
2006-04163

02. Paano mo nalaman na nakapasa ka sa UPCAT?
tumawag ako.haha!pa importante.
03. Ano ang first choice mong course?
pharm talaga e.tae.
04. Second choice?
industrial pharmacy.go payting spirit!
05. Ano ang natapos mong course?
wala pa e,pero sana orcom.
06. Nag-shift ka ba?
next year pa.sana wala akong kamag-anak na mapadpad dito.
07. Tumambay ka ba sa Sunken Garden?
hmm..kahit di ako taga diliman,oo.
08. Nakapag-dorm ka ba?
hindi e,pero parang kelangan ko.layo na bahay namin e.
09. Naka-uno ka ba?
oh yeah!histo 1 beybe.hi sir kargs!
10. Nagka-tres?
di na ko dumaan dun e.haha!
11. Lagi ka bang pumapasok sa klase?
yep.masipag ako pumasok.wala pa kong absent o late sa sem na to.wahoo!
12. May scholarship ka ba?
dami!haha!asa.
13. Ilang units ang naipasa mo?
secret.haha!marami rami naman.keyword:marami rami.
14. Nangarap ka bang mag-cum laude?
hindi!sa attainable lang ako.
15. Kelan ka nagtapos?
wala pa.pero sana 2010.
16. Favorite prof
madami!sir kargs,sir mangubat,maam ragragio,maam jose at maam gavino.sana mabasa nila to.
17. Least favorite prof
math 17 prof,nikki hell for the obvious reason at pacho,laging latecomer e.
18. Favorite subject
histo 1,2 at 4, hum1 at spanish na din.
19. Least favorite subject
math at lahat ng subjects na kaakibat nito.
20. Favorite building
dahil dalawa lang naman ang meron kami,both na lang para fair kay rh at gab.
21. Paboriting kainan
maliit kasi canteen namin tapos laging trip to jerusalem kaya rob na lang.sa something new,sa mcdo.
22. Noong estudyante ka magkano pamasahe mo sa jeep?
estudyante pa ko nagyon so 6 o 7.
23. Lagi ka ba sa library?
pag nerd mode,sleeping time at pag mainit sa labas.
24. Na-confine ka na ba sa Infirmary?
may ganun?
25. May crush ka ba sa campus?
MERON!haha!dati tatlo,ngayon isa na lang.ayikee.tapos may isang crush crushan.
26. Ano-ano ang mga naging PE mo?
bowling,fpf at table tennis.
27. Kamusta ang block mo?
the best blockmates eber eber!as in!super saya!alabyu blockmates!
28. Memorize mo ba ang UP Naming Mahal?
hindi e.hwoops.
29. Member ka ba ng varsity team?
haha!asa.palpal ako sa sports e.
30. Naka-perfect ka na ba ng exam?
honaman!not.
31. Dito ka ba natuto uminom ng beer?
hindi e,kila justine/resident hot chick ng areneo.
32. Nanonood ka ba ng mga laro sa UAAP?
hindi.wala akong school spirit e.
33. Nahuli ka na ba ng guard while doing 'stuff' in the car? Where?
ay.hindi,good girl ako e at isa pa wala naman akong kotseng pagdadausan ng mga 'stuff'.
34. Did you ever watch the oblation run?
oo!haha!shocking.
35. Did you ever participate in the lantern parade?
oo!daming awards ng cp!
36. Saan ka usually tumatambay?
hmm..walang permanente.pakalat kalat lang ako sa school e.
37. Ano mga org o frat/soro mo?
wala e,orgless org member ako.ay founder pala.
38. Kumakain ka ba ng fishball o isaw? Saan?
oo!isaw ng diliman!the best!
39. Na kwatro o kwarto ka ba?
kwatro lang.
40. Anong mga building sa campus na HINDI mo pa napapasukan?
med,nursing at camp.
41. Anong natutunan mo sa UP na hindi mo alam dati?
posibleng alam mo ang lahat pero babagsak ka pa din sa exam.hindi lahat ng kabataan walang pake sa bayan.hangga't may mga iskolar ng bayan may lalaban para sa bayan!oh yeah!

Tuesday, August 14, 2007

wala na,panaginip na lang talaga ang mga gentleman ngayon.kahit pa aware naman ako dun,umaasa pa din akong hindi,kung bakit e gusto kong umasa e,bakit ba.para dun sa anim na j to the lo (jologs.salamat kay tatz para sa impormasyong to.) na sumingit sa pila kanina sa lrt at nagawa pang magtawanan,magka almoranas sana kayo nang hindi na makaupo kailan pa man.

eyniwey.para sa mga walang muwang (o pake),ako po ay dumanas ng mild depression resulting to nothing sa madaling salita,senti mode ba.wag mag-alala,normal lang naman sa kin yun.ang umiyak ng walang dahilan,magbalik tanaw sa nakalipas at maging bugnutin.normal lang talaga yun,pramis.pero okay na ulet ako,sabi naman sa inyo mild lang yun e.para balanse ang buhay.kapag kasi sobrang saya mo,dapat maging malungkot ka din.peyborit saying ni mau yan.pero di naman ako masayang masaya e,barbero ka talaga eber eber maui.Ü

Thursday, August 09, 2007

bagong skin!wahoo!lam niyo naman,semi bakasyon ngayon at walang mapaglibangan kaya yun.hmmm..aktwali,wala naman akong ibloblog pero dahil nandito na rin lang ako,e di sige!

school muna tayo,masaya naman,enjoy lahat ng subjects ko.dapat may spanish exam ako ngayon pero dahil walang pasok,lusot ako.yey!di mo naman tinatandaan pangalan ko e.pano nangyaring alam ko ang lahat sayo pero ikaw ni pangalan ko walang lugar dyan sayo?unfair.oh well.para namang di ako sanay sa mga ganyang chuchu.o school pa rin yun.

pag tag-ulan talaga lumalabas ang pagkasenti ng mga tao o siguro ako lang yun.namimiss ko na ang wirdos.papitas fritas poreber!
justine/resident hotchick ng areneo,sorry kung di ko pa nababalik mga dvd mo pero si jhe rin naman di pa nagbabalik e.

milli/friendly friend,nag-alsa balutan na mga kuting mo!nawawala na sila!kelan ka pwedeng maging iska for a day?

mau/mau bakulaw/kurimau,gago ka mukhang may kalokohan kayo ah.tsk3.magtino ka na nga!

tel/kamahalan,namimiss na namin ang longganisa scented burps mo at ang pambabara natin kay justine.

me ann/meme,kelan tayo huling nag-usap sa phone?miss na kita at ang mga kakaibang dance steps mo.

jhe/burrball/loser,nood tayo ng imago sa rob!jabarita galore yun o!

haaaay.basta,kahit naman di na kami masyado nagkikita,wirdos poreber pa rin e.ata.sana.haha!walang kwentang post.Ü

Saturday, July 21, 2007

HOMAYGAD.sa wakas ay natupad na din ang life long dream ko na makapagpapichur kasama si damong ligaw.siyet talaga.kwento ko na lang.

kasi naggig kami kagabi sa metrowalk at nakakastarstruck silang lahat.andun si ebe,skarlet,miro at chicosci.dahil nga alam na naming andun csci,may plano na kami na harangin o pwede ring tisudin si mong para makapagpapichur kami sa kanya.e putek,pagkagwapo pala nung lalaking yun!pagdaan nya,natameme na lang kami tapos yung panty ko nahulog na naman.sobra!wala talaga kaming nagawa.buti na lang andun si insan (hi insan!) at ayun,nakapagpapichur din sa kanya.siyet,habambuhay na kong masaya!kasi naman,nakapagpapichur na din kami dati pero ni ipin niya,di nakita pero ngayon,dammit!tara na mong,pakasal na tayo!

wala pa kong tulog pero so what poknat.waaaaahhh!Ü

Thursday, July 19, 2007

aktwali,di naman ako tagged (ano ba tagalog nito?tinaya?) pero aliwin lang kayo eto.galing to sa site ni alex.wahoo!

