Friday, October 16, 2009

surprise, surprise! buhay pa ko! haha! sorry na sa, am, sa blog ko. dahil 3 months na kong di nagbloblog, malamang nawala na ang 10 readers ko. haha! ewyniwey.

mistulang owl na ko ngayon, di dahil lumaki na ang mata ko (asa) kundi dahil bumaliktad na ang biological clock ko. dahil semi-trabahador na ko ngayon, wasak na ang sleeping habits ko. kung dati, kahit walang pasok e gising na ko ng 7 am, ngayon, bakas ng nakalipas na lang un. dahil ang pinakamaagang gising ko na ay 8. huhu. di ko na naaabutan ang malamig lamig na umaga dahil minsan, lunchtime na ko nagigising. IST. masaya namang maging trabahador dahil maraming pera. haha! tsaka masaya din magturo, ay sus.

syempre dahil semi-trabahador lang, kelangan pa ring mag-aral. at dahil tuluyan na kong nilisan ng USB ko (huhu), umuulit ako ng thesis ngayon. oo, umuulit. at isa pa, nadisapprove ang topic ko, after 4 chapters. FOUR CHAPTERS. homaygad talaga. kaya eto, thesis mode ulet.

hwokey, bulleted updates na lang:

- adik na ko sa atashin chi! haha! oo, yung may nanay na mukhang goldfish at oa ang receding hairline. a lot of fan!

- ang sarap ng malibu dream ng coffee bean! homaygad! kung di lang mahal, masarap araw- arawin!

- may bago na kong phone, na sa tagal ng post, e luma na sya ngayon. haha! LG cookie, my friends. at pink sya!

- may unang buhos na ng pamasahe pa Hanguk! konting ire na lang!

- gusto ko ng DS Lite na pink, or purple, or bluegreen. huhu.


there you go, kulugo. pramis, aayusin ko na tong blog na to. ya right. haha! :P

Monday, July 20, 2009

oo na, masama ako. oo na, tamad ako. oo na, puro mga koreano na lang inaatupag ko. oo na, muntik ko nang makalimutang may personal blog pala ko. KMN (na akala ko dati, Kulit Mo Naman). IKR. IST (bagong pauso ko, I Suck Talaga). eyniwey.

dahil full-pledged adopted daughter of korea na ko, pati thesis ko, koreanovela. haha! ayoko kasi ng topic na mema lang, gusto ko yung mapagtyatyagaan ko talaga. sa sobrang kaadikan ko sa everything korean, nakakabasa at nakakasulat na ko in korean, favorite milkshake at ice cream ko korean, shampoo at mascara ko, korean, stickers sa laptop ko, korean, mapapangasawa ko korean (hello jun pyo, yunho, ki bum, dong hae, kim bum and so much more!) pakshet na kabaliwan to o. haha!

o yun lang, pramis, aayusin ko na ang blog na to. IST e. haha! :D

Thursday, May 28, 2009

waddap? haha! update update!

sa wakas natapos na ko sa ojt! pero nakakamiss din dahil wala na kong insider chismis at di na ko makakafirst dibs sa mga demo ng mga tao. haha! salamat soupstar para sa isang masayang ojt! eyniwey. nagwasakan ang wirdos sa tagaytay! at OVERNIGHT TO. at PINAYAGAN AKO. wahoo! syempre dahil walang bantay, nawasak na naman ako. at dahil ginawa akong taga timpla, semplang kagad ako. haha! salamat at labyu wirdos!

nagreunion nga pala ulet kami ng poknat ko. papakilala ko sya sa inyo one of these days. haha!

hello korean everything! grabe, sinusumpa na ko ni jose rizal at andres bonifacio dahil pati shampoo, mascara, masks, milk at ice cream ko, korean na! sorry na. haha!

ay sus. :D

Sunday, May 17, 2009

si angge ang reyna ng pa-pride-an at pilitin-mo-muna-ako syndrome.

