Friday, December 29, 2006

haloo!una sa lahat,nais kong magpasalamat kay prado sa pagtulong sa pagpapalaganap ng mga kagaguhan ko sa buhay.at bilang kapalit,ipropromote din kita!yey!eto,mga repapips,punta kayo dito:http://milprado.blogspot.com.ililink ko na din,sira blogger e.eyniwey.

dahil patapos na ang 2006,it's time to end the year with a bang!okay,tagalog na lang ulet,di na ko marunong mag-english siyet.angge's yearend countdown na!as ip naman may nag-aabang talaga nito,eyniwey ulet.medyo ibahin natin ngayon,random kachuchuhan lang.go!

mga bagay na di ko inaakalang magagawa ko *tears tears*:
1.magcollege - oo,akala ko talaga stuck na ko sa highschool or kinder,but noo (australian accent kunwari),posible pa palang mag evolve ang utak agiw tulad ko kaya lahat kayo ay may pag-asa pa!congrats ebribadi!
2.magtake ng math 17 aka math haters' worst nightmare aka angge's worst nightmare - di ko talaga inakalang kakayanin ko to,on second thought,di ko naman talaga siya kinaya so watdapak.
3.magpakulay ng pula - aktwali,di naman siya ganun katingkad pero pula pa din yun so let it go dammit.
4.magtour sa manila,araw araw - gumising ng 4 am,bumyahe ng 5:30 am,magtricycle,jeep,lrt,mrt,fx at lahat pa ng posibleng masakyan,umakyat baba sa 5 flights ng hagdan,umuwi ng 11:30 ng gabi dahil sa exam na neber ko namang napasa.tae.
5.maging Iskolar ng Bayan -yown!eto talaga di ko inakala.asaran lang kasi dati na UP graduate ako mukhang magiging totoo na!sana.dapat.

mga bagay na nadiskubre ko:
1.posible palang umiyak at tumawa at the same time o siguro ako lang yun.
2.pwede kang mainis at magnasa sa isang tao at the same time din.
3.pag malungkot na malungkot ka,maski kanta ngangawaan mo.
4.may bionic eyes pala ako.
5.pag naiwan ka ng lrt,minsan 6 minutes kang mag-iintay.pero pag naiwan ka na ng mundo,mahirap maghintay kasi mas matagal pa sa 6 minutes yung iintayin mo.minsan days,weeks,months pero pag years na,tsong naman,sayang oras,move along.
6.epektib na pampatay ng ipis ang math o bio book mo.
7.pag nasa harap mo si mong alcaraz o ali alejandro,di mo mapipigilang matulala.
8.pag magpapa autograph o magpapapichur ka kay mong,lalayo ka muna para sumigaw tapos lapitan mo na siya.
9.karamihan ng lalake,walang taste.gusto nila yung mukhang kero keroppi o kaya mahalay kaya kung hindi ka ganun,sorry for you.
10.mahirap ang magkasakit lalo na kung nakaschedule to linggo linggo.
11.namamatay ang aso pag pinakain ng buto ng manok.
12.pasakit sa buhay ang magkaron ng batang prof sa math,pramis.
13.maraming mahahalay na prof sa amin.
14.masarap ang tinapay sa breadtalk.
15.mahirap ang gumawa ng wala.
16.minsan akala mo okay ang lahat pero akala mo lang yun.
17.wag umasa,mahirap ang masawi.take it from the experts,diba jhe?
18.may neon green na insekto sa may college of med ng peyups.
19.si tatz ay shungaks.shungaks talaga.
20.madami pala akong nadiskubre.

mahabang post ulet,sorry ulet sa mga talagang nagbabasa nito.happy new year sa ting lahat!putukan na!yeah! :)

Wednesday, December 27, 2006

post post!gig ulet matapos ang halos tatlong buwan ng paghihikahos (ano ba meaning ng naghihikahos?).yown.gig sa san juan aka my hometown kasi berday ata ni,ehem,tito jv ejercito.ano kwento ko na?pilitin mo muna ako.