15 Weird things/ habits/ little known facts about me:
1.ang birthday ko ay april 1 at hindi yun joke.
2.di ako marunong suminga kaya pinapabayaan ko na lang na umagos ang uhog mula sa aking ilong.yeah!
3.ayoko ng langgam.
4.speaking of langgam,alam nyo yung chalk na pamatay nun?dinodrawingan ko ng ganun yung lungga ng mga langgam tapos pinapanood ko silang mamatay.as in tumatawa pa ko ng evil laugh ko.
5.i would like to believe,i would like to lang naman,na isa akong semi-linguist.marunong akong magchinese,korean at ngayon,pati spanish.yey!
6.di pa ko nakakabasa o nakakanood na kahit anong harry potter chuchu.
7.ayoko ng highschool musical.as in.
8.di ako kumakain ng gulay except sa patatas,cabbage,lettuce,talong at gabi.
9.tapsilog at pizza addict ako.todo.
10.likas akong masayahin pero pag tinamaan ng pagkasenti,pati kanta at mga videos iniiyakan ko.
11.madalas akong magsneeze marathon.pinakamarami ko ata 33 nung 2nd year.
12.hobby ko ang maglinis ng aking banyo.
13.pag naeexcite ako,nawawala ako sa sarili at nakakalimot na may mga tao sa paligid ko.
14.kahit pa lagi akong nanggagago,good girl ako.di pa ko nagtry magyosi at di pa ko nalate sa mga naitakdang curfew pero nagtry na kong uminom.
15.nerd ako by nature.mahilig akong magbasa,peyborit channels ko ang discovery ch,national geographic ch at animal planet,mahilig ako sa mga game shows at mga trivia PERO hindi ako studious.ayaw ko nang nag-aaral buti na lang maganda pa rin ang samahan namin ng peyups.ata.

ayun.pag naiisip kong minsan mo siyang ginusto,parang lalo akong nawawalan ng pag-asa na magkakaron ng "tayo".pak it.

Tuesday, July 17, 2007

para sa may pake,si angge po (ako yun) ay muntikan nang mawalan ng cellphone kanina.muntikan.kaya para sa mga katalk at katext ko,congrats sa tin!maikwento nga ang experience kong ito.

ayun,e kasi pagbaba ko ng lrt kanina may babaeng kumalabit sa kin at sinabing “miss!yung bag mo binubuksan!” at nanlamig ako bigla kasi yung celepono ko e nasa bulsa lang so easy target talaga.buti na lang may nagmalasakit pa sa tatanga tangang ako.as in bukas na bukas na yung bag ko,di ko pa alam.may gallibay.ang tanga ko talaga.akala ko ikaw lang manhid,ako din pala.buti na lang talaga may nagsabi.maraming salamat sayo miss na nakadilaw na tshirt na sumakay ng lrt.maraming salamat!utang na loob ko sayo ang cellphone ko.yey ka!

moral of the story,wag tatanga tanga sa recto.hangga’t maaari,ilagay ang bag sa harap.iwas magnanakaw pag ganun.lesson para sa ting lahat to,pero mostly,lesson para sa kin.


pagpray pala natin si tita ni friend karen at roanna israel dahil sila ay kapiling na ni Lord ngayon.amen.

Friday, July 13, 2007

friday the 13th ngayon.sabi ng karamihan,malas,pero parang hindi naman sa kin.siguro dahil sobra sobra na ang kamalasan ko nung 1st year kaya naawa na si Lord.salamat Lord!

eyniwey.kanina habang nagpapaka,ehem,emo ako sa lrt (pag mag-isa ka lang,di mahirap magpaka emo),nakasalubong ko si ms.fama,ang aking first year adviser.grabe!the best yun si miss!baet,galing magturo.kahit yung section namin e isa sa pinakasakit ng ulo na section,naniwala pa rin siya na sa likod ng mga gagong estudyante,e may mga mabubuting kalooban din.sayang nga lang at umalis siya kaya ang naging adviser namin e si sir,i mean,ms.balatero.at ayun,"sumaya" ang buhay ko.haha!


ang gwapo mo naman kanina.payn,poreber gwapo ka naman,pero iba yung kanina.parang,am,yun.yay.nakapink ka pa!at tuluyan na ngang nahulog ang panty,ay,puso ni angge sayo.tae,corny.lalalalalala.Ü

Sunday, July 08, 2007

una sa lahat,maligayang haberday sa aking kapatid na si gelo.tanda mo na!haha!ayun,tapos na ang pagiging mabuti kong kapatid.

at dahil nga berday niya,gumala kami kanina sa trinoma.amazing trivia,ang ibig sabihin pala ng trinoma e triangle in northern metro manila.gets niyo yung connectment?haha!connectment.eyniwey.kumain kami sa cabalen at grabe,possible palang lumamon na ganun kadami ang isang tao.sarrrap!pagakatapos kumain,naglibot kami at nabiyayaan ng bagong sapatos ni father dearest.wahoo!tapos lakad pa ulet para bumili ng dress ko.oo,ko.ako,angge.may debut kasi si bespren gel kaya yun.di naming masyado nalibot yung lugar kasi pare pareho lang naman daw yung mga tindahan sa ibang mall tsaka sa trinoma.may point sila ah.

at yun na ang ambenchurs namin ngayon.namimiss ko na si megan tabachoy.Ü

Thursday, July 05, 2007

manang 1: “Ano yung bra niya?”
manang 2: “Yan yung pwedeng iba ibang way suotin.”
manang 1: “Pag naka round neck na shirt,hindi dapat ganyan suot niya.”

all within hearing range yan ah.yung “niya” nga pala dyan, e ako.mawalang galang lang po mga ate.yung bra kasi na yun ang katangi tanging skintone kong bra.kung may problema kayo dun,bilhan niyo ko ng iba o kaya,wag niyo na lang pakialaman yung bra ng ibang tao.bright idea diba?!at kung mag-uusap man kayo tungkol sa kin,sana di ko naririnig.nagagalit kayo pag gingago kayo,pero pag kayo nanggagago,wala lang yun?kung medyo gago pa ako at wala sa hulog,baka nagsasutan tayo dun.pasalamat kayo pinalaki ako ng maayos ng magulang ko,kung hindi baka ano nang nasabi ko sa inyo.badtrip.

maiba naman tayo.nasabi ko na,tapos na yun.bakit naman kelangan mo pa kong makita na kumacamwhore?!marami namang ibang pagkakataon ah!wrong timing ka parati.nabasa mo ata yung isang post ko,nagpakita ka na e.wahoo!