boys over flowers. sabi ko, "sus, alam ko na kwento nito, di na ko manonood." after 6 hours, nagreresearch na ko sa net ng tungkol sa BOF at sa mga characters dito. parang dati sa meteor garden, sabi ko "ang yabang yabang, ang papanget naman." 2 days later, may poster na ko ng F4 sa kwarto. kaya wag kayong maniniwala pag sinabi kong ayaw ko, unless sapakin na kita kakapilit mo sa kin, gusto ko talaga, nagpapapilit lang ako.

eyniwey, hooray to the best blockmates eber eber! haberday maylea! salamat sa beer at chaser. haha! 2 words: walang dagtaan. haha!

magbabakasyon na ko! malapit na! whoo! hello min ho, kim bum at yun ho! labyu poreber! :P

Thursday, May 07, 2009

I HAVE THE BEST JOB IN THE WORLD! eber eber! :D

so kahapon, may event kami, dahil assigned ako sa program, all access ako, with matching ID pa. haha! sobrang saya! lahat ng soupstar bands andun! ang masaya dun, dahil assigned ako na mag coordinate with the host at mag document, nasa stage ako. whoo! as in mga 2 feet away lang ako sa lahat ng mga pinaglalawayan ko lang dati! haha! nasa harap ko si duster, maps, raims, tatsi, mong! whoo! at grabe, nastrastruck ako kay raims! as in tulala. haha! si maps, ngumiti nung tinawag ko. fan girl. si mong naman ay everything you expect him to be and more. haha! kinanta nila alapaap!

homaygad, hologs na kung hologs pero hello tatsi! ang pogi! haha! as in gumigiggle giggle ako sa kilig. haha! saya din ng duster at imago! homaygad talaga! soupstar, labyu poreber! :D <3

Monday, May 04, 2009

dahil palagi lang computer ang kaharap ko dito sa office, eto na ang top wateber websites to visit ko, in no particular order:

1. postsecret

mga postcards na may nakalagay na mga secret, saya! eto actually yung inspiration sa dirty little secret vid ng the all american rejects.

2. onesentence

parang postsecret din pero dito, magshashare ka ng kahit ano in one sentence. kung iisipin mo, parang bitin diba, pero hindi, super saya! haha! na aaddict na ko!

3. 8tracks

ang saya nito! mix ng 8 tracks, anything goes!

4. orisinal

most fun games eber eber! the best yung wake up calls, bugs, windy skies, hydrophobic tsaka yung bird and sea (?)!

5. tmz, perez hilton, and gofugyourself

for your daily dose of hollywood chimis!

there you go kulugo. :D

Monday, April 20, 2009

dahil tanga ako, akala ko 24 pa ang graduation, yun pala last week pa! i hate me, i hate me. at dahil din nangako ako ng isang post especially for you, here we go.

hello ivan,

haha! nadidiri na ko. congrats sa yo dahil bukod sa grumaduate ka na, med ka pa! sa wakas natupad na ang mga pangarap natin, i mean, mo, mga pangarap mo. kahit na di na tayo magkikita (masyado ;P) next year, hahanapin, ay mali, ipagdadasal pa rin kita. naks. di mo na kelangan maglalagi sa lib dahil tamad ako maglakad kaya di na kita dadayuhin dun. haha!

sorry sa mga panahong feeling mo na-invade ang privacy mo at nagulo ang mundo mo, sa mga not-so-accidental na mga pagkikita natin, sa mga panahong bigla mo na lang naririnig ang pangalan mo sa mga random na tao. sorry na.

thank you sa lahat lahat. kahit wala ka namang matandaan na ginawa mo, yun na. haha! sa 3 taon na pagpapakilig ever mo sa kin, sa pagsisilbing motivation para pumasok sa mga araw na masarap pumetiks na lang, sa mga ngiti at luha (!), sa pagiging pogi, at sa pagiging you na you. ay sus.

