Monday, November 20, 2006

congrats manny!itinayo na naman niya ang bandila ng pilipinas.yey!balato.wateber.

ayun.nameet na namin lahat ng prof at mukhang mag-eenjoy ako sa psych.masaya kasi yung prof tapos parang mga slumbook daw yung modules.ayos.trip ko talagang magsagot sagot ng mga ganun e,mga survey,mga personality quiz lalo na pag wala akong magawa.naaalala mo pa ba yung mga sagot mo sa mga ganun?ako,oo.eto yung mga natatandaan ko:

describe yourself:judge me..(taeng yan,tinatanong ka nga e tapso sasagutin mo ng ganyan.tumino ka.)

at ang peyborit ko..

what is love:love is like a rosary full of mysteries..(siyet,paslangin nagpauso nito!)

ayun.tsaka ko na lang ikwekwento yung kagaguhan ko sa blockmate ko.inaantay na ko ng mokong e.walang aangal,kanya kanya to. :)

Thursday, November 16, 2006

payong kaibigan lang,wag magchuchucks nang walang medyas para lang magmukhang kuul dahil isusumpa ka ng paa mo at dahil dun e isusumpa mo din ang sarili mo.wag na wag lalo na kung enrolment mo tapos yung college mo e nasa dulo na walang hanggan.hihilingin mong sana alulunti ka na lang na maraming paa para laging may reserba.based on experience yan.

bakit nga ba may mga taong sadyang nilikha para magdemonstrate ng kahalayan?hindi ba't kaya ka nagpapalda para matakpan ang mga private parts mo?kung ang palda mo e di naman yun nagagawa,para ano pang nagpalda ka?at isa pa,hindi lang ikaw ang binigyan ng boses para magsalita.meron din kami at may karapatan kaming wag makinig sa mga walang saysay at masakit sa ulo mong mga kwento.di magbabago buhay ko kung lahat ng lalaki sa inyo e niligawan ka na at kung nahahabaan ka pa sa palda mong maiksi na may slit pa.sa totoo lang,di ka na nakakatuwa.eto lang choice mo:magharakiri ka o ako ang gagawa ng paraan para gawin mo yun.pramis yan.

sobra nang kagalitan.eto,walang kinalaman sa 'kahalayan exposed' sa taas,pero may tester na ba talaga lactacyd ngayon?nakita ko kasi sa grocery.pano yun?dun na mismo?tae.

Monday, November 13, 2006

100th post!congrats blog!hmmmm..tapos na maliligayang araw ko dahil pasukan na ulet,pero masaya dahil tagsibol na sa wallet ko.allowance!woohoo!ayun.kanina,parang extended vacation dahil walang klase.may hearing ata kasi tungkol dun sa former UP president (ata) kaya nagpakita ng suporta ang mga iskolar ng bayan (pwera ako,mga blockmates ko,at si loser) at nagpakitang gilas sa may DOJ.saya talaga sa peyups!

at dahil back to school na ko,back to irog na!hahaha!naaalala ko na ulet mukha niya.congrats angge!

may kalokohan akong ginawa kay kulot (nakababatang kapatid ko).e kasi,may malaking cabinet yun sa kwarto,tapos kasya tao dun.nagpasama siya sa kin,siyempre mabait ako,sinamahan ko siya.tapos nagtago ako sa cabinet nung lumabas siya at pagbukas niya ng cabinet,nahulaan mo,ginulat ko siya!hahahaha!tae,namutla e tapos bigalang iyak.naiyak din naman ako..kakatawa.hahahaha!masama na kung masama pero wala e,bored na talaga ako sa buhay kaya pagdiskitahan ang kapatid.nung hapong yun,ginawa niya din yun sa yaya niya.sutil ba ko?mas sutil siya.wat can i say?like ate,like bunso!:)

Monday, November 06, 2006

galing akong peyups kanina at masaya ako.12(!) units lang ako next sem dahil under prob ako.oo,under prob,dahilan na ba yun para magharakiri?siguro sa iba,pero para sa kin hindi.marami na kong binagsak,binabagsak at ibabagsak pa (pero sana wala na)pero di ko sila nakikita na 'failure' para sa kin.hindi ito simpleng pampalubag loob lamang.ginagawa ko kasi yung kaya ko,nagiging 'failure' lang ang mga bagay pag sa umpisa pa lang sinuko mo na.pag pinaglaban mo kahit alam mo na yung resulta,payting spirit yun.ang masakit dun,hindi pa sapat yung binibigay mo.

aminado ako,maraming beses ko nang ginawa yun.nagsisisi ba ko?minsan,pero madalas hindi kasi dun ako natututo.kung lagi na lang perpekto ang lahat para sayo,pano ka lalaban pag hindi na ganun ang sitwasyon?ano nang gagawin mo?iiyak?mali.sa pag-iyak,namamaga lang mata mo at gumagaan loob mo,pero nagbabago ba ang mga bagay bagay?nagiging perpekto ba ulet ang lahat?hindi.gumawa ka ng paraan.kung hindi nadaan sa dati mong ginawa,baguhin mo taktika mo.di natin alam kung epektibo,pero at least gumawa ka ng paraan.hindi yung iniyakan mo lang.kahit maubos luha mo,ganun pa rin naman yung sitwasyon e.nag-effort ka pang umiyak,buti sana kung pareho ka ni idol juday na bayad bawat patak ng luha.eh hindi.

