kanina paglogout ko sa net nag-isip na ko ng pwede kong gawin since di pa naman ako antok. so tumunganga lang ako sa kwarto, in case of fire ang tugtog. tapos habang hinahalungkat ko mga cds ko, nakita ko yung pinaburn kong dvd. science of sleep at eternal sunshine of the spotless mind, both directed by michel gondry. huwow.
basically, ang kwento ay tungkol sa isang couple. si joel, isang goody two shoes, dorky guy at si clementine, with brightly colored hair at impulsive personality. nang dahil sa isang away nila, nagdecide si clementine na mag undergo ng procedure na mabubura lahat ng memory ni joel sa isip niya. so laking gulat ni joel na biglang di na siya kilala ni clem. eventually, nadiscover din niya yung procedure na yun at tinry din niya. to cut the long story short, in the process ng pagbubura ng clem memories niya, dun niya narealize na ayaw niya palang makalimutan si clem.
homaygad. nasa state of duh-ness pa rin ako ngayon. may na acquire akong habit na nililista ko yung mga lines na feeling ko huwow yung dating. at ang line ay: "what if you stayed this time?". no can do, my friend.
No comments:
Post a Comment