Sunday, November 30, 2008
Wednesday, November 26, 2008
huwow. ngayon lalo akong nagsisisi kung bakit di ako nag eheads concert.
nung malaman ko na ipapalabas sa sinehan yung ehead concert, katangahan na kung di ko pa rin to papanoorin. kaya tamang text pass sa tamang tao, at boom! 2 na replies! ang loser ko naman. haha! quality versus quantity, mehn. so ayun nga, ako, karen tsaka roh. pero dahil tuluyan nang nalinlang ng mga bampira si roh, mas pinili niya ang twilight. kaya ang uwi, ako, karen at ang kaladkaring si rikki. haha! homaygad, surreal yung feeling kahit sa sine mo lang panoorin! as in may teary-eyed moments kaming tatlo (oo, pati si rikki)! ako sa peyborit song eber eber ko, sa with a smile. grabe! iba talaga siguro kung andun ka talaga nung actual night. whoo.
homaygad. may bago na kong the one! tulad ni shia labeouf, si james mcavoy din ang the one ko. huwow. kelangan mong mapanood ang penelope! ang ganda ganda! next stop: across the universe, teeth, at sweeney todd. sa christmas break na ang angus, thongs, and perfect snogging tsaka nick and norah's infinite playlist. :D
Monday, November 24, 2008
napapansin ko na dumodoble ang katakawan ko ngayon. likas naman na kasi sa kin ang maging matakaw. pero iba ngayon e. tipong every 5 minutes sinasabi ko sa kahit kaninong kasama ko na nagugutom ako, na kumain naman kami. homaygad. speaking of pagkain, saraap ng shawarma rice! nakaka umay nga lang pero keri naman.
yey! may medyo matutupad akong pangarap sa wed! mapapanood ko na ang eheads the reunion concert! oo na, sa sine lang. pero kahit na! habang lahat ay nagtwitwilight, mag- eeheads naman kami. non-conformist forever!
huwow, sana ako nakaisip sumulat ng your universe ni rico blanco. tapos idededicate ko sa, am, wala pala akong pagdededicatean. pero kahit na, ako pa rin ang lucky one. *evil laugh* :P
Friday, November 21, 2008
dahil medyo maralita ako these past few, am, weeks, di na maiiwasan ang tumakbo sa atm para sa pera. sorry na.ano ba ang definition ko ng maralita? tipong tuesday pa lang, hinahati ko na pera ko para umabot hanggang saturday. pero pramis, sa dalawang bagay lang nauubos pera ko, sa pagkain at sa load. at dahil parehong importante, di pwedeng tipirin. i will start on a clean slate next week. utang-free na ko! yey! mehn, kelangan ko na talagang magtipid!
i'm doomed. shet.
Monday, November 17, 2008
grabe, tawa lang ako nang tawa sa kakiligan. haha! nuknukan ng kapogian! whoo! eyniwey, tama nang kalandian. pero maygad, di ako makaget over! haha!
so for the past few nights, napupuyat ako kakapushing daisies. bakit ba mas pinili ko ang GG dati?! grabe, colorfula nd happy everything ang PD! ang unique pa ng kwento! best series eber eber! ngayon, may 5 naka line up na movies sa kin. teeth, penelope, across the universe, love of siam at a very long engagement. late night movies are the best!
saraap ng icy choco ng dunkin donuts pati cinnamon roll sa may caf! :D
Friday, November 14, 2008
dahil tapos na ang tagtuyot days ko, baker's passion, magtatagpo tayo bukas! kailanman ay di kita nakalimutan, kahit nung mga panahong halagang 100 lang ang pwede kong gastusin. pero bukas, yey!
due to the series of unfortunate events, ako ay nagdecide na maging anti love muna. at para mas motivate pa ko, sasamahan natin to ng pera. haha! kaya si jhe ay nakipagdeal sa kin na pag di ako nagkacrush buong sem, may P100 ako sa kanya. sapat na dahilan na yun para talikuran ko ang pag-ibig. ehem ehem. kaya lumayo ang dapat lumayo, kung hindi, lalansetahin kita.