simple pero rock.yan si angge at blanca.yeah.Ü

Tuesday, July 03, 2007

"I visited the place where we last met.
Nothing was changed,the gardens were well-tended,
The fountains sprayed their usual steady jet;
There was no sign that anything had ended
And nothing to instruct me to forget."
- "Absence" by Elizabeth Jennings

ehem,ehem.haha!yung lines na yan ay galing sa isang poem na diniscuss namin sa hum I.da best yung subject na yun!enjoy talaga.tipong mapapaisip ka dahil mapapa english ka.tungkol siya sa,e di ano pa,absence.parang yung message ng poem e kahit wala na yung taong yun,apektado pa rin niya ang mga bagay bagay.kahit walang nagbago sa paligid mo,nagbago pa rin lahat.awww.aktwali,di naman ako malungkot.senti sentihan lang.wateber.

on to good news,malaya na si damong ligaw!hindi pala siya tuluyang nalinlang ng palakang mala tuko kung kumapit!wahoo!congrats sa lahat ng nagnanasa sa kanya!yey!

may taong pinagtataguan ako.pag di ka nagpakita sa kin,kakatukin kita sa inyo.Ü

Saturday, June 30, 2007

hahaha!wala pa nga natatawa na ko e no.e kasi naman,laughtrip ang blog ni cofibean!as in,pamatay.naiimagine ko kasi kung anong itsura niya habang na experience yung mga bagay bagay sa blog niya.da best!haha!

so kamusta naman ang 2nd week ng iskul?ayos naman.masaya ako sa lahat ng subjects ko,pati pe ah.imaginine mo na lang kung gano kasaya ang mga bagay bagay ngayon.nakalimutan ko palang banggitin na nagpagupit ako at nagpakulay ng buhok.wala lang,new look ba.

may bago akong discovery,salamat kay mau bakulaw.heben ang tapsilog sa frio mixx!as in.sa sobrang kaadikan ko e dalawang araw akong naglunch sa uste.sarap e.subukan niyo din yung turon with ice cream.naiisip ko palang naglalaway na ko.yay.


sa kalungkutan naman,huhu,yung pinagananasahan kong bag sa supre,nabili na!feeling ko meant to be kami kasi nung nakita ko yun,nasira yung bag ko.ganda talaga,white na may makukulay na bagay,leather leatheran pa so swak talaga.tapos,huhu,wala na siya ngayon!sana di taga peyups nakabili,baka bigla siyang “mawalan” ng bag e.oh well.Ü

Saturday, June 23, 2007

hala.wala na.naulit na naman ang mga pangyayari.joke lang naman e tapos naulit na naman.sana mala diliman ang peyups manila para di muna kita makita nang madalas.

e kasi naman e.lagi na lang akong gusgusin pag nasa paligid ka.hindi na talaga tumama.tulad kahapon,mukha akong yagit tapos andun ka na naman.at yung reaksyon ko!parang natulala pa muna ako bago ako makareact.pak et.pano na ba to?!huhu.para kang cold winter wind (gumaganun pa e) o kahit math na lang,nanginginig ako pag malapit ka.normal pa ba to?sana lang di ako namula o naglaway nung totohanan na.kung bakit kasi di ako mahilig tumingin sa salamin para mang lang nalaman ko kung anong itsura ko nun.lalalalalalala..tae.nababaliw na ko.Ü

Thursday, June 21, 2007

at nangyari na ang hindi pa dapat mangyari,salamat sayo ate joy.hindi ko alam kung natutuwa ako o nahihiya kasi naman mukha akong,okay,payn,gusgusin talaga ako kanina.at kelangan bang tumambay pa dun?maygad.pinaliligaya ako ng mga pangyayari!pinaliligayang pinakakaba pero mostly ligaya.wahahay..

enrolled na nga pala si angge at hindi na siya out of school youth tulad ng sinasabi ni jops balops (uy,special mention).ang saya ng mga subjects ko pati na rin mga prof!aga aga,humihigop na kagad ako,pero masaya talaga.nakakamiss nga lang yung mga blockmates ko,yung mga gago moments.tears,tears.pero ganun talaga e,di pwedeng ipagpilitan.alam naman nila na kahit anong mangyari,once a pharmer,always a pharmer diba?alabyu blockmates!Ü

Tuesday, June 05, 2007

wahoo!nagkita kita ulet ang wirdos!berday kasi ni hot chick aka justine nung sunday kaya ayun,dumale na rin kami ng reunion.at ah,nag-inuman kami!haha!perstaym un.pero wala namang nakalalasing,gin pomelo at mudshake lang.hanep yung mudshake e,walang sipa,parang moo lang na mapait pait.di ko alam kung nalasing ako kasi naman naman walang alcohol,para pa rin akong lasing e.tae.

nakakamiss din yung mga gagong yun.sabi nga ni kamahalan aka tel,kami daw yung grupong kahit tumunganga at magpatulo lang ng laway e masaya na basta magkakasama kami.tama yun!haha!haayy sana balik hayskul na lang ulet,pero walang irog pag ganun.haha!wateber angge.

nga pala miss filingerang tagabantay ng kodak sa promenade,wag masyadong mataas tingin mo sa sarili mo.kung yung nilagay niyo dun e di para babuyin namin,para san pa yun?o gago.Ü

Monday, May 21, 2007

hwokey,kung gagawin man akong espiya ng fbi o kahit nbi na lang,paniguradong papasa ako.bagong career!labet.nahanap ko na nga,two down,three or four more to go.wahoo!

medyo matagal tagal din akong di nagbloblog.wala namang bago,buhay baboy pa rin.bakasyonista eber.di pa ko nagbebeach!kahit pa di naman halata sa kulay ko,gusto ko namang maka experience maglakad sa buhanginan for a change.wateber.

nakakalungkot naman ang testi/comment ni ali whoops sa kin.next year daw,di na kami uupo sa iisang classroom,di na tatawa sa iisang topic.huhu.pag naiisip ko yun,parang ayoko na lang lumipat.pero kung yun ang gagawin ko,ano na lang ang mangyayari sa kinabukasan ko?pano na lang ang mga future angelito at angelita ko?kaya yun.sacrifice,my friend.

napaparanoid na naman ako sa mga bagay bagay.oh well.ay ay!may bago akong sapatos!yey!mahal ko si mother dearest!ayos,bagong koleksyon.tapos,magsisimula na ang listahan ng mga bagay na bibilhin ko sa pasukan!4 na chucks,4 na flats,bag at mga libro!wahoo!posible ba na pag ginusto mo,makukuha mo agad?sana oo no?

mahal ko si megan tabachoy!sana lagi ka na lang andito sa bahay.kakanta tayo ng theme songs ng wonder pets,barney at dora the explorer at ng wowowee,magsasalita tayo ng spanish,tatawagin kitang menay at ako naman ti doy.haaayy.nakakamiss naman.Ü

Tuesday, May 08, 2007

libro libro libro.yan bukod sa am,maraming,maraming bagay, ang kinaaadikan ko.at dahil summer at wala ang mga kapatid ko dito,marami akong oras para magbasa basa.yey!

