Tuesday, September 16, 2008

wala na. isang pangarap ko na naman ang hindi natupad. huhu.

alam niyo namang mababaw ever si angge, at pangarap kong pahabain ang buhok ko, pero tulad nga ng sinabi ko, wala na. natalo na naman ako ng ka-inipan at ka-emo-han. haha! sabi kasi ng kabarkada ko, pansin niya daw nagpapagupit lang ako pag problemado ako. ewan ko, di ko naman napapansin yun. may nabasa din ako dati na ang mga babae daw nagpapagupit pag magulo ang mga bagay bagay kasi buhok lang nila yung kontrolado nila sa mga ganung panahon. kung totoo man yan, awan.

mula ngayon, hindi na ko mag-iisip masyado. tama na ang overthinking at overanalyzing. sunny days are back! yatta! :D

No comments:

Post a Comment