ayan, semi-malaya ka na! hayaan mo, pag grumaduate na ko, ganap na ang kalayaan mo. haha! sana maging masaya ka palagi. at kahit naka puti ka na, lagi ka pa ring tumalon talon sa hagdan at kumanta kanta kahit mag-isa. sana matupad lahat ng pangarap mo at sana maging masaya ka forever! GoD bless at, yun na. haha! :D

from the ibong pipit to you :)

ay suuuuus. nagbago man ang lahat, may isang bagay na hindi pa rin nagbago. congrats ivan burog! :D

Sunday, April 19, 2009

what's up for you, my brethren? haha!

unang linggo ng pagiging trabahador. ayos naman. may times na maraming ginagawa, may times na wala. laging winter time sa office. haha! pero all in all, ayos.

sadya atang hinahanap hanap ng katawan ko ang bakasyon dahil nagkasakit ako sa unang weekend ng pagiging trabahador ko. haha! intestinal flu daw dahil sa katakawan ko. evil one ka, hershey's sundae pie! oh well.

so far, so good. shet, gusto ko ng pizza. :D

Monday, April 13, 2009

first day funk. haha! hello soupstar!

dahil excted si angge, 12:30 pa lang, andun na siya. ang uwi, petiks mode sa labas ng office. haha! pagpasok ko, mini interview muna kung bakit soupstar, at ang award-winning sagot ko: "fan po kasi ako ng mga bands nyo." diretsahang sagot ba? haha! so ayun, binigyan ako ng list ng tasks. may writing and research involved tapos magcocover ng gigs at mag oorganize ng events. kanina, dahil first day, mini orientation muna, tapos gumawa ng mga articles para sa mga banda. medyo nastarstruck pa ko nung sinabi ni ate LT na "o yung itr ni raims, paki pick up daw sa bahay nila." pangalan pa lang yun ah. haha!

ang "assignment" ko bukas? umattend ng gig ng callalily at duster! that's it! idodocument lang daw! saya!

p.s. angge, di kasama cambio sa soupstar. napahiya ka pa tuloy. haha! :P

Sunday, April 12, 2009

stat, bakit? haha! oh well rockwell, at least sumabit.

bukas, start na ng ojt ko at kinakabahan me. haha! nag ambenchur pa kami ni mama kanina para hanapin soupstar. natunton naman. at bukas mag aambenchur ulet ako at sana natatandaan ko pa directions papunta dun. pag hindi, may tuesday na papasok. haha!

whoo. help me Lord! St. Jude, alam mo na. ;D

Saturday, April 11, 2009

hello manila! haha! makalipas ang 3 days, 2 nights na pagninilay nilay,i'm home. naks. haha!

pagpasensyahan ang kalandian ng blog ko. accidentally kong nadelete yung highlighter green skin ko. huhu. so lungkot. pwede na to sa ngayon. haha! :P


Saturday, April 04, 2009

waddap brader? whoo! belated haberday sa kin! haha!

dahil matagal tagal din kaming di nagkita kita ng wirdos, hello 3 consecutive days of bonding time! eto ang rundown:

april 2- post berday libre/ wasakan ko. absolut mango + sprite= oh kaligayahan! salamat kay kamahalan para sa chocolate kiss cake (the best cake eber eber)! kay meme para sa stickers at lanyard, kay justine para sa dvd at kwintas, kay mau para sa hangkyut na cake at kay jhe, for am, her presence. haha!

april 3- surprise berday party ni tel. saraap ng pagkain! overnight sila mau at jhe.

april 4- bonding time with jhe at mau. hilata ng more than 12 hours, tapos foodtrip at movie sa galle. saya ng monsters vs aliens! at sumingit na din ng pamimili. wala na naman me-ng pera. haha!

hello mongers! :D


Wednesday, March 18, 2009

ang napapala ng batang natutulog sa hapon? napupuyat. pikit na pikit na ko pero buhay na buhay pa utak ko. energo, energo!