di ko alam kung magkano na nagagastos ko kabibili ng libro pero dahil masaya,payt!kanina nagawi na naman ako sa national bookstore upang mangharbas ng libro.dyeren!bumili ako ng heartbreak at ang munting prinsipe.yung heartbreak ata,compilation ng mga,well,kwento ng kasawian.wala lang,namimiss ko na kasing masawi.howops,sarcastic yun.at yung ang muting prinsipe ay ang tagalog version ng,you garret,little prince.hindi ko binili yung tagalog dahil hindi ako nakakaintindi ng english kundi dahil mas mura to ng P80 kesa dun sa english.mura na,madali pang maintindihan!san ka pa!

last,last week,bumili ako ng dalawang libro na nabasa ko ang review sa magazine.yung isa,yung tikman ang langit at yung isa e bagets.yung tikman ng langit ay tungkol sa my peyborit band eber eber,ang eheads!wahoo!mga chuchu yun tungkol sa kanila.yung bagets,compilation ng mga essays and whatnot tungkol sa kabataan.saya.last month naman,bumili ako ng when we were little (women),tungkol naman yun sa mga kwento ng mga babae nung kabataan nila.wahoo ulet!tae,ang nerd ko talaga.oh well.

ay ay ay!peyborit channels ko ngayon ang discovery ch,animal planet at national geographic.okay,kanerdan na naman,pero masaya!enjoyable na,informative pa!hwokey,awat na angge.sana lumabas na yung kikomachine komix 3.Ü

Sunday, April 29, 2007

okay,isang payong kaibigan.kung may makita ka mang baklush na may rebonded na buhok,blueng tshirt at magandang nike na sapatos,tumakbo ka na.as in.paniguradong kamalasan ang dala niya.

alam niyo naming lahat na si angge,ako yun,ay walang galit sa mga bading,ngunit nagbago ito dahil kay,am,basta dahil sa isang bading.grabe,sobrang sobrang sobrang sama niya!mapanlait,mapangmata,talakero/talakera,filingero/filingera,reklamador,palamura,paranoid at higit sa lahat gago siya.sa mga di nakakaalam,nagka one day summer job kami ni jhe.mukhang maganda yung offer dahil una sa Valenzuela ito (alam niyo na naman ata yung kagandahan nun diba?) at dahil sa P500 na sweldo.mukhang pera na kung mukhang pera,pero 500 din yun.pero tae,hindi sapat ang sweldong yun para sa katakot takot na talak na tinamo namin kahapon.kahit paulit ulit niyang laslasin pulso niya sa harap ko habang sumasayaw ng itaktak mo,kulang pa rin yun.maygad.pagkatapos nung trip to hell na yun,mangiyak ngiyak talaga ako dahil sa galit.di kasi ako yung tipong fire ng fire pag galit,baka kasi may mga masabi ako na di ko naman talaga gustong sabihin kaya tumatahimik o umiiyak na lang ako.tae,ngayon lang ata ako napika ng ganito sa isang tao,kung tao man siya.siyet talaga!whoo!pero ayos na din dahil may 500 ako ngayon.in your face chakang badingerz!Ü

Friday, April 13, 2007

nanonood ako ng oprah kanina.di ako fan nung show na yun kasi feeling ko may pagkashowbiz siya.pero kanina,nag-enjoy ako dun sa episode nila.tungkol yun sa mga inspirational stories ng iba’t ibang klaseng tao at may aso pang involved.so kwento ko na ah.

yung naabutan ko,tungkol kay faith na isang aso.kung iisipin mo,parang ano naman ngayon diba?anong magagawa niya na pwedeng maging source of inspiration sa tin.pero eto yung kwento niya,may abnormality siya.wala siyang front legs,meaning hind legs lang yung meron siya.tinrain siya ng mga owners niya na maglakad na parang tao.as in nakatayo.nakakatuwa kasi kahit aso siya,nagpupursige siya na mabuhay kahit mahirap dahil na rin sa pagmamahal na binibigay sa kanya nung owners niya.ang lesson:perseverance o pagtitiyaga.

yung pangalawa naman,tungkol kay anthony supto,na feeling ko e Pilipino din.ano namang kwento niya?nagising siya na pinapatay ng tatay niya yung nanay niya.dahil nakita nung tatayniya na nagising siya,pinagsasaksak siya hanggang nagpanggap na lang siya na patay tapos iniwan na siya nung tatay niya.tumawag siya sa 911 para humingi ng tulong kaya lang biglang bumalik tatay niya.sakto lang na nandun na yung mga pulis.ang lesson:katapangan

yung pangatlo,tungkol naman sa isang lalaking may tourette syndrome.yung tourette syndrome ay isang abnormality sa neurons kung saan di mo macocontrol yung mga kilos mo.nung nasa school siya madalas siyang pagalitan kasi akala ng mga teachers niya,nangtritrip lang siya.dahil sa sakit niya,wala siyang kaibigan tapos lagi siyang pingatatawanan.inoffer siya ng principal nila na ieducate yung mga schoolmates niya tungkol sa tourette syndrome.dahil yung naisip niya lang na posibleng maging effect nun e mawalan ng kaibigan,e wala naman talaga,kaya pumayag siya.after nung speech niya,pinalakpakan siya ng lahat.sa college,dir in naging hindrance yung sakit niya,kasi grumaduate siya na cum laude.nung naghahanap na siya ng trabaho,24 times siyang nireject dahil sa sakit niya pero may isang naniwala sa kanya at hinire siya.akalain mong nanalo pa siyang teacher of the year kahit may sakit siya!ang lesson:wag papaapekto sa sinasabi ng iba.kung may gusto kang marating,mararating mo basta magspursige ka lang at wag na wag susuko.


yung pang-apat,tungkol sa dalawang hikers.nagmeet lang sila on the way sa bundok at nagdecide na magjoined forces na lang.ang kaso mo,nung kinagabihan,nahulugan ng 2000 lbs na boulder yung isang lalake at naipit yung legs niya.yung kasama niya,bumaba ng bundok kinabukasan para humingi ng tulong.inatake ng langgam yung humnig ng tulong at tinira ng crab yung naipit pero pareho silang nagsurvive.naputulan ng legs yung naipit pero siya yung naging kauna unahang amputated man na nakaakyat sa isa sa pinakamataas na peaks sa mundo,ang mt.kilimanjaro.lesson:courage at friendship.

ang haba ng post ko!malamang wala nang tumapos nito.pero wala lang.sakto kasi yung timing ng pagkakapanood ko dito.alam niyo na namng lahat na nahihirapan talaga ako ngayon sa school.parang sinakto ni God na mapanood ko to para ipakita sa kin na walang imposible basta may tiwala ka sa sarili mo,sa kaya mong gawin at may tiwala ka sa Kanya.lalo tuloy akong nainspire.go go go angge!wahoo!tuloy tuloy lang ang prayers ah?salamat salamat!Ü

Tuesday, April 10, 2007

128th post ko ngayon,128 ang friends ko sa friendster,18-2 ang edad ko nung magblog ako.kung bakit ko to sinusulat?wala lang.baka kasi nakalimutan ko na magmath,naniniguro lang.eyniwey.

kagagaling ko lang ng bicol.lam mo na,hibernation period na.grabe pala talaga yung epekto ng bagyo dun,na wipe out ang mga bahay at ang cagsawa ruins sa mayon.maluluha ka kung maiimagine mo yung mga pangyayari dun.sa postcards mo na lang talaga makikita ng buhay at maganda ang mayon volcano.haay..

