Friday, October 31, 2008

kanina paglogout ko sa net nag-isip na ko ng pwede kong gawin since di pa naman ako antok. so tumunganga lang ako sa kwarto, in case of fire ang tugtog. tapos habang hinahalungkat ko mga cds ko, nakita ko yung pinaburn kong dvd. science of sleep at eternal sunshine of the spotless mind, both directed by michel gondry. huwow.

basically, ang kwento ay tungkol sa isang couple. si joel, isang goody two shoes, dorky guy at si clementine, with brightly colored hair at impulsive personality. nang dahil sa isang away nila, nagdecide si clementine na mag undergo ng procedure na mabubura lahat ng memory ni joel sa isip niya. so laking gulat ni joel na biglang di na siya kilala ni clem. eventually, nadiscover din niya yung procedure na yun at tinry din niya. to cut the long story short, in the process ng pagbubura ng clem memories niya, dun niya narealize na ayaw niya palang makalimutan si clem.

homaygad. nasa state of duh-ness pa rin ako ngayon. may na acquire akong habit na nililista ko yung mga lines na feeling ko huwow yung dating. at ang line ay: "what if you stayed this time?". no can do, my friend.
si angge ay wasak. wasak na wasak talaga.

kagabi, for the first time sa 3-weeklong sembreak ko, gumimmick ako. ang plano ay, well, wala kaming plano. ako, dave, jhe, nike at bakekz ay nagliwaliw muna sa may timog para maghanap ng wasakan place. what an ambenchur! sa kagustuhan naming makatipid, napadpad kami sa korrokan ktv (?). pangalan na pangalan pa lang, alam na! at shet, alam mo yung mga tipong niraraid sa imbestigador dahil pugad ng prostitution? ganung ganun! haha! may mga sumalubong sa ming mga naka two piece! haha! laughtrip ever. ang uwi namin ay isang uber cozy na bar, sa ybardo. homaygad, ideal place para sa tamang kwentuhan at inuman. mehn, nakakadalawang bote pa lang ako, wasak na ko. haha! saya!

ang quotable quote of the night ay galing kay dave, and it goes something like this: "tong si angge, nagulat akong mayaman e. gusgusin e!" whoo! tama! di ako mayaman, sadyang gusgusin lang. at kesa maging conyo, mas gusto kong maging gusgusing jologs na kaladkaring bata, if you know what i mean. ehem ehem.

nakakasuka ang hot chocolate ng starbucks. lasang yun na. bleh. >:P

Thursday, October 30, 2008

after two weeks ng pagiging baboy dito sa bahay, gigimmick na din ako! wahoo! thank you, thank you.

so mamaya ay, sa wakas, magtatagpo na kami ni social life. at kahit surprise pa kung san kami mapapadpad, i'm so excited! ang tanging mga requirement ko lang ay alak at videoke machine. swak na swak. haha! naipon na ang mga kwento at lahat sila lalabas mamaya! yey!

ang problema ko ngayon ay kung maliligo na ko o mamaya na lang bago ako umalis. oo na, mababaw ever ako. pero gusto ko sana kasi na bagong ligo ako bago umalis e pero nanlilimahid na ko. huhu. oh the decisions in life.

nagbalik tanaw ako sa buhay buhay kagabi at nagdownload ng mga kanta nung 90s! wee. at hulaan kung sino ang mga natagpuan ko sa friendster. si grade 6 crush at ang minahal ko sa malayuan for 4 years. haha! ganun pala yun, pag wala na, nakakatawa na lang.

mehn, gusto ko ng cheesy fiesta potatoes. :D

Wednesday, October 29, 2008

gusto mo maging vegetarian? pwes, may solusyon ako para dyan! the midnight meat train! whoo!

