Sunday, December 16, 2007

hwokey,unti unti nang bumabalik ang oh happy days ko.aktwali,matagal naman nang bumalik.di naman kasi ako yung tipong nagdwedwell masyado sa mga kalungkutan dahil wala naman akong magagawa dun.pag naiyak at nalabas ko na,wala na yun.so..

ako ang tipo na tao na marupok,ika nga ni tado.di mo na ko kelangang utuin sa sales talk kung gusto mo kong bumili sayo,di mo na ko kelangan amuin pag galit tayo,in short,uto uto ako.haha!katulad kanina,namimili kami ng sapatos,mag-uumpisa pa lang yung tindera,humihingi na ko ng size.pero natyempohan lang niyang gusto ko talaga yung sapatos,otherwise kelangan niya pa kong utuin sa loob ng,am,5 mins.

ako rin yung tipong mahirap paiyakin.di kasi talaga ko iyakin e kaya pag umiyak ako,ibig sabihin nakakaiyak talaga o sinisipon lang ako.tulad kanina,akalain niyong humagulgol ako sa isang korean short film made for tv.one fine day yung title niya,ewan ko ba kung bakit ako naiyak.dati kasi,kahit iyak na iyak na ko at masakit na yung lalamunan ko dahil para na kong may apple sa lalamunan,di pa rin ako iiyak.feeling ko kasi sign ng kahinaan ang pag-iyak pero di na ngayon.ngayon kasi,sign na ng katapangan ang pag-iyak para sa kin.matapang ka kasi natanggap mo na na may problema at may mali sa kung san man.pati mga christmas commercials,iniiyakan ko na ngayon.crybaby.eyniwey.

mukhang i'm losing my favorite game na naman ah.Ü

No comments:

Post a Comment