dahil malapit na ko magberday (ehem ehem), nag-isip na ko ng pwedeng hinging regalo and the winners are:

1. flash attachment para kay happy thoughts (lomo cam ko)
2. everlasting supply of film! (pakyu ka trixie, di mo na pinalitan ektachrome ko. haha!)

so there, pader. parang ang ganda ng 500 days of summer. alvina, paburn! haha!

bittersweet ang mga pangyayari lately. masaya na di masaya. lalawak na ang mundo mo e. nakakatakot lalo. haaaay. ipapaperbag mo palagi ulo mo ah? para di na dumami ang mga karibal. wag masyadong magpapogi, wala nang bantay dyan. ay meron pala. haha! intayin mo lang ang oh-so-touching (or scary) blog post ko, especially for thee. nyar.

happy 5th anniversary, anggeholic! whoo! papiging na us! :D

Sunday, March 15, 2009

ahh. the eternal crush. :c

Friday, March 13, 2009

HOMAYGAD. med ka na! med ka na!

syempre nagpakastage ,am, stalker na naman ako kanina. pagkakita ko nung med results, napatili pa ko. parang nanay lang o. haha! med ka na! so sa kaexcitean ko, tinext ko lahat ng pwedeng matext. haha! med ka na! at eto ang favorite reply ko:

"congratulations, mrs. *****! he he he." - mama

thank you mother dearest! siguro may piging sa ***** residence ngayon. med ka na, med ka na! lalo kang popogi dahil nakaputi ka na. magiging longer din ang long distance relationship natin (both literally and figuratively). pero okay lang yun. yey! thank You Lord!

oo na, di ako makaget over. med ka na, med ka na! :D

Sunday, March 01, 2009

dahil almost non-existent na ang multips ko, ngayon ko lang nabasa na tagged pala ako sa 8 things that made me happy for a series of 8 days. you suck, angge, you suck. sorry friend. eyniwey, eto na!

1. impromptu overnight nila jhe at mau

dahil tanging sila lang ang mga kaladkaring kaibigan ko. haha! saya! kwentuhan, tawanan, the usual gaguhan. labyu ebribadi!

2. walang pasok nung monday

semi bakasyon, nag buhay baboy ever na naman ako. haha!

3. naka upo ako sa upuan sa ling namin.

dahil wala yung totoong prof namin, nagmimistulang seminar yung klase namin. pero dahil maaga ako, may upuan ako. di katulad nung friday na umabsent ako dahil wala akong upuan. so kadirdir kasi to make upo on the sahig e. *laslas pulso*

4. walang stat!

haha! alam naman nating lahat na math and angge don't mix. eber eber. kaya yung mga ganitong pagkakataon, holiday na sa kin yun.

5. muni muni session

bihirang bihira na lang ang idle moments ko e (hindi totoo), kaya pag may mga mahabang biyahe, masaya ako na nakakasingit ako ng me time.

6.laughtrip na interview sa baker's

medyo nalulungkot na kasi ako sa momo. di na ko masaya pag andun ako kasi na aassociate ko siya sa school at masama yun. kaya hello baker's! it's nice to be back. ay o.

7. inuman/videoke session!

ahh. eto ang pinakamasaya sa lahat. tipong magkagaguhan na, wag lang magkasiraan ang mga piging-ers. saya! laughtrip ever!

8. naupdate ko na ang music list ko

dahil mga ilang buwan ding wasak net namin, nuknukan ng bulok na nga kanta ko, pero di na ngayon! hello spice girls, aaron carter, westlife at jennifer love hewitt! oo na, hologs ako.

there you go kulugo. pwede ko pang dagdagan yan, actually. dahil madali naman akong paligayahin, pero dahil 8 lang kelanagan. haha!

p over o at any given time, no contest. :P

Tuesday, February 24, 2009

oo na, loser ako. dvd lang ang buhay ko ngayon. sige na, batukan mo na ko.

