Thursday, February 16, 2006

hellooo,wazzup?!haha!pasensya na kayo dun sa madramang post nung valentines ah.chuchu lang yun!haha!ang saya ng nasakyan kong jeep kanina!puro eheads ang pinapatugtog at dahil dun ay naging barkada na kami nung driver!ayus.new friendships!kung napapansin nyo,medyo poetic ako for the past few days.actually,hilig ko talagang gumawa ng mga tula pero nawalan lang ng inspirasyon noong mga nakalipas na taon kaya naman,yun.at may tula na naman ako ngayon!patawa to,pambawi dun sa kadramahan.kung magkakilala tayo,kilala mo ang tinutukoy ko.kung hindi tayo magkakilala at kilala mo ang tinutukoy ko,eh magaling ka.at kung natamaan ka habang binabasa mo to (na sana hindi mangyari),eh ikaw na nga to!ang tulang ito ay hindi isang simpleng kababawan lamang.


"ang daga"


doon sa amin may isang daga,
masarap siyang ipakain sa aming pusa,
siay'y kay liit namang talaga,
masarap durugin gamit aking mga paa


ang daga'y laging nag-aabang,
nang mabigyang kulay buhay niyang kay tigang,
minsanan lang kung ngumiti madalas siya'y matabang,
talaga namang siya'y hibang


ako'y inyong bigyan ng racumin,
misyon ko sa buhay daga'y patayin,
nang tayo'y tuluyan nang matahimik,
nag daga'y di na makapinsala pang muli



*bow*


haha!ayos ba?!^_^

Tuesday, February 14, 2006

bago ako magdrama,eh happy valentines muna sa inyong lahat!!!at ngayon para naman sa drama part..

"021406"

Mahirap bang pag-isipan,
Bagay na aking nadarama,
Mahirap bang bigyang pansin,
Simpleng bagay na idinadaing


Mahirap bang intindihin,
Bagay na nais sabihin,
Mahirap ba na pagbigyan,
Kahit isang minuto lang


Ngayon tayo'y nandito,
Nariyan ka't nandito naman ako,
Ngunit bakit ganon,
Tila pinaglalayo ng panahon


Mahirap bang pag-isipang,
Tugunan kahit minsan,
Mahirap bang bigyang pansin,
Itong aking hinihiling


Mahirap bang intindihin,
Sadya bang mahirap sabihin,
Mahirap ba na pagbigyan,
Mahirap bang ako'y sabayan


Ngayon tayo'y nandito,
Mundo'y bigla na lang hihinto,
Hanggang sa iyong mapagtanto,
Hanggang sa iyong mapagtanto



yun na.

Monday, February 13, 2006

hallooo!!i just finished doing my homeworks for today at ako'y pagod na.5 pm na uwian+ sandamakmak na hws + kawalan ng interes sa pag-aaral = katapusan ni angge.dale!sa ngayon ang gusto ko na lang talaga ay grumaduate nang matapos na lahat to!but before that happens,i'll have to study for 25 more days.25 na lang,angge,yariin mo na yan!!i went to mcdo kanina kaya maligaya na naman ang sistema ko ngayon!yes!i'm not doing this on purpose pero lagi akong na-weewee (naiihi) tuwing math.sa di malamang kadahilanan,ang math time ngayon ang cr time na rin para sa akin.dala na rin siguro ng kalamigan at kaba na masambit ang numero 20,na siya namang class number ko!we've had recitations for almost a year now,pero hanggang ngayon,nangangatog pa rin ako tuwing matatawag ang class number ko.pero mahal ako ni Lord dahil natatawag lang ako pag alam ko (at ng mga napakababait kong mga kaklase) ang sagot!SALAMAT PO!