nakakatuwang masaya ako pero madrama post ko.wala lang,blog ko to e.bakit ba? :)

Saturday, November 04, 2006

bonding taym ang wirdos + friendly friend ngayon!as usual masaya,nagsama sama ang mga awardees pagdating sa kalokohan,gaguhan at tawanan e.malamang masaya diba?sayang wala si kurimau,na tulad ng dati e napakahirap hagilapin pero wag kang mag-alala mau,miyembro ka pa rin ng barkada.warning na to ah?tae ka,paramdam ka naman.

mga kagaguhan namin ngayon:
1.tawanan-given na yun eh.pagsama samahin nyo lang kami,kahit saan kahit kelan,magagawan namin ng paraan na tumawa at humalakhak.wirdos + friendly friend e.duh.kaya pag malunkgot ka,sama ka lang sa min,lahat pwede,except lang..
2.lamon taym-given na din yun eh.pag magkakasama kami,di pwede walang kainan.hangga't may kakainin,sugod!
3.takutan-pers atym ata namin gawin to.trip lang,duwag si jhe e,pagtulungan diba?that's what friends are for tsong!
4.at syempre pa,kantahan-pag may kabarkada kang nag center for pop (jhe,ikaw to diba?),papalagpasin mo ba naman ang pagkakataon na pakantahin (at pagtawanan) siya?dehins!

hay naku,sarap talagang kasama ng mga yun.sobra.walang kalungkutan pag magkakasama kami.ang alam lang namin tumawa.kung sa next life,papapiliin ako ng mga kaibigan,walang mababago,wirdos + friendly friend pa din!sigurado yun. :)

Friday, November 03, 2006

nakita nyo na ba yung bagong commercial ng coke?yung parang my animation chuchu?eh yung jingle narinig mo na?kung di pa,eto yung lyrics,gawan mo na lang ng tono kasi di ko alam yung orig na tono e.

ibuhos ang saya hanggang lahat ay mahawa.
buksan ang sarili.wag pigilin ang tawa.
hatakin ang barkada.game kahit saan magpunta.
bagong trip,ba't di subukan?sama ka,'wag magpaiwan!
kilalanin ang kapitbahay.batiin ang kaaway.
'pag nadapa,bangon lang.'pag may tumawa,bow na lang.
kung manalo,eh di masaya.kung matalo,may next time pa.
kung mahal mo,'pakita mo.walang mawawala sayo.
pangarap,'wag bitiwan.malay mo,subok lang.
sama-sama.salu-salo.buhay coke,buksan mo!

ganda diba?ang saya saya.ang buhay kasi,dati nang komplikado yan,dadagdagan mo pa ba?pakasaya ka na lang diba?yeah!

Thursday, November 02, 2006

bagong skin!yey!pasensya na kung mabagal mag-upload,komplikado kasi yung pichur sa taas pero ayos naman yung skin kaya paki antay na lang ha?salamat.naisip ko lang na magpalit ng skin kasi,wala,naisip ko lang talaga.wala pang tagboard,naghahagilap pa ko ng maganda kasi sinasabotahe ako nga tag-board.com.oh well.

pinayagan na ko magshift!yey ulet!kelangan ko na lang ayusin grades ko next sem para mahabol ko yung 2.5 na GWA.padasal na lang ah?salamat ulet.nakakatuwa lang na napakasupportive ng mga magulang ko.alam ko medyo disappointed sila,lalo na si mama,pero kahit ganun,suportado pa rin.tinupad nila yung sinabi nila sa kin na susuportahan nila ako kung san ako masaya.salamat mama at papa!pramis,pagbubutihan ko talaga ang pagiging communista ko.

grabe,ganito pala ang nagsesembreak,bored parati.o siguro ako lang.wala na kong magawa kaya naman inayos ko na lang si blog.baka magkita kita ang wirdos + friendly friend sa sabado.tambay lang,kakaexcite!miss ko na yung mga nilalang na yun eh.

tapos,miss ko na ang totsi.kelangan makita ko na yun,baka makalimutan ko na naman mukha nun.may kachuchuhang kanta pala ako dun.title niya 'the irog song'

the irog song

irog -----,where art thou?
why don't you come out right now?
see angge and make her smile
make her UP days all worthwhile

twinkle twinkle little star tono nyan.kyutipay di ba?

Wednesday, November 01, 2006

survey lang:natutuwa ka ba tuwing nakakatanggap ka ng mga gm(group messages) o send to many na mga messages?

di ba nakakainis lalo na kung ang gm e wala namang magagawang kabuluhan sa buhay mo?tulad na lamang ng pagrereport sayo ng mga bagay na ginagawa nila na kung tutuusin e wala ka namang pakialam dun?kelangan ba talagang ireport na gumising ka na,ang almusal mo pandesal na may palamang itlog,naligo ka na at naghilod ka ngayon?oo,oa to,pero diba?may karapatan kang magtext dahil load mo yan pero sana isipin mo din na may karapatan din ang mga taong sinesendan mo ng mga gm mo na hindi malaman ang mga pang araw araw mong gawain sa buhay mo.sa totoo lang kasi nakakapika na.may mga kyut na gm pero ang mga tulad nito ay sinasayang lamang ang oras ng recipient mo na hindi sana magpopost pero dahil napika,eto.ayos.di ko sinasabing tigilan ang pag ggm pero sana interesante naman para sa sinesendan mo yung gm mo.yung may kinalaman naman sa buhay nila.salamat.