si cris anthony mendez.20 years old,graduating sana next sem.sana.pero ngayon,iniiyakan na lang ng kanyang pamilya sa sarili niyang burol.sabi sa hazing daw siya namatay.hazing na ginagawa sa mga gustong sumali sa frat.dito ako nalalabuan,bakit kelangang bugbugin ka muna at saktan bago ka ituring na ka brad o kaibigan?di ba sa totoong mundo,wala namang ganung siste?siguro may mga dahilan sila para dun pero kung ano man yung mga yun,parang kelangang baguhin.isa na namang buhay ang nasawi dahil dito.ilang buhay pa ba bago gawan to ng paraan?
may mga kakilala akong sumali,sumasali at siguro,may mga sasali pa.pero pag tinatanong ko sila kung bakit kelangang may sakitan pa,di rin nila masagot."ewan,ganun daw e." ang parati kong nakukuhang sagot.sa madaling salita,nagpapabugbog sila ng walang dahilan at kung may dahilan man,di nila alam.wala akong problema dito kasi buhay naman nila yun at gagawin nila ang gusto nilang gawin pero pag may mga patayan ng nangyayari,kelengan na atang bigyang pansin.
di ko kilala sa personal si cris,pero sigurado akong hindi niya ginustong mamatay sa ganitong paraan.kung tutuusin,sino bang may gusto?sigurado akong marami pa siyang pangarap sa buhay pag nakatapos siya pero ngayon,mananatili na lang talaga silang mga pangarap.
pagdasal naman natin ang katahimikan ni cris at pati na rin yung mga sangkot dito.sana mabigyang hustisya ang pagkamatay niya.amen.
No comments:
Post a Comment