Sunday, January 27, 2008

oo na,tamad na kong magpost.haha!sorry na.so para sa am,5 na nagbabasa ng blog ko,post post!

medyo naging busy kasi ako for the past am,20 days.sige na nga,2 weeks ago lang ako busy,yung mga natirang araw,tamad lang ako.ayun.so ano na bang happening sa buhay buhay ko?una,sumakabilang buhay na rin si kadols.medyo shocking to para sa kin kasi naglaro pa kami the night bago siya bumalik kay Lord.pero nung nagkausap kami ni wempot,alam ko na kung bakit.pangalawa,si garfield nawawala!huhu.sa lahat ata ng mga naging alaga namin,bukod kay milky,si garfield lang talaga ang minahal ko.sobrang bait kasi tapos ang lambing pa.pero ngayon,huhu.sana naman di siya nasagasaan o kung nasagasaan man siya,sana patay kagad para di na niya naramdaman yung sakit.o kung hindi naman,sana alagaan siya nung nakapulot sa kanya.wag siyang sisipain pag maingay siya,kasi gutom lang siya nun.di naman siya nangagalmot e.huhu.

sa iba pang huhu moments..alam ko kung anong meron,pero kahit alam ko kung anong meron,di kita ilalaglag.kahit kulitin pa nila ko,di ko sasabihin.kung ano mang maging result niyan,sana maging masaya ka na talaga.kahit di na ako yan,on second thought,kelan ba naging ako yan?basta,sana maging masaya ka na.huhu para sa kin.

Monday, January 07, 2008

belated merry christmas at new year sa lahat!post post!

okay so medyo malas ang araw na to.una,natagusan ako at di lang basta tagos,TAGOS.pangalawa,namatay si isnapols kanina.sa tagal kong di nagpost,nakalimutan ko tuloy ikwento na bumili kami ng rabbit nung dec.24.yung isa si cuddles aka kadols at yung isa si snuffles aka isnapols.at kanina nga e namayapa na si snuffles.siguro masaya si kadols dahil solo na niya ang mga baguio beans,suha,saging at carrots na ginrocery namin para sa kanilang dalawa kahapon.gayun pa man,mamimiss ka namin isnapols!sana maraming suha,saging at pakwan sa kinaroroonan mo ngayon.

bumili ako ng libro kanina.he's just not that into you yung title.mukhang kelangan ko kasi ng straight to the point answers sa mga tanong na alam ko na naman yung sagot.para maverify ba.at dapat makatulong to dahil P500 lang naman siya.so mura.

boks,belated haberday!salamat sa alam mo na.haha!para namang mababasa niya to.Ü