bicol.grabe,masakit sa likod ang banig at ang batong unan.sabayan pa ng "pagfifireworks" ni lola gabi gabi.kapuyatan.masaya naman kasi halos buo ang desbarro family.at andon si megan tabachoy!galing!marami na siyang alam na tricks (aso?)!amazing!

galing ng internet no?lahat accessible.para bang the world is in your hands.nakampft.ikaw,nagpa________ ka na pala,di ka man lang nagsabi.sponsored sana namin drinks.tsk3.nakakashock pero anong magagawa ko?e ganun e.

prayers needed ulet para sa pagshishift ko at grades.aylabyu ebriwan!Ü

Tuesday, April 03, 2007

haberday angge!wahoo wahoo!18 na ako at maraming naexcite dito o siguro ako lang yun.eyniwey,sabi nila ligal ba daw ako,pwede nang mag-asawa at ang peyborit ng lahat,pwede na daw akong makulong.masama ba talaga ko?wag mo nang sagutin.

okay naman ang celebration.isang mahabang roadtrip,di sinasadya dahil nagkanda ligaw ligaw kami.kasama namin si megan tabachoy,ang aking peyborit na pinsan.ang saya!bagong phone and padebut nila sa kin.masaya naman siyang gamitin so far.bago ko makalimutan,e magpapasalamat lang ako sa mga bumati.di to isa isa ah?

maria all star-nakakabilib kayo,di nyo talaga nalilimutan.salamat!Ü
block 24-ang pinakamasyang block eber eber!salamat!Ü
wird0s + friendly friend+ bakekang-da best kayo!wahoo!Ü
UP friends-may ganun?haha!salamat!Ü
family-malamang.salamat!Ü
biboy at cuz-nakakatats naman.Ü
clubbers-wahoo!Ü

at,am yown.salamat salamat!

nga pala,pagdasal natin papa ni blockmate maylea.angel na siya ngayon.kung nasan man po kayo,alam naming masaya na kayo.

Monday, March 26, 2007

maiba lang tayo sa mga mabababaw na post.magpapaka iskolar ng bayan muna ako.

kung aware kayo sa recent events,ayon sa surveys,dumadami na ang mga pilipinong nagugutom.humirit si GMA na hindi daw niya alam na may ganung pangyayari.kalokohan diba?kahit sinong tanungin mo,sasang-ayon sa survey na yun.at ang magandang solusyon niya dun ay ang mag labas ng 1 billion para i-alleviate ang kagutuman agad agad.tama ang sabi ng mga analyst,di ba mas maganda kung sa trabaho at education na lang i-allot yun?kung may trabaho at educated sila,habambuhay na silang may makakain.sa solusyon niya,panandalian lang yun.haaayy..

kanina,sa ospital,may nakausap kami na pilit akong pinipigilan sa pagshishift ko.pero dahil nginingitian ko lang sila,eto ang sabi niya: "taga-UP ka nga,maprinsipyo ka e." sarap pakinggan na si angge na maloko at gago ay maprinsipyo.mahal kita UP.Ü

Thursday, March 22, 2007

live to fight another day.

yan ang horoscope ko ngayong araw na to.di ako madalas magpapaniwala sa mga kagaguhan dun,pero parang tumugma ngayon.sumusuko na ang boung pagkatao ko ngayon.kung pwede lang pasabugin na ang peyups para wakasan na ang lahat,malamang ginawa ko na.mga ilang gabi na rin akong walang matinong tulog kung tulog mang matatawag yun.katulad ng palaging nangyayari,nagpapanggap na naman akong okay pero sa totoo lang,takot na ko.pagod na ko.

ikaw na lang talaga ang pinanghahawakan ko.ikaw na lang.

Sunday, March 18, 2007

okay,sobrang dami kong kwento ngayon.as in.pero bago ang lahat,maligayang haberday blog!wahoo!wahoo!yey sa tin!salamat sa walang sawang pakikinig sa mga kasawian at kaligayahan ko sa buhay!wahoo!

eyniwey.fun run kanina sa diliman.ay grabe,patayan ang takbuhan!pero sobrang salamat sa "Diyos" (double meaning yan,alamin mo yung isa).pang 406 out of 600 ako!oo,ako!di siya mabilis pero dahil ang expected ko e pang 599 ako.dala dalawa yung dala kong rosary at talagang nagmasinsinang pag-uusap kami ni Lord kagabi.salamat Lord!wahoo!at,irog galore kanina!grabe.medyo delikado ako sa kanya ngayon kaya wala muna masyadong kwento okay?ay,eto ang listahan ng supply ko ng jokes kanina!

1."bakit nya tayo kinut (as in gupit), cut-outs ba tayo?"
- tungkol yan sa kotseng biglang nawala dahil lumipat pala sa kabilang lane.
2. ali: "angge,may multiply ka ba?"
angge: "wala eh,divide lang."
-ngekngok.

marami pa yan e,kaya lang wala na kong maalala tsaka di naman sila kaala alala.congrats sa mga kuya!platinum na ang hopia mani popcorn!yey!wahoo!Ü

Saturday, March 17, 2007

medyo productive ang araw ko ngayon kasi naglinis ako ng banyo ko.nirepair kasi siya last week at sobrang dumi niya kaya dumadayo pa ko sa cr nila mama para magweewee at maligo.ngayon,malinis at mabango na siya!yey!wahoo!

sobrang toxic ng sked sa skul ngayon.share ko sa inyo para,wala lang,ishashare ko lang talaga.

sunday:
*fun (daw) run- huhu..baket o baket?!

monday:
*submission ng psych module
*philo quiz (sana di matuloy)

tuesday:
*prefinals ng histo
*comm paper

wednesday:
*review para sa psych exam
*gumawa ng papers wateber

thursday:
*long exam sa psych
*tentative report ko sa philo

friday:
*deadline ng paper sa comm na hindi ko pa nauumpisahan

huhu.yan lang naman ang mga gagawin ko next week.aktwali,mas toxic yung mga blockmates ko e.kanya kanyang pasakit lang sa buhay.pagdasal niyo kami!yey!Ü

Wednesday, March 14, 2007

okay,kahapon nangarap akong magsubmit ng entry para sa 2bu ng inquirer (oo,yung dyaryo) kaya gumawa ako ng essay.masaya na sana kaya lang tapos na yung contest kung contest man siya kaya ipopost ko na lang dito.siguro parang ganun na din yun.so eto na yung dapat sana'y entry ko sa dove chuchu contest.

The Chronicles of a Nognog

Have you ever wondered how it’s like to live in the dark side, or should I say the dark shade? Then read along to find out exactly how we, the dark ones, do it.

Negrita, baluga, and nognog. These are just some of the nicknames I’ve earned because of my skin color. I’ve been a morena for as long as I can remember, though my baby pictures say otherwise. The old me had milky white complexion and big, round eyes which is a far cry from the present me who has dark skin and slit eyes. Whenever I show people my baby pictures, they never fail to ask me where my fair skin had gone. I jokingly answer back that it has gone on a vacation. A very long vacation, if you ask me. Blame it on my family’s love of out-of-town trips and beaches. My mom used to tell me that when I was younger and whiter, we’d always go to Batangas during the weekends and go basking in the sun. Kids usually don’t have a problem when it comes to getting dark after a trip to the beach since they peel their dark skin off easily. But I was different. It takes me weeks before I return to my normal complexion, but since we go to the beach every week, my skin never really had the opportunity to return to its normal shade, thus the dark me was born.