so sa wakas natapos ko na ang heroes season 3! whoo! ang saya! mas maganda siya kesa sa boring ever na season 2. excited na ko sa season 4! speaking of heroes, dininig na ng Diyos ang mga panalangin ko! break na si milo at hayden! wahoo! so, magkano ang ticket pa US? time to make ipon! ay o, asa siya o.

the virgin suicides. ahh. ang ganda! parang after mo mapanood ng movie na to, tataas ang standards mo sa pelikula. haha! may air of mystery tungkol sa suicides ng lisbon sisters. tipong pagkapanood mo, mapapaisip ka pa rin. galing! very convincing din si kirsten dunst. kasama na to sa favorite movies ko, pero the best pa rin eternal sunshine of the spotless mind.

dahil sa panonood ko ng mga US tv series at movies, parang naiinspire ako na mag travel. wala talagang connection yun, pinagpipilitan ko lang para coherent sila. haha!

toooot. :P

Thursday, February 12, 2009

tol, tsong, pare, man, dude. uso ang maputi, glutathione! glutathione! ahh UP fair.

ang UP fair ay isang annual event para sa, am, UP fair goers (angge, karen, majo, kiko, at rikki). sadyang napakalungkot na may ibang plano si willi (ehem ehem). (naiinis ka na ba sa mga parenthesis ko?) (talaga?) haha! bukod sa masayang tugtugan at mga kasama, palaging may "masasayang" tagpo pag UP fair. eto ang ilan sa kanila:

1. nalubog sa putikan ang paa ni karen.
2. dahil di nagpapatalo si angge, nalubog din yung kanya, mas malala pa. naglakad siya sa diliman nang nakasupot ang isang paa. supot at tanging supot lang.
3. giniling festival! most fun band eber eber! 4th year pa lang, kaligayahan ko na sila.
4. nyctinasty. whoa. sobrang galing ng bahista! nyar!
5. steve jeffrey. nakilala ko siya dahil sumali siya sa kissing contest ng smint. ang kyut kyut! parang lasing na ewan lang. tipong masarap itulak sa hagdan. tapos yun pala, kasama siya sa munting kaguluhan kanina. you rule, steve jeffrey!
6. rambol! kala ko magflaflashback na naman buhay ko e.
7. lousy hosts. mehn, hanggang sa diliman naghahasik ng lagim si boy meyor. shet.

so there pader. tol, tsong, pare, man, dude. :D

Tuesday, February 10, 2009

para maiba naman, mga libro naman pag-usapan natin. ayos? ayos!

may apat na libro akong jinujuggle ngayon. haha! 3/4 finished ko na ang para kay b by ricky lee at all i really need to know i learned in kindergarten by robert fulghum, at sana masimulan ko na ang alice in wonderland by lewis caroll at the good earth by pearl buck. tapos sasali na rin ako sa robot making contest, gagawa ng wallet na galing sa balat ng ipis (yaks), tapos maglalanding sa jupiter. haha! nyar, the things i do for knowledge. haha! eyniwey, super saya ng para kay b! mga short stories tungkol sa different kinds of love at mga kabiguan. kinabahan nga ako na baka andun mga kwento ko e. there goes valentine's- related hirit no. 5872! haha! basta, may incest, lesbianism at kung ano ano pa! saya!

si robert fulghum naman ay ang american version ni bob ong. sobrang laughtrip! challenge yun dahil iba ang humor ng pinoy sa mga amerikano, pero it works! ang dami ngang lessons in life na kinder pa lang tinuro na sa tin, na overlook lang natin. ooh. haha!

huwow, what a dorky post. now i'm off to heroes land! yatta! :D

Monday, February 09, 2009

malala na ko. malalang malala na.

siguro kung nakakausap mo ko lately, kabisadong kabisado mo na siguro ang mga pangalang peter petrelli, jess, at, oh mi, oh my, milo ventimiglia. ADIK AKO. but wait, there's more! kanina, kakabigay lang ni alvina ng season 3 ng gilmore girls, 22 episodes, at tapos ko na siya. oo, 22 episodes in 5 hours. oo na, may mga finast forward at nirewind ako (ehem ehem) pero kahit na! malala na ko. whoo, milo, you're the one!

speaking of the one, parang palagi na namang nagkukrus ang landas natin. 3 taon na tayong ganito, pero hindi pa rin ako nadadala. it's that time of the year, angge. go hide under your bed, may bumalik ata. oh no.