dahil alam naman nating isa sa greatest joys in life ko ang mga horror/gory movies, nakaka apat na ko. yung tatlo, mga chuchu lang, pinasakit lang nila ulo ko. at kanina nga, bumigay na naman ako sa temptasyon. maygad. ngayon lang ulet ako nabaliw dahil sa pelikula. yung huli ay sa saw 4. oo na, weird ako, horror movies ang source of happiness ko. haha! so ang midnight meat train ay tungkol sa isang butcher na di lang mga baka o baboy ang kinakatay kundi pati, you garret, tao! whoo! saya! super effective din yung actor na gumanap na butcher, mukha palang, alam na! sayang sira yung buried alive. kumpleto na sana araw ko.

huwow, mukhang bestfriends na kami ng peyups ah. :D
maswerte talaga ako sa bunutan. swerte. palagi yun e, pag may recitation, ako, sa late reg sked, malas. naman o.

eto ang tentative sked ko next sem:

mth 2:30-4 speech 183
tf 10-11:30 ling 100
2:30-4 109.2
w 9-12 orcom 143
s 9-12 orcom 105

okay na sana e! nadale pa sa 109.2. oh well. tadhana ito. magiging masaya ang 2nd sem ko. wee. state of mind angge, state of mind.

antok.

Sunday, October 26, 2008

sundays with the family is whoo, saya! i'll make kwento na ah. yaks, di talaga ko bagay maging conyo. haha! oh well rockwell.

kanina ay nagmini fieldtrip kami papuntang ortigas para lang sa nike free rainbow mary janes ko. oo, ganun ako kamahal ng pamilya ko. haha! so pagdating namin dun, excited ever na ko at nang makita ko sapatos ko, homaygad! so tinanong ko kung may size ba ko, lo and behold, wala! homaygad. ang nasabi ko lang kay kuya ay "teka kuya, magsusuicide lang ako." huhu talaga. as in two months ko nang hinahangad yun. 5 nike stores later, wala pa nung size ko. shet. so ang uwi ay ballerina flats na lang. at least di umuwing luhaan, semi lang.

dahil boring ever ang sembreak ko, nag eexperiment ako ngayon ng mga kalandian sa buhok, dahil napagdesisyonan ko nang papahabain ko na talaga siya. at, ang mga nadiscover ko: milk hair spa galing sa watson's at loreal elseve shampoo and mask. grabe, ang saya ng buhok ko ngayon! ang aliw din ng glittery eyeliner ko! malanding emo.

mehn, kelangan ko ng babasahin. mukhang maganda yung the lucky one ni nicholas sparks pati yung the time traveller's wife. at maghohorror movie marathon ako one of these days. tis the season to be duwag again! kakaexcite! :D

Thursday, October 23, 2008

ang katapat ng boring sembreaks ay youtube! homaygad, hanapin niyo yung takubets ni michael v. pati yung ang spoiled ng bubblegang. super laughtrip! at for your daliy dose of celebrity bashing, gofugyourself.typepad.com. go go go! make yourself happy!

dahil bored na bored na ko, jeren! 50 odd things about me!

1* Do you like cheese
- tama!

2* Have you ever smoked heroin?
- never eber eber

3* Do you own a gun?
- water gun?

4* Your favorite song?
- with a smile

5* Do you get nervous before doctor appointments?
- oo! lalo pag sa dentista. maygad.

6* What do you think of hotdogs?
- sarap!

7* Favorite Christmas song?
- jingle bells. haha!

8* What do you prefer to drink in the morning?
- dati, tubig lang, ngayon, kape with milo

9* Can you do push ups?
- hindi. haha! oo na, nandadaya lang ako pag pe.

10* Favorite super-hero?
- spiderman!

11* What's your favorite piece of jewelry?
- star earrings and necklace

12* Favorite hobby?
- matulog at magtext

13* Secret weapon to get the opposite sex?
- haha! wala.

14* Do you have A.D.D.?
- parang meron.

15* What one trait do you hate about yourself?
- i think waaay too much

16* Middle Name?
- desbarro

17* Name 3 thoughts at this exact moment
- matutulog ba ko o hindi? anong gagawin ko mamaya? move on let go, o stay and hurt some more?

18* Name 3 things you bought yesterday
- milk protein hair chuchu, apricot scrub, pantasa para sa glitter stick


19* Name 3 drinks you regularly drink?
- tubig, milk, kapemilo

20* Current worry?
- toooot.