"pag may problema ka,magsuot ng maskara.takpan mo ang iyong mukha,buong mundo'y mag-iiba."- the eraserheads,'maskara'

Sunday, February 12, 2006

S-I-L-I-N-G G-I-N-I-L-I-N-G!!!!ang tindi ng lss ng 'siling ginling'!!haha,para dun sa mga nalalabuan,iyan po ay isang kanta mula sa giniling festival (gets mo ba yung connection?).haha!maligaya sa tuwa!haha,nahihibang na naman ako ah.ayun.ay,malapit na ang birthday ng aking minamahal na blog!sa march 18 na!akalain mong umabot kami ng isang taon.ang isang taon ng pagkalikot sa mga codes at html finally paid off!isang taon na tayo tsong!kaligayahan!woohoo!i'm trying my best not to think too much about some things kasi baka mabawasan pa ang aking katiting na bahid ng katinuan.yung mga 'some things' na yun ay pilit na pumupurnado sa aking munting isipan kaya ito'y wag na nating pag-usapan (uy,rhyming!).yun.magulong malinaw.masayang malungkot.buhay ay sadyang ganyan,puno ng misteryo't hiwaga.tama.

Saturday, February 11, 2006

wassap?!haha!we went to antipolo kanina,dun sa gawad kalinga for our cep.masaya kasi puro mga kasing edad ko yung nandon!yung mga tipong 7 years old,yun ang mga kasundo ko!haha!tapos we had lunch in mcdo at may kabobohan na naman akong ginawa!pakibasa:


ate mcdo: "maam,ano po drinks nila?"
ako:"drinks ko po fries!"
ate mcdo:namatay kakahalakhak


fries?!drinks?!sige lang subukan mong inumin yung fries!haha!bakit,magkatunog naman ang fries at sprite ah!(sige,ipagpilitan mo pa).ayun.pag malungkot ka,magmcdo ka lang at..malungkot ka pa rin pagkatapos pero busog ka naman!ewan ko.wala namang dapat ikalungkot pero yun.ganito kasi yan,pag sobrang masaya ka,kelangan maging malungkot ka para balanse.di ko alam kung totoo yan dahil sabi ko lang yan,pero parang tama naman.magulong malinaw.haha!^_^

Thursday, February 09, 2006

hellooo!!wazzup?!di ako nagpropromote ng isang show tulad ng iniisip mo,bagong pa-utot ko lang yan at halos lahat ng sabihan ko nyan eh ang sagot sa kin ,"the ceiling!!"!huwow!!haha!we swam for pe today at kelangan pa naming magpanggap na kami'y mga isda for 2 meetings pa!gudluck na lang sa 'mala-labanos' kong kutis!nognog na naman ako nito!i've been losing interest in studying for the past few days (naks,past few days lang ba?!).nakakatamad na eh!ang mga teacher naman,ganadong ganado pang magturo!alam mo yung tipong 2 minutes into the class,nasa ibang dimensyon na ang utak ko,kaya naman kagaganda ng mga grades ko!back to study na naman ako sa math!apat na akin,ilan na sayo?!paramihan!haha!ayun.nananakit na rin ang aking mga binti dahil sa high heels.putek,di talaga ako magiging kumportable sa takong!haha!patay patay tayo nyan!uy,para sayo to!


"gustong gusto ko nang makita ka't muling nasasabik sayo't hindi na makapag-intay sa 'yong pagbabalik!"- join the club, "hayaang maidlip"


valentines na ah!mananakit na naman mata ko nito sa dami ng kapulahan sa paligid,dale!haha!^_^

Monday, February 06, 2006

mga kadramahan at kachuchuhan sa buhay,
siyang nagbibigay kulay sa aking buhay,
pati na rin ng dalawang malaking pimple na mayroong pulang kulay,
ipagpatuloy nyo lang ang pagyayabang,may dalawang mawawalan ng buhay


o kay sakit ng aking sakong,
salamat sa mataas na takong,
gusto kong kumain ng baked tahong,
kakauwi ko lang kaninang hapon


natapos ko na ang 'stainless longganisa',
ito'y talaga namang kay saya,
bob ong,ikaw ay mabuhay,
uhaw at cutey,kayo'y maghinayhinay


diba't kay saya ng aking buhay,
lalo na kung ika'y magrereply,
kay daming kulay ang taglay,
ng aking makulit at makulay na buhay


*bow* hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng tula,ot moment na naman!haha!


mga kaibigan,dasal tayo para sa mga biktima ng ultra tragedy.Lord,kayo na pong bahala sa kanila..AMEN.