Sunday, February 08, 2009

heroes galore! nyar! ganda ng kwento, gwapo ni peter petrelli! whoo!

kagabi, sa sobrang kaboringan namin nila fiona at jhe, nag-isip kami ng mga posibleng power. ang dalawang considerations lang:

1. di pa dapat siya nagiging power ng kahit sinong hero sa heroes
2. dapat malalabanan namin ni sylar

oo na, mga gago kami. at oo, ako ang pasimuno ng kalokohang to. at eto na ang mga "powers" namin:

1. si fiona cruz from dasma, cavite ay ang daydreamer. pag iniimagine niya, nagkakatotoo.
2. si jhe david from anonas, qc ay ang transformer. kaya niya magtransform into kahit ano, pero physical form lang pwede. (loser)
3. angge fernandez from cubao, qc ay ang controller. kaya ko magcontrol ng thoughts and emotions. (best power ever!)

ayan, malalabanan na namin si sylar! oha oha! sana kasali din kami sa heroes. haha! :P

Saturday, January 31, 2009

the "gilmore girl" is giddy over the gilmore girls. bakit "gilmore girl"? yun tawag sa mga taga tipol qc, kasi nasa may tabi ng gilmore station yung school namin. ayos?

mehn, eto ata yung unang US tv series na kinaadikan ko. mga grade 6 ata ako nun. tandang tanda ko pa (oha oha, parang yeye vonnel lang o) na patay na patay ako kay jess (milo ventimiglia). kasi ang pogi, ang talino, witty, ang gago. nyar. akalain mong ngayon, hero na siya, marami na kong karibal. how sad. pero lalaban pa rin ako (san?) haha! tae, kelangan ko na ng matinong kausap, kinocontradict ko na sarili ko e. milo, you're the one! siguro dapat numberan ko na ang mga the one ko. so many pogi, so little time. nyar.

banana nutella waffles, marry me. :D

Sunday, January 25, 2009

huwow. kagabi lang ako tumawa ng as in tawa. ang dahilan? wirdos!

so mga 3 months din kaming di nagkita kita, except kay jhe na araw araw kong kasama, kaya naman riot talaga! sobrang laughtrip! lahat gago, lahat patawa, a lot of fan! may nakita na naman akong the one sa music 21! haha! shet angge, sa lahat na lang may the one ka. tsk tsk.

nagtataka ako kung bakit di mawala wala sipon at ubo ko, ngayon, alam ko na kung bakit. kasi naman, smoothie nang smoothie, frappe ng frappe. at kagabi, may bagong favorite na naman ako! matcha korichio with oreo sa kozui green tea. homaygad! di ako ma tsaa, pero bentang benta sa kin to. saraaap! lalo na pag libre. haha! salamat meme! masarap din yung taro at caramel wateber nila dada at jhe. parang leche flan na ginawang smoothie yung caramel chuchu. nyar.

buti na lang talaga. mahal mo ko, Lord! :D

Wednesday, January 21, 2009

momofied na si angge. sigurado na to.

mula nung nagbukas ang momo, nasa list na siya ng mga pangarap ko. dapat kasi, meron ka ring mabababaw at attainable na mga pangarap para palagi kang may matutupad. oha oha. pero dahil loyal ever ako sa baker's, ngayon lang ako napadpad sa momo. tulad kanina, naka P400+ ako sa 4 hour stay ko dun. maygad. so far, favorite ko ang banana chocolate at butterfinger shake nila at lahat ng meals nila. haha! suuuper sarap ng carbonara! next sa list ko, yung big burger at pizzas nila. nyar.

