Wednesday, May 31, 2006

halloooo!!!!tagal kong di nagpost ah.haha!sa maniwala kayo't sa hindi,isa na po akong UPinian ngayon!!!woohoo!hirap ba paniwalaan?wag kang mag-alala, maski ako inabot ng ilang araw bago ako naniwalang iskolar ng bayan na talaga ko!haha!bs pharmacy pa rin course ko sa UP Manila (inuulit ko lang) hahaha!ayun,kaya naman kababait ng mga tao sa kin ngayon.less than 7 thou lang tuition ko per sem!akalain mo yun!ang tanong ngayon ay kung tatagal kaya ako!hahaha!at dahil dun ay binilhan ako ni father dearets ng bagong celpono!yey!haha!ano pa ba?yun.hahaha!yey!^_^

Wednesday, May 17, 2006

wassap?!hahaha!kami'y naglakbay ni mother dearest sa uste kanina,nagcommute lang kasi wala pa yung kotse nya.muntik ko pang makalimutan na pupunta nga pala kaming uste.ok nakalimutan ko talaga.kung di lang kinalampag ni mama ang pinto ko,di ko talaga maaalala.haha!ayun,nasabon pa ko dahil naka tsinelas lang ako,o mas kilala bilang flipflops para sa mga sosyaling nagbabasa nito (kung meron man).pero dahil matigas ang ulo ko,di ako nagpalit.haha!pagdating namin dun,nakarating na ata kami ng argentina kakahanap ng bibilhan ng uniform na sa gym lang pala bibilhin.saklap.inalam ko na rin kung san ang classroom ko para di naman ako mawala sa pasukan.ang problema ngayon,di ko maalala kung right side o left side ng building yung room ko.oh well,para ano pa't may mga maong guard naman dun?!haha!tapos nagtext si insang malamigs,na muntik na naming maging ser malamigs,na nasa sis daw sila,kaya natawag ko ata lahat ng santo sa taas para maabutan ko yung set nila.narinig naman nila ako!haha!naabutan ko,kahit medyo bitin,ayos lang.ayun,excited na ko pumasok!may uniform na ko,kulang na lang mga gamit.haha!yey!^_^

Monday, May 15, 2006

una sa lahat,MALIGAYANG HAPPY MOTHER'S DAY SA LAAHT NG ULIRANG AT HUWARANG MGA MAMA,INA,MOMMY,MAMI,MAMU,INAY,NANAY,MOTHER DEAREST,MAMSY AT LAHAT NG IBA PANG TAWAG SA NANAY,BASTA NANAY KAYO,HAPPY MOTHER'S DAY!!!!! ayan,tapos na ang pagiging straw mode ko.hahaha!ammm..ano bang bago?gumala kami kahapon,together with the desbarro family from cavite.nakampft *with talsik laway effects*,parang beauty pageant ah!haha!kumain sa kamay kainan nang nakatayo dahil wala ng upuan,syempre joke lang yun.nag market market na parang literal na palengke talaga dahil sa dami ng tao (malamang mall,tao talaga makikita mo dun,punta kang zoo,hayop naman madami dun),tapos nagpamerienda si donya eden aka mother dearest sa yellow cab.nakampft *syempre with talsik laway effects ulet*,mayaman ang mama ko!haha!kaw ba naman maging asawa ng nagmamay-ari ng the spa kung di ka yumaman!haha!tapos nabilhan ako ng blueng tsinelas na papartneran ko sana ng blueng jtc shirt kung binili nya yung jtc shirt,e hindi so hindi.hahaha!naglinis din ako ng kwarto.kinuskos ko yung dating gray na pader na ngayon ay mint green na ulet!yey!tapos ipinaligo ko yung pinanglinis ko dun nang matapon sa kin yung tubig na dating clear,naging black na.ano ka ba?syempre tipid tayo sa tubig kaya ganun,kaw talaga.tapos minamasaker ng kapatid ko ngayon yung ultimate videoke song ko,yung cry ni mandy moore.haha!sige,makikipagpustahan pa ko kung sinong highest pointer sa magic sing.ahnyong!^_^