I didn’t really have a problem with being dark since most of the people I see also have dark skin. All of these changed when I went to school. We all know how kids can be judgmental during this stage and I wasn’t spared from it. Most of them would call me names associated with being dark. I would often get pikon and cry but what can I do? I really am dark. There are also the frequently asked questions like “Nagbeach ka ba? Umitim ka eh.”, even if I haven’t gone to the beach in ages or the most common “Kung maputi ka dati, bakit ka umitim?”, which usually ends up in a long story telling session. In high school, I hated the one thing I loved the most when I was younger: swimming. It was required that we attend swimming classes and unfortunately for the not-so-gifted ones in the white skin department, our pool didn’t have roof to protect us from the sun’s skin darkening rays. So I, along with the other members of the nognog club, had to endure pe class and darker skin.

But my take on the dark side changed when my dad told me that there is nothing wrong with being dark. He was conversing with an uncle during a trip to the beach when he said his piece about my having a dark skin. His exact words were:
“E ano naman kung maitim ka? Nasa kulay ba yun? Maganda nga yung maitim e, tipid sa pera kasi para kang laging galing sa beach kahit hindi.”

Though he said it in a joking manner, he was right. My skin color doesn’t really matter. It’s not much of a deal that I’m not as white as Snow White. It’s the inside that counts. Cliché, I know, but it’s true. If you’re a nice, fun to be with person, people wouldn’t really care if you’re a morena or a mestisa simply because it’s not as important as being a genuinely nice person.

So there, that’s my side of the story. I can now say with conviction that yes, I am a nognog and if being one means that I get to enjoy life without caring too much about my color, then so be it. Ü

yown.sorry medyo mahaba at english pa siya.wahoo!Ü

Tuesday, March 13, 2007

yey!bagong skin!gustuhin ko man kasing gumawa ng sarili kong skin,e parang imposible yata talaga kaya salamat sa gumawa ng skin na to.wahoo!nag-attempt din akong icustomize yung tagboard pero nakakahilo magmatch match ng kulay kaya ganyan na lang.masayang gawin to sa summer kaya isasama ko na yun sa listahan ko.

malapit na magberday ang blog ko!sa 18 na.naku,judgement day ko rin pala yun sa pe.dammit.speaking of berday,may malapit na ring magberday sa april 1 (ehem ehem..) sana wag niyo "siyang" kalimutan batiin at regaluhan na din kung pwede.wahoo!

bakasyon ko ngayon.kakatamad e.mowdel estyudent talaga ako.:)

Thursday, March 08, 2007

wahoo wahoo!pasa ako sa philo exam ko na sigurado akong ibabagsak ko!2.25 my friend.wahoo!mahal ko si dr.imperial (prof namin/dean ng cas).wala lang,ang saya saya nyang prof.di demanding at di madamot sa grades.perpektong siyang prof at perpektong straw din ako.eyniwey.

aktwali,wala namang kapost post ngayon.wala na tuloy excitement ang buhay ko.ay!nakita ko na bagong vid ng mga kuya!ayos naman.dekada title,ayos yung vid may pagkamelancholic na tama lang dahil malungkot naman yung kanta.boto nyo ha?

nag gbox kami kanina.wala kasing pe kaya yun.at ang saya!wahoo!100 ako sa everything ng m2m kahit parang portuguese version yung pagkakanta ko,swak naman.

naghihide and seek na naman ba tayo?:)

Tuesday, March 06, 2007

haloo friends!dahil walang kapost post at interesante sa buhay ko ngayon,magrandom kachuchuhan na lang tayo ok?

mga kachuchuhan tungkol kay angge (ako yun):

1.mahilig akong gumupit ng sarili kong buhok lalo na pag bored o pag wala lang.
2.mahilig ako sa makukulay na bagay.damit,sapatos,pencil case,cellphone,medyas,bag,wallet.lahat yan meron ako.sabi nila ako daw ay nakatira sa makulay na mundo.sa madaling salita,autistic ako.
3.pag nasa bookstore ako,naiiyak ako dahil ang saya saya ko pag maraming libro.oo,nerd na kung nerd.
4.pag wala akong magawa,binabasa ko yung dictionary sa kwarto.
5.minsan,binilang ko kung ilan yung staple wire sa isang box ng staple wire para malaman kung talagang 1000 pieces nga yung laman nun.
6.mahilig akong tumingin ng mga billboard sa edsa kaya di ako natutlulog sa byahe.pwera na lang kung nasa may dulo na kami ng walang hanggan at wala ng billboard dun.
7.kinakausap ko yung pusa naming si garfield kahit pa di naman nya ko naiintindihan.
8.kaya kong kumain ng tapsilog araw araw.
9.mahilig ako sa yogurt kahit lasang suka daw.
10.peyborit ko yung choco pudding ng hunt’s.
11.nilalagyan ko ng stickers yung fone ko para kyut.
12.pag di ako makatulog sa byahe,nagbibilang ako ng aso sa kalsada.
13.kaya kong kumain ng 7 pizza in one sitting.
14.mahilig ako sa big mac at champ.
15.naiiyak ako pag narerealize kong kaibigan ko ang jtc.
16.mahilig ako sa tokneneng.
17.gusto kong maging isa sa mga csi.
18.mahilig ako sa libro.nung pasko,naka 1 thou ako kabibili ng mga libro.minsan,bumili ako ng 5 libro dahil bored ako.
19.peyborit ko si jessica zafra.
20.pinag-aralan ko ang html para lang makagets ng blogging.
21.sobrang idol ko si bianca gonzalez.
22.hanggang ngayon,mahilig ako sa cartoons.
23.marunong akong magchinese,korean at japanese pero konti lang.
24.mas natuto ako magchinese nung nanood kami ng meteor garden na walang english subtitle kesa nung nagformal training ako.
25.1/8 chinese ako at am..yung natirang part,part garter.wateber.
26.pag kinikilig ako,naghahampas ako at gumagawa ng weird na sound.
27.pag may nakita akong kyut na bagay,di ko napipigilang mag huwow kahit in public.
28.ayoko ng ipis.eber.
29.mahilig ako sa magazine.every month talaga akong bumibili.
30.mahilig ako sa horror at gory movies.sobra.

ayan na muna siguro.baka wala ng magbasa e.eyniwey.haay irog..ang gwapo mo.nagjajacket ka kahit maiinit para lang ipakita na adidas ang jacket mo.meant to be tayo.adidas ang damit mo pero nike ang sapatos mo.adidas ang sapatos ko pero nike ang bag ko.tara,pakasal na tayo!

haberday kay lola!wahoo!party time!:)

Sunday, March 04, 2007

post post!wahoo!sorry kung natagalan as ip naman may nag-aabang.eyniwey.

takot ako kay casper.hindi yung friendly ghost ah.ngekngok.yung vocalist ng craeons.basta,kung napanood mo na sila o narinig,maiintindihan mo ko.kakaiba kasi siya e,pero okay din kasi at least kakaiba.pero hindi.wateber angge.

