survey lang:natutuwa ka ba tuwing nakakatanggap ka ng mga gm(group messages) o send to many na mga messages?
di ba nakakainis lalo na kung ang gm e wala namang magagawang kabuluhan sa buhay mo?tulad na lamang ng pagrereport sayo ng mga bagay na ginagawa nila na kung tutuusin e wala ka namang pakialam dun?kelangan ba talagang ireport na gumising ka na,ang almusal mo pandesal na may palamang itlog,naligo ka na at naghilod ka ngayon?oo,oa to,pero diba?may karapatan kang magtext dahil load mo yan pero sana isipin mo din na may karapatan din ang mga taong sinesendan mo ng mga gm mo na hindi malaman ang mga pang araw araw mong gawain sa buhay mo.sa totoo lang kasi nakakapika na.may mga kyut na gm pero ang mga tulad nito ay sinasayang lamang ang oras ng recipient mo na hindi sana magpopost pero dahil napika,eto.ayos.di ko sinasabing tigilan ang pag ggm pero sana interesante naman para sa sinesendan mo yung gm mo.yung may kinalaman naman sa buhay nila.salamat.
No comments:
Post a Comment