21* Current hate??
- toooot din.

22* Favorite place?
- kwarto. tsaka sa beach!


23* How did you bring in the New Year?
- party with family.

24. where would you want to go?
- beach!

26* Do you own flip flops?
- of course!

27* What shirt are you wearing?
- yellow pantulog

28* Do you like sleeping on satin sheets?
- mayaman? haha!

29* Can you whistle?
- oo!

30* Favorite color/s?
- purple, white, yellow, blue, pink, mint green. rainbow colors!

31* Would you like to be a pirate?
- pwede!


32* What songs do you sing in the shower room?
- depende sa lss


33* Favorite girl's name?
- isabelle


34* favorite guy's name?
- alfonso, antonio, marco

35* What's in your pocket right now?
- alikabok

36* Last thing that made you laugh?
- michael v.’s takubets video. Haha!

37* Best bed sheets as a child?
- oh noes.

38* Worst injury you've ever had?
- poknat. haha! 100 shots per week. whoo.

39* Do you love where you live?
- yes!

40* How many computers do you have in your house?
- 1 pc, 2 laptops

41* Who is your loudest friend?
- milli! haha!

42* How many dogs do you have?
- wala :c

43* What is your favorite book?
- patay tayo dyan. dami e!

44* What is your favorite candy?
- mentos at skittles

45* Favorite Sports Teams?
- wala

46* What song do you want played at your funeral?
- with a smile!

47* What were you doing 12 AM last night?
- thinking. yown o!

48* What were you doing before you answered this?
- surfing the net

49* Who is the person you want to talk to right now?
- tooot. anne pakwan. kahit sino who can tolerate my weirdness and my randomness.

50* What is the first thing you thought of when you woke up?
- “ano kayang almusal?” oo na, matakaw.

jhe, bakit. huhu. napapaisip tuloy ako ngayon. mehn, gagawa na ko ng wishlist. :)



Wednesday, October 22, 2008

saraaap ng starbucks kuno kape sa umaga! milo + kape = langit! buti na lang tinuro ni mau to sa kin. yey!

ako ay nag gc gc-han kanina at gumising ng ala una para mag-enlist, pag eto hindi nasunod, dadanak ang dugo. natutuwa ako na sa mga blog na nadadaanan ko, relaxed at on sembreak mode na lahat. yey! dahil sembreak mode, eto na ang listahan ng mga activities ko. whoo!

1. soul-searching
- alam nyo naman na may malungkot na nangyari. pero dahil nasa remorse (haha!) stage na ko, okay na. ang original balak ko, magliliwaliw lang ako sa cubao kasama si happy thoughts. pero sabi ni jhe, magtagaytay daw kami. as in uwian. matagal ko na ring pangarap na sumakay ng bus papunta sa kung san man, tapos ififigure out ko kung pano umuwi. hmmm.

2. red box o kahit san, basta karaoke session
- hopefully, matuloy sa sunday. yey!

3. wasakan/inuman session
- wirdos + friendly firend! tradisyon na to e. haha!

4. EK
- na forever na atang plano, pero never natupad. gusto ko na sumakay sa space shuttle!

so far, yan pa lang. baka sulatan kita one of these days. ganun kasi ako e, gagawa ako ng sulat tapos di ko ipapadala. para lang mailabas ko. pero dahil hindi naman worth it, baka hindi na lang. haha! >:)

Monday, October 20, 2008

ganito pala ang feeling ng di mo na malaman kung anong gagawin kasi wala nang kelangan gawin. saraaap! this is the life!

naka net lang ako for 3 hours na at pagkatapos nito, mag-iisip na naman ako ng gagawin. or wala na lang akong gagawin. yay! napansin ko na palagi na lang akong walang pera lately. parang kahapon, pagpunta ko ng galle, may P700 ako, pag-uwi ko, P100 na lang. oh noes. gusto ko nang mamili ng flats at mga damit! at ang nike mary janes of my dreams ay nasa galle lang pala. shet.

bagong food discovery: turkey pamukkale sa baker's at red velvet cupake from frostings. whoo. langit.

paggupit o hindi? bangs o hindi? hmmm.