may bago akong sapatos!wahoo!ang kuul.pwedeng dikitan ng stickers.isip bata na kung isip bata pero siyet,ganda talaga.paberday ni tita mals yun.wahoo ulet!

di ako nakapasok nung sabado dahil nilagnat ako.e kasi naman nagpolo ka,tumerno ka pa sa kulay ng damit ko.kaw talaga,magpigil ka naman,halata ka na e.sarap mangarap.monday na naman,siyet philo test ko.tae,ang dakilang pilosopo hirap mamilosopo sa philo.the irony of it all.kung ano ibig sabihin nun,malay. :)

Friday, February 16, 2007

okay di ako masaya ngayon.as in hindi.masakit katawan ko,pati puso ko masakit.oo na,tawanan mo na ko.tulad nga ng sinabi ko dati,ayoko na ng pe lalong najustify ang pagkaayaw ko dun.ngayon alam ko na kung bakit pe tawag dun.packing epal kasi.packing talaga.

sa matters of the heart naman,aktwali 2 weeks na kong problemado dito.nasulat ko na dun sa isa pang hingahan ng loob ko.ayoko kasing isipin ng mga tao na napakapathetic naman ng buhay ko kahit pa may pagkatotoo naman.alam mo ba yung feeling na dahil sa sobrang pagkagusto mong magawa ang isang bagay,di mo na nakikita yung mga circumstances na nasa paligid mo.pinipilit mong magiging okay din ang lahat kahit alam mong neber mangyayari yun.aasa ka kahit alam mo na yung patutunguhan.maniwala ka,eksperto na ko dito.aasa,mag-iisip na mangyayari yung inaasahan,masasawi,iiyak,magpapanggap na okay ang lahat.tatawa ka pero hanggang kelan mo kayang pigilin ang pag-iyak?maaaring mapaniwala mo ang iba na okay ka pero maitatanggi mo ba yun sa sarili mo?pag mag-isa ka na lang at wala nang nanonood,iiyak ka din,maiisip mong ang tanga mo para maniwalang posible talaga yung gusto mong mangyari.bakit ko alam?madalas kong gawin yun.minsan,gusto ko na lang magising na tapos na ang lahat.minsan gusto ko na lang bumalik sa pagkabata,sa mga panahong paglalaro lang ang problema ko.minsan..minsan.

ang hirap maging masaya para lang di isipin ng iba na sa loob,humahagulgol ka na.maraming beses na kong nagpigil ng iyak para lang di malaman ng iba na ayoko na talaga.kaya masaya ang may sariling kwarto,umiyak ka man,walang makakaalam.may mga oras na gusto ko na lang iwan ang lahat,yung tipong bigla na lang mawawala.ang labo ng mundo para sa kin ngayon.di ko maintindihan kung bakit ganito,nauulit lang ulet yung dati.lagi na lang bang ganito?

Wednesday, February 14, 2007

una sa lahat,happy balentayns sa lahat!yey sa inyo at sa akin.haha!wala e,ganyan talaga.eyniwey.

nahalukay ko sa cabinet ni mother dearest ang meteor garden compilation namin.oo,meteor gardenian ako.jologs na kung jologs.matagal tagal ko na rin kasing di nasisilayan ang mga minsan ko ring pinagnasahang si hua tze lei at dao ming sze kaya naman nagbalik tanaw ako.maygad.talaga namang maganda pala ang taste ko!harhar.nagbuhat ng sariling bangko.pero pramis.yun talaga ang palabas na babalik balikan ko pa rin.yay.

medyo may mga pagbabago sa valentines ko.yung last year kasi may tulang madrama akong pinost e ngayon wala na kong dahilan para magdrama.aktwali marami,pilit ko lang itinatanggi.tulad nung isang gabi,humagulgol ako nung binasa ko yung mga reco letters sa kin nung highschool.marami na kasi akong pagdududa sa sarili ko kaya kelangan ko ng reassurance na okay naman pala lahat.kala ko hindi na madrama,madrama pa din pala.eyniwey.

ang dami na palang nasasawing mga asian artists.si jung da bin at si unee ng korea na mga nagsuicide at si hsu wei lun na namatay sa car accident.kakalungkot naman.

ayun.on the happy side,di na kita kelangan imaginin na naka alam mo na!wahoo!:)

Thursday, February 08, 2007

okay,ayoko na ng pe.para sa mga katulad kong sinawing palad pagdating sa sports department,napakahirap ng pe class.tulad nga ng nasabi ko dati,wala akong ni isang patak ng dugong pagka atleta na nananalaytay sa mga ugat ko.sinwerte lang ako nung first sem dahil nuknukan ng bait ng prof ko.pero ngayon,ipagdasal nating lahat na malagpasan ko ang pagsubok na ito.

kung inyong titignan,maaaring isipin nyong ang babaw ko naman.pero kung kilala mo talaga ako,alam mong hindi ito ka-oa-yan.highschool pa lang pasakit na sa kin ang pe lalo na pagdating ng volleyball at swimming.nakatutuwang nagdidive din ang mga grade ko pag yun na ang pinag-uusapan.pagawin mo na ko ng sandamakmak na essay,wag mo lang akong pag-pe-hin.pramis.tulad ng math,angge and pe don't mix..eber eber.

ayan,may post na rin tungkol sa pe.math,hindi ka na nag-iisa!congrats to you.nga pala,wag kayong magtaka kung makita niyo akong mala penguin ang lakad.hindi ako panatiko ng happy feet (kahit pa nuknukan ng kyut yung mga yun), masakit lang ang buong pagkatao ko ngayon.sorry for me. :)

Monday, February 05, 2007

kung sino mang halang ang kaluluwang nag-isip na taasan ang rates ng globe unlimitxt,magtago tago ka na o kaya iflush mo ang buong pagkatao mo sa banyo.sakim ka at mukha kang pera.pano nyo nagawang balahurain ang mga taong umaasa sa serbisyo nyo?pag nahanap kita babalatan kita ng buhay.na mo.

hindi ako nasisiyahan sa mga bagay bagay ngayon.pumunta kami ng pasig para sa comm research kasi sabi ni propesor maganda daw lib dun.e taeng yan,pang-english language lang daw yung andun.so nagsayang kami ng pamasahe at pagod para sa wala.sana bago siya nagbigay ng mga lib siniguro niya munang ayos talaga dun.na nya.at ikaw,pinapahirapan mo ko.sabi ko nga it's getting old my friend.kung ayaw mo,di wag.iflush mo na din mukha mo sa banyo.pero di kita mumurahin kasi wala ka namang malay sa mga bagay bagay.naiinis lang ako.

ayun.minsan ang masayahing tao dinadalaw din ng inis at sumpong.nagkataong yung akin e ngayon.pasensya na sa mga na-offend kung meron man.