i'm in the mood, you're in the mood. but baby, baby, are we good? and if we're not, i don't think we should. :P
Tuesday, November 11, 2008
isa sa biggest motivation ko para pumasok ay allowance. fine, eto talaga yung biggest motivation ko, ayos na? pero nang magdecide si papa na hindi niya ko bibigyan ng pera this week. wag mong isiping sadyang mean person ang tatay ko, pero kasi sobra ng almost P1500 yung binigay na tuition sa kin. at dahil roughly P5500 lang ang tuition, dapat may pera pa ko. dapat, e wala na. so ako ay mabubuhay sa P500 all week. at ngayon, ako ay may P400 pa hanggang saturday. go angge! i believe in me! ;P
Sunday, November 09, 2008
alam naman nating lahat na bungisngis ever ako. to the point na minsan nangingiti na lang ako mag-isa. pero dahil bawal magsmile na kita ang ipin sa passport pics, shet. kabaliktaran naman ako ng kapatid ko na di marunong magsmile pag kita ipin. oo, weird kami. haha!
mehn, at successful na naipuslit ang happy wasak sessions part 3 sa bahay. madaya, di ako tinablan. gawin ba naman kaming taga luto e. daya! oh well rockwell, masaya naman. :D
Friday, November 07, 2008
eto na, eto na! wishlist ni angge! whoo! in no particular order:
1. the polaroid book
2. the lucky one
3. the time traveller's wife
4. the t-shirt factory
5. the sneaker book
6. white and purple eyliner
7. choco mint body scrub from island life
8. oilily papilon perfume9. nike free rainbow mary janes
10. nike imara watch
11. electric guitar
12. bass guitar
13. nike dunks
14. dslr
15. mini laptop
Wednesday, November 05, 2008
dahil mabuting classmate si jhe, tinuruan niya si dasi sa math at dahil MAS mabuti ako, sinamahan ko sila. tutal inuugat lang naman ako sa bahay forever, pwede na rin. mehn, said wallet ko, as in! ako kasi yung tipong pag sa pera, di ko talaga nakakalimutan yung mga ginastos ko. nakapagtatakang ayaw ko ng math. at ito ang breakdown:
P250 - half ng utang sa load
P160- lunch sa yellow cab
P26- dalawang the puff
P39- turkey pamukkale
P75- strawberry frappe
P85- magazine
P399- the choice by nicholas sparks
P39- cheezy stix
P70- kape
maygad. nasa isang luagr lang ako, yan na ang gastos ko. huhu. bankrupt na me. 6 na oras ba naman kaming nasa baker's e.
i'm so happy! ayos ang grades ko sa psych at 137. 125, wag nang pa importante. ang saya palang maabutan ng closing ng mall. ewan ko, may happy feeling lang na parang lahat pauwi na. oo, i'm weird like that.
hindi rin. :P
Monday, November 03, 2008
kagabi, habang nanonood ako ng news, na syempre may horror chuchu involved, biglang nagbrownout. oooh, parang mga kwentong barbero lang o. haha! tapos e di pa easy easy pa ko. e ang tahimik tapos ang dilim pa. napadasal tuloy ako ng "Lord, wag muna ngayon, pleaase? kahit next week na lang magbrownout, wag muna ngayon." oo na, nagmamatapang lang ako pag nanonood ako ng mga horror movies at documentaries. masaya na you? haha!
ang saya! pasko na sa bahay! pero gusto ko pa rin yung malaking santa claus sa may the christmas factory! eto, totoo na, gagawa na ko ng wishlist! whoo! :D
Saturday, November 01, 2008
so kanina, habang tumitingin ng mga noodles para sa carbonara, may nakita akong familiar looking guy. sabi ko pa, "ay kamukha niya si buddy zabala." si buddy, para sa mga,am, tooot, ay ang bassist ng eheads, cambio at the dawn. nung medyo lumapit pa siya sa may aisle, homaygad, si buddy nga siya! limang sunod sunod na homaygad lang nasabi ko tapos nagpanic at naging teary-eyed na ko. oo, ganun ako ka fan. haha! may weird kasing nangyayari sa kin na ntutulala lang ako pag nakakakita ng mga "artista". so pagpunta ko sa may frozen goods section, andun din siya, katabi ko, tumitingin ng mga yoghurt. maygad. nastarstruck me. haha!
at dahil dun, wala kaming picture. oh well. at least we were thisclose. :D