yun nga,pumunta kami dun ng mga 6:30 kasi sabi sa calendar 7 daw jtc.nga pala,yung kami,ako,jhe,mau at tatz bakekz.e nang tinext namin si insan,dammit,alas diyes pa sila!wattudu?wattudu?simple lang,lumamon.buti na lang may chowking,jollibee at dunkin donuts na sa san juan,maraming meal provider.ayun,konting lamon,maraming tawanan.bumalik kami,pagbalik namin 6 cm na.so konting suporta kay tutti frutti,tapos nagtext si cuz na andun na daw sila,e uto uto kami,e di punta naman kami.binigay namin yung regalo kay inaanak na CHRISTIAN joshua (hmmm..i smell something fishy..).tapos dinala na kami sa presinto,i mean,tabi ng presinto.dun pala yung,ehem,lounge ng mga artist.pagdating namin,andun jtc at ang mga pinoy (known to all as orange and lemons).pinapapasok na kami pero dahil nakakahiya (tsaka papilit kami),dun na lang kami sa labas.pero pumasok din kami,so wag mo na lang pansinin yung sentence bago to.tapos kumakain sila,gusto sana naming magpapichur sa onl kaya lang wala si macoy.nung dumaan yung tatlo pang members,medyo nastarstruck na lang kami.tapos e di wala ng ibang tao,jtc na lang,lumapit sila tapos hi hello tapos konting daldal tapos lumabas si biboy,migs tsaka conj.si pao naiwan sa loob kasi nanonood ng maging sino ka man.tapos binigyan niya kaim ng ube kasi masarap daw tsaka tubig.o diba,inutusan pa namin yun.tapos daldal,tawa,daldal,tawa,dal..alam mo na yung sequence.tapos tinawag na sila nung organizer,sila na daw.di bumaba na kami papunta sa venue.

sa venue,andun lang kami sa gilid tapos sabi ni cuz,sumama na daw kami sa loob,e di sumama naman kami.tapos nasa backstage kami nung kumakanta onl tapos nung nagbreak sila,lumabas na kami tapos andun na kami sa gilid ng stage.tapos nag perform na jtc.grabe,ang galing na nila.nakamamangha.tapos yung mga tao nagstay pa din kahit last band na sila.dati kasi nilalayasan sila e.kakatuwa.tapos alam nung mga tao mga kanta nila.aliwin.tapos ayun,tapos tapos tapos na.

ang haba nitong post.sorry na lang dun sa mga talagang nagbabasa nito. :)

Monday, December 25, 2006

maligayang pasko sa lahat!yey!isa munang delayed post tapos isang post ulet.ayos?go!

*dec. 24,2006 (mga pangyayari ay naganap mula 12:45-1:45 ng madaling araw

nagising ka na ba sa kalagitnaan ng gabi?yung tipong trip mo sanang magsenti senti nang biglang,siyet,isang ipis ang bumulaga sayo?!tial yata pareho kayo ng takbo ng isipan.masakit ngunit totoo.

ngunit ikaw ay nagalit (o di kaya naman nanlata tulad ko) dahil senti time MO to,walang agawan.nang akmang tsitsinelasin mo siya,bigla siayng lumipad papunta sayo!p*******a!sino bang gumawa ng mga ipis (joke lang Lord,advance haberday kay Jesus! :) )?!tuloy sa kwento.pagtayo mo palayo sa kama mo,siyet ulet,may isa pang lumabas at ginapangan si Gabby Alipe na kasalukuyang kasama mo (o CD lang yun tsong)!wattudu? wattudu? magwala ka at umasang magigising ang mga tao sa inyo! o kaya manalangin at unahan ang lahat sa paghaberday kay Jesus!o kaya gawin ang ginawa ko: magcompromise. ganito: "pag umalis ka,di na kita papatayin,pramis!" kahit medyo tanga pakinggan,gawin mo na din. at kung hindi siya nadaan sa santong dasalan,aba'y daanin siya sa santong paspasan!sumusobra na siya!dala ang kikomachine komix *promote promote* at tsinelas sakabilang kamay,agad,okay,medyo natagalan,ko siyang hinampas!nang ako'y nagdidiwang na,bigla siyang lumipad sa kin tila ba nagsasabing "in your face,pare!". siyetix!pero,hindi,nakita kong mala penguin na ang lakad niya,napuruhan ko siya!but on the downside,buhay pa din siya.gumapang siya palayo,ngunit nagkamali siya ng kinalaban dahil may bionic eyes ako!nang makita ko siya sa lapag,kinuha ko ang tsinelas ko,ngunit may nakita akong mas epektibong pangmurder sa kanya!ang 3 inches thick kong Math book!at yun na nga ang tumapos sa kanya!mahirap paniwalaan ngunit ito ang nasabi ko "sinong taga UP?!sino?!haha!" daan daan sigurong isko at iska ang nagharakiri nung sinabi ko yun.

