Monday, November 06, 2006

galing akong peyups kanina at masaya ako.12(!) units lang ako next sem dahil under prob ako.oo,under prob,dahilan na ba yun para magharakiri?siguro sa iba,pero para sa kin hindi.marami na kong binagsak,binabagsak at ibabagsak pa (pero sana wala na)pero di ko sila nakikita na 'failure' para sa kin.hindi ito simpleng pampalubag loob lamang.ginagawa ko kasi yung kaya ko,nagiging 'failure' lang ang mga bagay pag sa umpisa pa lang sinuko mo na.pag pinaglaban mo kahit alam mo na yung resulta,payting spirit yun.ang masakit dun,hindi pa sapat yung binibigay mo.

aminado ako,maraming beses ko nang ginawa yun.nagsisisi ba ko?minsan,pero madalas hindi kasi dun ako natututo.kung lagi na lang perpekto ang lahat para sayo,pano ka lalaban pag hindi na ganun ang sitwasyon?ano nang gagawin mo?iiyak?mali.sa pag-iyak,namamaga lang mata mo at gumagaan loob mo,pero nagbabago ba ang mga bagay bagay?nagiging perpekto ba ulet ang lahat?hindi.gumawa ka ng paraan.kung hindi nadaan sa dati mong ginawa,baguhin mo taktika mo.di natin alam kung epektibo,pero at least gumawa ka ng paraan.hindi yung iniyakan mo lang.kahit maubos luha mo,ganun pa rin naman yung sitwasyon e.nag-effort ka pang umiyak,buti sana kung pareho ka ni idol juday na bayad bawat patak ng luha.eh hindi.

nakakatuwang masaya ako pero madrama post ko.wala lang,blog ko to e.bakit ba? :)

No comments:

Post a Comment