Sunday, October 19, 2008

angge loves happy happy wasak sessions! :D

so kahapon, isang mini highschool reunion ang naganap. kahit pa three hours late ako para sa party na sa bahay ko pa hinold, everybody happy! ang saya saya ng highschool! walang hang-ups. ehem ehem. bonding day para sa min nila jhe at mau! ambenchur sa bus papuntang rob galle, overnight, window shopping! saya! sa wakas nabili ko na rin ang malanding headband sa girlshoppe at nakakita na ko ng pabango na semi green tea ang amoy. wee.

at natapos na din. kung ano man, maging masaya ka na sana. as for me, wala na kong pake. happy sunny days are back and they're here to stay. :)

Friday, October 17, 2008

bakit ang tagal ng sunday?! huhu. matapos lang ang sem na to, matapos lang.

so mga tatlong araw nang palutang lutang sa rainbowland ang katinuan ni angge. whoo! magbobonding talaga kami ng tv at kama sa sembreak.

bakit palagi na naman kitang nakikita? kung senyales man to, wag muna. di muna hahanapin ng palayok ang takip niya. aayusin niya muna ang crack na gawa ng supposedly takip niya. tama.

Monday, October 13, 2008

whatever happened to you. whatever happened to me. bakit? dahil wala namang you AND me. eto si angge, pilit na pinipilit ang sarili na magmove on, let go. hindi na. wag na.

so paulit ulit nyang binabalikan ang mga bagay. pilit iniisip kung san nagsimula, san nawala. kung may nagsimula ba, at kung may nawala ba. i may come up with a million banats about this, but i still won't be able to say how i really, really, really feel. dalawang beses na kong umiyak pero wala pa rin. ang kinakatakot ko lang e dumating yung araw na immune na ko sa lahat. ayoko sanang "mawala" pero parang pinipilit na ng sitwasyon.

can you hear me scream? :c

Sunday, October 12, 2008

bakit ang mga bagay na hinihintay lalong tumatagal ang pagdating? hwoops, di yan banat, friends. sembreak ang sinasabi ko.

so ngayon si angge ay semi naghaharakiri dahil sa dami ng gagawin. pero hindi to halata kasi nagbblog, plurk, at youtube pa rin siya. gumawa ako ng mga timeline para sa mga gagawin ko, walang nasunod. haha! nagdrama pa ko kanina kasi naffrustrate ako na ultimong piesa ko, di ko pa magawa nang maayos. haay.

ang hirap pala pag nakikita na wala naman talagang nagbago, pero ikaw, di mo na malaman gagawin. di ka pwedeng maapektuhan kasi wala naman talaga. kung ano mang nangyari at nangyayari, ako lang to.

ang tagal talaga magsembreak.

Friday, October 10, 2008

if i impress you, can i undress you? wee. the dorques is looove! kung sino mang nag-iisip ng maireregalo sa kin sa, am, pasko, halloween, berday, o kahit ano pang okasyon, you garret beybe! hanapan mo ko ng the dorques na cd o ep. please?

so kakauwi lang ni angge. wag magtaka, pamilya ang kasama. it's a lot of fan. kunwari walang conference bukas, business meeting (presiding officer me), comm audit, at defense. state of mind lang to.

sasagad sagarin ko na ang isang linggong pamamalagi ko sa baker's. the puff, magkikita ulet tayo bukas!

oo na, oo na.