Thursday, February 01, 2007

okay,nabeat na ang art of the devil 2 bilang best horror/gory movie ever,saw 3 na!wahoo!siyet,for the first time,nagwala ako nang dahil sa pelikula.grabe.ayoko maging spoiler kasi baka di nyo pa napapanood yun,pero siyet,maghanda na ng maraming tape o kung matapang ka,stapler at paniguradong mapapatalon puso nyo.maniwala ka.

eyniwey,ang dahilan lang pala ng lahat ng yun ay dahil binalahura yung asawa ni jigsaw/john/bida sa saw 1,2 at 3 kaya gumaganti siya ngayon.pag-ibig nga naman,sadyang nakakabaliw.biruin mo,mangtotorture ka ng mga tao ng walang dahilan dahil lang binalahura asawa mo.kabaliwan diba?siguro kanya kanyang paraan lang yan ng pagpapakita ng pagmamahal.at yung paraan ko e pangstastalk?tae talaga.wala na nga palang thrill ang pagiging stalker ko dahil may pakiramdam akong kilala na ko ni irog.tae ka roh,kasalanan mo to,magagantihan din kita balang araw o siguro bukas na yun.tae ka talaga.eyniwey ulet.ayun na nga.corny na.si mikoliti na lang,back to square one ulet.oh well.

nga pala,bibigyan kita ng pagkakataong pagtawanan ako for a change.eto:DI AKO MARUNONG MAG SQUAT. masaya ka na?pakaligaya ka,panandalian lang yan.bukas ikaw ulet pagtatawanan ko.hala. :)

Friday, January 26, 2007

bakasyonista ako ngayon!wahoo!e kasi naman,isa lang subject ko tapos 2:30 pa.sobrang alangan kaya nagdeclare ako ng holiday na tanging ako lang ang magcecelebrate.congrats to me at sorry for you!

eyniwey,nangharbas ng mga dvds si ate ed sa beloved quiapo.60 dvds my friend.movie marathon!ang daming horror kaya naman ginagabi gabi namin ang panonood.yung una naming pinanood yung art of the devil 2,thai movie ata siya at maygad,laman loob galore!mas trip ko kasi yung mga ganun kesa yung mga multo multo na sa sound effects ka lang tinatakot.grabe.may dukutan ng mata,bunutan ng ipin at kuko,kainan ng buhay na pusa,tutungan ng balat,lamunan ng kapwa tao.wahoo!best horror movie ever!aktwali,hindi horror e,gory.galing.may twist din yung kwento kaya ayos panoorin.usually kasi mahuhulaan mo yung ending ng mga pelikula,pero eto hindi.parang shutter,unpredictable.enjoyable panoorin yung mga ganitong pelikula,nakakastress nga lang.tipong mapapakapit ka sa puso mo kasi baka madislocate sa nerbyos.

sa tv naman tayo,may mga bago akong peyborit commercials (babala:sarcastic ako). yung whisper ad ni kim chiu na halos madislocate na yung balikat niya sa ka-oa-yan.sorry kim fanatics.at yung mcdo ad ni ate shawie at frankie!*ang kamay paswing swing phah...* galit sa h si frankie,parang si yeng.harhar.o blog ko to ah,kanya kanyang trip yan.wahoo!:)

Sunday, January 21, 2007

haloo friends!wala naman talaga akong ipopost.aktwali meron,kasi kung wala,wala kang binabasa ngayon.eyniwey.nakita ko lang ulet,oo na,hinanap ko talaga,yung lyrics ng sa langit ng moonstar 88.medyo luma na siya at di ata narelease na single pero maganda siya.akma sa mga sawi.di naman ako sawi,di pa.sana wag na,pero sigurado ako tumatiming lang yun.so eto na.

Sa Langit
Moonstar88
Paano kaya mapapansin
Pag-ibig kong itong laging bitin
panay sulyap, puro tingin
di na talaga lilingunin
lagi na lang nasasaktan
puso kong itong nagdurusa
laging pinipilit pag-ibig ko sa yo ay dinggin

Hihintayin na lang kita sa langit,
hihintayin nalang kita sa langit
Marahil doon ay puro pag-ibig

Siguro naman ako ay pansin
pagbibigyan sa aking mga hiling
paano kaya mararamdan
pag-ibig mong aking dasal
marahil nga doon na lang sa langit

Hihintayin nalang kita sa Langit,
hihintayin nalang kita sa Langit

Palagi na lang kitang nakikita
tila ba uisang madilim na ulap
walang kasinag-sinag para sa aking pag-asa
Hihintayin nalang kita sa langit

Ako ay may kaba
ako ay nag-alala
kung tayo ba ay magkikita sa langit
doon sa langit
sana sa langit,
sana sa langit
ang tanging pag-asa ko na lang ay langit

yun na.mangyayari lang to kung mapupunta "kayo" (oo,kayong mga mananawi) sa langit.harhar.

eyniwey,condolence sa phone at wallet ni boks.amen.

Friday, January 12, 2007

babala:may pagkacorny ang post na to,kaya kung naaasiwa ka sa mga ganung tagpo,tigilan na ang pagbabasa nito.pero kung trip mo naman,sige,wala naman akong magagawa e.

haaaaaaaaaay.....yun na.haha!syempre joke lang yun.pero hindi.tae.pasensya na,medyo sabog ako ngayon e.aktwali sabog talaga.alam mo,gusto kitang makita pero wag naman yung tipong di ka na aalis sa harap ko.wag ganun.napapagod ang puso ko sa kakatibok e.t*****a,corny.pero totoo.ganun kasi ako magreact sa mga bagay bagay e.nanginginig,kinakabahan o minsan,naiiyak.yung dalawang nauna lang naman nangyari kanina.pinigilan ko talaga e.alam mo yung tipong gusto mo na siyang iuwi at ilagay sa bulsa mo pero di pwede?yung bang mag-uusap lang kayo kahit kanerdan yun o kagaguhan.syempre mas gusto ko yung kagaguhan kasi eksperto ako dun pero kung kanerdan gsuto mo,sige,hahalukayin ko utak ko para magkasense yung mga sinasabi ko.ganun.yung tipong.ewan.kung nakita mo ko kanina,malamang tatawanan mo ko.buti na lang hindi kaya ikaw pa rin pagtatawanan ko.harhar.kung ganyan ba naman parati e di maninirahan na lang ako sa peyups o sa lib kung gusto mo!kahit san pwede.ayoko na,kinikilig na naman ako e.kasura.

eyniwey,bagong kinaaadikan ko si mike enriquez!wahoo!gago ka kung iniisip mong para kay mike tong post na to.para kay toot to.yay. Ü

Sunday, January 07, 2007

wassap for you my brethren?!ganyan kami magbatian nung highschool.memories..eyniwey.unang post para sa taong to.baka kasi akala nung iba busy ako,aktwali hindi,wala lang akong mapost tsaka nakakatamad e.harhar.

bago ang lahat,maligayang haberday kay boks!am.yown.at tulad ng dati,sorry kasi di kita nabati pero di naman tayo magkakilala kaya parang ayos lang din na hindi.defensive.ay magkakilala pala tayo pero parang hindi.ewan.

okay naman ang new year,pumunta mga kamag-anak namin sa father's side kay riot sa bahay.yung iba kasi,specifically,si kuya nognog (tumawa mas nognog pa sa kanya.sige ka.),ngayon ko na lang ulet nakita.dahil napag-uusapan na rin naman ang nognog,kaya siya nognog kasi yun siya pero jose talaga pangalan niya.pero mas ma appeal pag nognog diba?wadyatink?

siyet,walang kwentang post to.tsaka na lang ulet yung mga nakakatangang mga pananaw ko sa buhay buhay. :)