huhu. nakakalimutan ko na mukha ni lrt boy. huhu. ;P

Monday, January 19, 2009

HOMAYGAD. homaygad talaga.

so kanina, may meeting kami for 183, dahil malalate si ryo, nagpalate na rin ako. so nung on the way sa lrt, sabi ko "wala na, di ko na makikita si lrt boy." tapos pagdating ko, HOMAYGAD, andun siya! sa dinami dami ng oras, ng tren, nandun siya! tapos same position, nasa likod ako, nasa harap ko siya. nyar. kakasabi ko pa lang sa tita ko kagabi na dapat may daily goals ka para may iloolook forward to ka. sabi ko pa "tulad ako, makikita ko si lrt boy bukas." jeren! nangyari nga! kaya naman abot batok na naman ngiti ko maghapon. ay suuus.

momo is love! sarap ng banana chocolate at momo goes pinoy! so long, baker's. haha!

haaaay. <3

Saturday, January 17, 2009

hwokey, nadagdagan na naman ang mga the one ko. lrt boy, you garret!

sa lahat ng mga ayaw ko e yung mga kasakay ko sa lrt na natitipuhan ko. yaks,parang manyak lang o. haha! bakit? kasi, yun yung mga one time, big time. tipong di mo na makikita ulet. so lungkot diba? pero kanina, maygad, nakangiti lang ako buong biyahe! ang pogi! yung tatlong taong pinundar ni irog, sa 2 mins lang, nakuha na niya! nyar. so, ngayon, operation lrt boy! kung may kakilala ka, o ikaw ang tinutukoy ng mga sumusunod, mag tag ka dito! haha!

1. sa cubao station ka sumasakay
2. olive green shirt mo kanina
3. jansport backpack mo
4. nike sneakers mo
5. may 3 baller ka (black, yellow at white) at relo sa right wrist
6. sa legarda station ka bumaba

PLEASE. haha! how do i find thee, lrt boy? <3
alam naman nating lahat na si angge ay isang tough kid, in all aspects yan. pero nung thursday, tonsilitis got the better of me yet again. oh boy palaboy.

so akala ko dala lang talaga ng panahon ang pagiging lamigin ko, yun pala, may sakit na ko. oo na, tanga na. i hate me, i hate me! kaya ayun, bartolina buong friday. pero dahil nga tough kid ako, magaling na ko. oha oha. buti na lang walang bec bec ngayon. haha!

across the universe. homaygad. ang ganda! di kasi ako mahilig sa musical, pero maygad, ang saya nitong movie na to! puro beatles yung tugtog, tapos ang ganda ng pagkakagawa. whoo! jim sturgess, the one na rin kita! nyar.

ay sus! ay sus. :D

Wednesday, January 14, 2009

angus, thongs, and perfect snogging. ahh.

hmm, actually, okay naman yung kwento pero medyo mababaw siya. tapos nung nag, ehem, research ako, nickelodeon movies pala ang nagproduce. sabi ko nga e. siguro kung tipong n12 o 13 years old ako, papatok to sa kin pero dahil magttwenty (!) na ko, hindi na. buti na lang madaming pogi dito. haha!

mehn, ang weird ng mga panaginip ko lately. siguro nga, eto na. nyar. haha! :P

Tuesday, January 13, 2009

hwokey,oo na. delayed ever na naman ako, pero ang ganda ng juno! haha!

very effective sila ellen page at michael cera! ang saya ng kwento, ng script, ng soundtrack. whoo! bagong favorite movie na naman. haha!

sarap ng pizza bread ng breadtalk. wag magtampo baker's, panandalian lang to. haha! random schrandom. :P

Sunday, January 11, 2009

bakit ba ang tagal kong makaget over sa mga bagay bagay? ang dahilan? titanic. homaygad.