Wednesday, October 08, 2008

the tough kid finally broke down. sa school, sa harap ng madaming tao, yung iba di ko pa kakilala. maygad, wrong timing ever.

akala ko kasi, di na siya dadating dahil feeling ko okay na ko. nagfeeling lang pala ako. so nung andun na, bumigay na. arrgh. mga tatlo pa, tapos okay na talaga ko.

so to compensate for all the sadness and emo-ness kaninang tanghali, late merienda/ early dinner sa baker's passion! homaygad the puff,ikaw na lang mamahalin (gugustuhin, ccrushin) ko mula ngayon. puro ngiti lang ang binibigay mo sa kin. magsasama na tayo forever and ever! kasawian ba? bring it on! basta may the puff, kering keri. makakapagpahinga na ang mga tenga niyo, friends. haha!

will start my wishlist soon! yay! :D

Tuesday, October 07, 2008

today is angge's banat day! kung di kita nakausap o nakainteract kanina, well, sorry na lang. walang repeat yun. eyniwey.

bakit nga ba bumabanat si angge? kasi siya nagstastate of mind na lang kasi ayaw pang lumabas kasi nasanay na siya kasi palagi na lang. kasi kasi. nakakatakot na parang nasanay na nga ata talaga ko. nag neon at lahat na ko pero wala pa rin. feeling ko kasi ayaw ko pang tanggapin na wenk wenk na talaga. kahit pa kalahati ng mundo, alam na ang nangyari, feeling ko pag natulog ako, paggising ko, joke lang pala lahat. apparently, hindi. why go emo kung wala pa rin naman? pero nag eemo pa rin ako. kelangan kita, the puff.

so ipagdasal nating lahat na lumabas na para di na ko bumanat, unless yun gusto niyo. ay suuus.

Monday, October 06, 2008

parang mali ata na gawin kong pa 125 paper ang lomo. naiinis na tuloy ako na ang dami kong gustong ilagay tapos di ko malagay kasi ilang oras na lang isusubmit ko na to. mahusay ka talaga angge. swak na swak ka.

please, kung magkaibigan tayo, wag na wag mo kong yayayain sa baker's passion. nag-aautumn bigla sa wallet ko e. as in pag-uwi ko, 200+ na lang pera ko, plus mga pambayad utang. sana umulan ng pera! pero ayos lang, dahil baker's make angge a happy happy kid! kelangan mong matikman ang the puff nila! P13 para sa maliligayang sandali, you can't beat that! masarap din house blended iced tea nila. o pagkain.

in preparation for my hibernation/ soul-searching/ emo/ sembreak, 4movies! science of sleep, eternal sunshine of the spotless mind, teeth, at penelope. yay! tatapusin ko na rin ang dalawang murakami books dito at hopefully maumpisahan ko ang the lucky one ni nicholas sparks. dear eyeglasses, magbobonding tayo!

"ang makulay na mundo ay di nagleleave, baka nagiging colorblind ka lang." magaling mr. acosta, magaling. :D

Sunday, October 05, 2008

dapat isang emo at makapagbagbag (?) damdaming entry ang ipopost ko ngayon, pero dahil semi okay na ko, wag na lang. haha!

dahil semi prepared na ko para sa mga ganitong pangyayari, semi okay na ko. dahil semi pinagdaanan ko na to dati, semi masakit na lang. dahil napapagod na kong maging semi emo, magiging semi masaya na lang ako. buti na lang may word na semi. buti na lang maraming gagawin, buti na lang may lessons, buti na lang talaga.

nalabuan ka ba? sabi nga ni maam amy, "pag sa umpisa pa lang, di mo na maintindihan, hanggang sa huli, di mo na maiintindihan." ang sa kin naman, magegets mo din...eventually. kaya nga gets ko na diba? haaay. 1, 2, 3 hinga!

Thursday, October 02, 2008

Lord, kung karma to, sorry na.

so si angge, cielo, at jena ay nagliwaliw sa makati hindi para magsaya kundi para magmakaawa sa mga kumpanya na magpa comm audit na sila sa min. apparently, di effective. haha! pero dahil wala namang napapala ang mga nagagalit at nalulungkot, ginawan na lang namin ng paraan para maging masaya at gawing fieldtrip-ish ang atmosphere. 4 hours of continuous walking and searching = a lot of fan. the secret, the secret! sorry na jena para sa original glazed donut at iced mocha mo. mapait nga. bleh.

masakit ang katawan, masakit ang ulo, masakit din ba ang puso? tumigil ka na angge. haha! :P