Thursday, May 11, 2006

2nd post ngayong araw na to!di naman halatang wala akong ibang magawa ano?the day went well kahit wala akong tulog.as in wala,ni hindi napikit ang aking mga mata,pwera na lang pag kumukurap kurap ako.haha!pero okay naman.mas hyper ako pag walang tulog e.lakas amats!yeah!try mo minsan,ang gaan ng ulo mo,parang pag high ka..sa medyas.kaw talaga.haha!nagmamagic sing ako kanina nang bisitahin ako nila madam (uy,palindrome),mekeni,antonette at ni gits.gagawa daw kasi sila ng documentary tungkol sa buhay artista kaya pinuntahan nila ko.joke.haha!i think they'll be doing a short chuchu para kay sarah psalm na ipagpapalit na kami sa mga boy tisoy at girl tisay!saklap.sarah psalm,mamimiss kita at ang ating mga batian at nung 2nd year,ang mga moments natin..haha!i miss maria all star.yung mga kulitan,tawanan,charades,tuksuhan,kainan,damayan,lahat ng mga kaklase ko.pag nagkita kita tayo ulet,kolehiyo na tayo pero panigurado mga isip alikabok pa din!haha!miss ko na kayo maria all star! except kay jhe at mau na sa halos araw araw e nandito sa bahay.lalo na si jhe na lumipat ata dito nang di ko nalalaman.akalain mong pag may tumatawag dito,siya na ang hinahanap!huwow!mga kaibigan,open pa rin yung para sa donations sa 'five on the floor' cd at rainbow chucks,pinapaalala ko lang baka nakalimutan nyo na.haha!^_^
may mas mahaba at madramang post sana dito kaya lang sinabotahe ako ni ponkyuter,as usual,kaya nawala siya.kaya eto na lang,dahil halos pareho din naman yung thought.title nya 'veto',kung anong meaning nyan,kuha kang thesaurus tapos hanapin mo.haha!o go na ah?!


veto


"paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan",
yan ang sabi ng karamihan,
pero paano kung ang iyong pinaniniwalaan,
ay di na makatotohanan


ipagpapatuloy mo pa rin ba,
kahit nasasaktan ka na?
magpapanggap ka pa rin ba,
na balewala lang lahat?


kung ang iyong pinaniniwalaan,
ang siyang dahilan ng iyong pagluha,
dapat pa rin bang ipagpatuloy,
kahit luha mo'y dumadaloy?


kung ang iyong pinaniniwalaan,
ang dahilan ng iyong kalungkutan,
nararapat nga bang,
magpanggap na wala lang?


paniniwalaan mo pa rin ba,
ang bagay na imposible na?
ipipilit mo pa rin ba,
kahit pa ayaw naman niya?


pipiltin mo pa rin ba,
kung ano ang iyong nadarama,
kahit pa lahat sila,
sayo'y kumokontra na?


tatanggapin mo na lang ba,
na sadyang ganun na lang,
at di na mahihigitan pa,
kanyang nadarama


iiyak ka pa rin kaya,
kahit na para sa kanya,
ay hanggang doon na lang,
at di na lalalim pa


malulungkot ka pa rin ba,
kahit na siya'y masaya na,
ipagpipilitan mo pa rin ba,
kahit hindi na pwede pa?


aasahan mo pa rin ba,
sinasabi ng iba,
kahit nakikita mo na,
yung itinatanggi nila


babalewalain mo pa rin ba,
sakit na kanyang dala,
kahit pa apektado na,
pati takbo ng iyong isipan


ipaglalaban mo pa rin ba,
kung alam mo naman,
na walang pupuntahan,
itong malaking kalokohan,


ngayon,sagutin mo ko.papaniwalaan mo pa rin ba ang gusto mong paniwalaan?



swak ba?haha!isa to sa pinaka malakas na tama na tula na nagawa ko.usually kasi puro kababawan e,eto may lalim.nakampft,sariling puri?!haha!basta yun.kaya ikaw,wag mong isiping nag-iisa ka sa mga ganitong kachuchuhan,marami tayong corny dito.hahaha!^_^

Monday, May 08, 2006

una sa lahat MELISSA PRISCILLA VISITACION MAYUGA,MARAMING SALAMAT SA PAGKALIKOT SA BLOG KO AT SA PAG-AAYOS NG TAGBOARD KO.MARAMING SALAMAT OT!!
woohoo!matino na ang blog ko!yey!wala namang masyadong bago.nilayasan kami ni ate mae kaya diswaser ako ngayon.may bago akong bespren!hi bespren!maligaya ako as usual sa mga pangyayari sa buhay.binilhan ako ni mama ng bagong damit pero nilait nya muna yung damit bago nya binili.salamat mama.ayos na si celepono!yey!sinasabotahe ako ng globe,wala pa yung unli ko.parang gusto ko ulit mag-enlish sa mga posts ko,wadyatink?!haha!magpapakitang gilas lang ako ulit,baka kasi nakalimutan ko nang mag-english.haha!nga pala,tumatanggap ako ng donasyon ngayon para sa 'five on the floor' cd ng sandwich para marinig ko naman ang guitar playing skills ni gwapong mong mokong tsaka para sa rainbow chucks sa may shoe salon sa gateway.tulong naman mga kaibigan!hahaha!^_^