diba 2 yung ipis?yung isa asan?sa sobrang takot siguro,grumand exit na lang siya.sinong taga UP?!sino?! :)

*on second thought,tsaka na lang siguro yung isa pang post. :)

Monday, December 18, 2006

kagagaling ko lang ng national at talaga namang nasisiyahan ako.ewan,nerd na kung nerd pero masaya talaga ako pag andun ako.halimbawa ayaw mo na kong kasama,iwanan mo lang ako sa natio,masaya na ko.pasasalamatan pa kitang iniwan mo ko dun.yay.

dapat youngblood 3 bibilhin ko kaya lang medyo kapos sa funds.sorry for me.tatlong libro na lang binili ko.kikomachine 2,youngblood 2 at candy mag.hindi pala mga libro yun no?e ano naman,ganun na din yun.kakaexcite.

tapos nangharbas din ako ng cds 2 weeks ago at eto sila:

1.tala arawan (sugarfree) - maganda packaging,para talagang diary pero di ko pa masyadong napapakinggan.
2.wake up your seatmate - di ko pa rin masyadong napapakinggan kaya unfair naman kung sasabihin kong panget o maganda siya.
3.frailty (urbandub) - putek!hands down!ganda nito!pers taym kong bumili ng cd ng urbandub at di naman ako nabigo.ganda!bili kayo.ganda ng boses ni gabby (nu 107 vocalist of the year ba naman e) tsaka galing magsulat ng kanta.
4.blush (imago) - ay,naku.mamahalin mo si aia!sarap sa tenga ng boses!magandang pampatulog yung 'sundo',pampagising yung lss ng bayan bukod sa boom tarat na 'taralets'.ganda rin ng packaging.bili kayo.

bukod dyan e bibili din ako ng cd ng mga friends namin ni friend karen (wag mangialam),chicosci!yey!yung repackaged na lang para may bonus tracks.mong galore!

eto na muna sa ngayon.basta,ang saya saya!yey! :)

Wednesday, December 13, 2006

di na ako birhen.pero bago ka mag-isip ng kahalayan e basahin mo muna ang post ko.ayos?

oblation run sa peyups kahapon at medyo nakakashock ang mga pangyayari.e kasi nanood kami ng blockmate ko,tapos nung first round (o diba parang boxing?) wala kaming nakita so lumayas na kami tapos nagpunta sa,ehem,snack bar,ok payn,canteen.laking gulat ko ng bumulaga sa kin ang benteng(!) mga lalaking walang saplot.maygad.di ko alam kung san ako titingin.pag humarap ako,pututuy pag tumalikod ako,wetpaks.siyet talaga.ayun.so maghapon akong medyo tuliro.bahagya lang naman.

nakita ko ang 2 kong mahal kahapon!parehong dalawang beses!yay.nga palamaligayang haberday kay irog.sorry di kita nabati pero kasi di naman tayo magkakilala kaya parang ayos lang din na hindi.at kay mikko ng ph,huwow ka.yown.

nakabalot ako sa plastic ngayon,bagong kulay e,pula ulet.sige.tsaka na ulet,pinuslit ko lang tong post na to e.:)

Monday, December 04, 2006

post post!pasensya na sa sampung tao na nagbabasa nito.nakakatamad kasi mag-isip ng ilalagay.eyniwey.bagong gupit ako!pero di na bago yun kasi every 3 months ata nagpapagupit ako,tapos yung bangs ko,every week atang naiiba.oh well.sinubukan kong mag jolina bangs pero baka mabakekz (matanga) si tatz bakekz kaya wag na lang.yown.

mahirap din pala pag walang math.tama ka ng basa,hindi ka lasing.wala lang.ayaw ko ng math pero malaki pala ang nagagawa nito sa pagpapagana ng utak mo.teka,ibig bang sabihin nito hindi gumagana utak ko dahil wala akong math?*babala:rhetorical question,wag sagutin.* oh well ulet.

wala masyadong,payn,walang ginagawa ngayon si angge.dala na rin siguro ng pagkakaroon ng 4 subjects kaya mga kaibigan,abusuhin niyo ito.text na!autoload accepted din.

bago ko makalimutan ay nais ko lang icongratula (wag mangialam sa tagalog ko) ang mong mokong dahil nanalo siya bilang,ehem,guitarist of the year at best male sa NU.congrats damong ligaw!at sa mga kuya,tandaan,manalo matalo kyut pa din kami!at okay,kayo na din.harhar. :)

*dasal tayo para sa mga nasalanta ni reming.salamat. :)