Thursday, February 02, 2006

"sino nga ba ang misteryoso: ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha,tirahan,edad at pangalan pero bukod dun ay wala na?" - bob ong,'stainless longganisa'


i've been reading bob ong's 'stainless longganisa' for the second day now and i'm really enjoying it!ewan.may kakaibang paraan kasi si bob ong sa pagsusulat eh,yung tipong lagi kang nag-aanticipate sa mga susunod na pangyayari.astig.yun.i came across the question above while reading the aforementioned book.interesante lang.most of us think that we know someone when we know his name,his interests,what he enjoys and what he hates but there's always a deeper side to it.we may know the way he laughs,the way he talks pero hindi pa rin pala siya yun.may mas malalim pa.wala lang,gusto ko lang magtunog intelektwal!because of our physics teacher's sudden departure (uy,wag kayong ganyan..alam ko kung anong iniisip mo!), we would have to be taught by another teacher by the person of choco mallows!*fireworks*ewan,nalalabuan ako sa mga trip niya.siya yung tipong magpapatawa na lang bigla (na hindi naman nakakatawa).magulong malinaw.i was supposed to write a dramatic entry pero naisip kong wag na lang dahil kacornyhan lang yun.hoy!ikaw na babae ka!*tagush*hala,ot moment!speaking of ot: OT!!!!!!MARAMING SALAMAT SA PAG-AYOS SA TAGBOARD KO!!LULUNURIN KITA SA C2 BUKAS!!SALAMAT!!ayun,naiiyak na si ot ngayon!hahaha!jhe!may tagboard na ko!beh!hahaha!kanta ko nga pala to ngayon:
"ang hindi lubos maisip bakit 'sang minuto lang naman at di mo pa mapagbigyan?!
at sa biglang pagpihit ay maiisip ko pa rin ikaw!!!" - join the club, "isang minuto sa buhay ko"
ano ba naman ang isang minuto?matagal ba masyado?at tulad ng dati.magulong malinaw.nakakabaliw ngunit ngayo'y di na nakaaaliw.

Wednesday, February 01, 2006

i loved our english class today.we were discussing about aeneid's book 4:the passion of the queen.i usually don't find mythology interesting since it can be quite confusing at nakadudugo ng ilong.book 4 is about,well,the passion of the queen (duh).basta it's about love and responsibilities chuchu,magulo kasi eh!tapos biglang nagtanong teacher namin kung sino daw ang may boyfriend na,nagtaas naman sila ng kamay.they were asked kung ano daw epekto ng boyfriend nila sa kanila.there were the typical answers na 'he inspires me...chuchu..he makes me think of him all the time..DAW..' at mga kacornyhang sagot.tapos our teacher asked us if we don't have these moments na inaamoy-amoy yung jacket ng boyfrined,yung mga ganun.e saktong hawak ko yung wallet ko na may litrato at liham mula kay kilala nyo na (naks,pa-mysterious effect pa eh!) tapos si nina sumigaw,'at ganun na nga si angge kay biboy!' at nagtawanan sila at nahiya ako.i don't know.sabi ni jhe mas matindi daw to kesa nung kay champ.sabi nya kasi si biboy daw nakakausap ko at nakakagaguhan ko,malamang si champ hanggang imagination lang!ewan.magulong malinaw.masayang malungkot.siguro mawawala din to kasi medyo malabong mangyari pero masaya ako sa kung anumang nangyayari.kahit na imposible tulad ng pag-ibig ni jay ng kamikazee kay darna na hindi ko alam kung paano napasok dito,pero nasa ganung level yung sa akin.magulong malinaw.masayang malungkot.nakakabaliw ngunit sadayng nakaaaliw.