Wednesday, September 10, 2008

i have the funniest and the greatest mom eber eber! at di ko sinasabi dahil lang nasa likod ko siya ngayon at kasalukuyan niya kong kinukulit habang "nagsusuggest" siya ng mga title para sa autobiography ko.

kami kasi yung tipong super open sa isa't isa. pati mga panaginip ko at mga "lovelife" ko, alam niya. kahit feeling ko minsan nag-iinfo overload na sila sa mga kwento ko. haha! ang favorite chika sessions ko ay during breakfast at habang nag-aayos siya bago pumasok sa office. bihira kasi kaming magsabay sabay ng dinner kaya sa breakfast at sunday lunch lang kami bumabawi. tulad kanina, may kinekwento ako tungkol kay, am, toot a.

angge: ma! lalalalalalalala (sorry friends, di pwede sabihin. haha! :P)
mama: o masaya ka na nyan?

at yung kay toot b naman

angge: ma! nakakainis siya! di man lang nagplease tapos sinigawan pa ko. e badtrip na ko kasi binaha na naman ako, tapos sinigawan pa niya ko! e siya na nga humihingi ng favor e!
mama: bakit, gwapo ba yun?! (what?)

ayan. haha! naway may nagets kayo sa super edited conversations namin. pero wala lang, ang saya lang na si mama ang mama ko. ay sus. nangangamoy bagong sapatos. haha! :P

No comments:

Post a Comment