so kanina, habang commercial ang piolo-juday starrer sa cinema one, paglipat ko sa star movies, titanic. so nanumbalik ang mga araw na mahal ko si leonardo dicaprio, na anim na beses kong pinanoood yun, at na umiyak ako sa bawat beses na napanood ko yun. haha! at kanina, hindi pa rin pala nagbago ang mga bagay bagay.


bihira lang akong magsine kaya masasabi ko na ang titanic ay isa sa favorite films ko, along with eternal sunshine of the spotless mind. kaya this year, magcacatch up na ko. haha! 4 films ang nakapila sa kin ngayon. juno, superbad, angus, thongs and perfect snogging, at the virgin suicides. excited na ko! haha!

bukas, magshoshopping ako ng mga tinapay sa shopwise. ooh, pastel. :D

Friday, January 09, 2009

HOMAYGAD. andito na ang the ultimate christmas gift ko! jeren!






homaygad. haha! so ngayon,wala pa siyang laman bukod sa rainbow wallpaper. waah! o kaligayahan! :D

Sunday, January 04, 2009

last weekend na walang gagawing school-related. i'm off to school tomorrow. huhu. allowance angge, allowance.

dahil hindi pa ko nagsawa sa lahat ng katawan at laman loob na nakita ko kahapon, saw 5 beybe! whoo! hmmm. pano ba? saw 5 yung parang "aha!" moment ng mga tao pero malabo siya nag end e, so malamang may saw 6 pa. oh boy palaboy. forever na atang magkaka saw movie.

apparently, i'm anal retentive. kung ano yan, tanong mo tita ko. siya nagsabi sa kin niyan. ang mga dahilan ay ang mga sumusunod:

1. pag natutulog ako, yung tag ng comforter, dapat nasa baba, at dapat nasa right side. pag wala dun, di ako nakakatulog. ganun din sa sandayan ko, dapat nasa baba yung tag.

2. yung tsinelas ko, dapat nasa may nakikita ko lang. pag wala dun, di ako natatahimik.

3. may order ba kayo pag naliligo? pwes ako, meron. shampoo, sabon, hilamos, toothbrush, toot then toot.

4. pagka ligo, patuyo ng buhok, lotion, pulbo, deo. kelangan ganun parati yung order.

5. my books are arranged by height sa may shelf. pero normal naman ata to. haha!

there you go. so, am i weird? comedy movies sa tuesday! tawa angge, tawa!

haberday bukas, boks! ay sus, ay sus. :D

Saturday, January 03, 2009

okay, angge is dorkier than ever. CSI, you garret.

dahil huling hirit ko na to bago bumalki sa totoong mundo, aka school, nag CSI marathon ako. 12:30-7 pm beybe. whoo! ngayon lang ako nakakita ng ganun karaming krimen sa tanang buhay ko. the. haha! 12 pa lang ako, CSI fan na ko. naaalala ko dati, 9pm every wednesday pa yun. e ngayon, apat na channels na ata ang nagpapalabas ng CSI kaya swertehan na lang kung mapanood ko yung latest episode. dati, isa lang yung CSI, ngayon, may new york at miami na din. pero wala pa ring tatalo sa original, CSI las vegas. ewan ko, pero feeling ko kasi, tumatalino ako pag nanonood ako ng CSI. haha! kesa puro sampalan at iyakan lang, halukayan na lang ng laman loob.

huwow, isang buong post para sa CSI. mehn, i'm a dork indeed. ;D

Friday, January 02, 2009

homaygad. kinikilig me! haha!

pangiti ngiti, nagpipigil ng kilig pag may dumadaan sa may pc. nako, masama to. haha! ay sus. happy new year to me!

eyniwey,takashi miike is da best! whoo! kahit masakit sa ulo ang mga pelikula niya, it works! sabihin na lang natin na siya ang japanese equivalent ni tim burton, pero mas gory. nyar.

what a way to start the year! horror movies + kakiligan. haha! may sapak ka talaga angge. :P