Tuesday, August 23, 2011

Kahapon, habang subsob (hindi naman) kami sa pagttrabaho, biglang nawalan ng kuryente. Dali dali naming tinipon ang isa't isa at tiniyak na kumpleto kaming lahat. "Brownout ba?", tanong ng isa. "Mukha nga.", sagot ng isa. Ngunit ang isang simpleng brownout ay isa palang.....*tenenen* problema sa kuntador! O hindi, mahabaging Ama!

Anyway, ayun nga, nagshort circuit na pala kuntador namin at may pa-spark spark pa sya. Akala nya ata nasa video sya ni Katy Perry. At dahil mainit, malagkit, madilim, at malamok, nagdeclare kami ng half day kahapon. Akala namin, okay na lahat ngaun dahil may pupunta na daw na electrician, pero nang nagdecide si Kuya Electrician na mas marami pa syang importanteng gagawin kesa ayusin ang kuntador namin, nininja nya kami, so "brownout" part 2 kami. E nakakatamad dahil mainit, malagkit, madilim, at malamok (na naman), nag SM na lang kami. Oo, employees of the year kami, we already! Haha! Dahil lunchtime na din, kumain na kami sa Mr. Chow, at maygad, kung PG mode ka tapos P100 na lang pera mo, this is the place to be! Unlimited, ehem, yang chow rice with toppings for P98! Syempre alam na natin kung sinong nagpakasasa sa kanin, alam nyo na yan. Haha! Pero dahil bored pa rin kami, napasine kami. Akala mo accidental lang lahat e no. Kaya ang uwi, "Crazy, Stupid Love". Eto na talaga ung totoong topic ngaun, bale buildup lang ung isa't kalahating paragraph.


Pinilit kong di piliin ung may picture ni Ryan, baka di ako matapos sa post e. Hihi.


Ang "Crazy, Stupid Love" ay tungkol kay Cal (Steve Carell) at Emily (Julianne Moore) na may pinagdadaanang marital problem at sumuko na sa isa't isa. Pasok si Jacob (Ryan Gosling) na, sabi nga ni Coco my lab, yammi! Si Jacob ay isang womanizer, womanizer, oh you're a womanizer (kinanta mo, alam ko!) na tinulungan syang makita ulet ang kanyang paglalaki, at hindi, hindi sa paraang iniisip mo, you pervert! Masaya ung transformation process kasi bihira lang i-makeover ang mga lalaki sa movies, at bihirang kasing pogi ni Ryan ang nagmamakeover. Andito rin si Emma Stone na mahal na mahal ko since "House Bunny". Ang masasabi ko lang sa tambalang Emma at Ryan, pwede na, pero sa tambalang Angge at Ryan, pwedeng pwede, with conviction! Overall, maraming happy moments ang movie na to. Hangkyut din ni Jonah Bobo, though di sya pinagpala sa apelido. Haha! Pero kelangan mo ba syang panoorin sa sinehan? Pwede magpass at panoorin na lang sya sa HBO. Kung gusto mo namang makita nang malakihan ang bakery ni Ryan sa tyan nya, P160 movie ticket kapalit nya. Rating ko for "Crazy, Stupid Love", 3.5 out of 5 , dahil as a rom-com, naachieve naman nya ung goal nya, pero para gumastos ka sa sine, parang tagilid. Mahal pa rin kita, Ryan, don't fret (naks)!

So there, motherfather. Nga pala, on-hold ang mga 30 day challenge wateber ko dahil alam nyo na ulet, nakakatamad. Hihi.

Sunday, August 07, 2011

Dahil masyado akong naging busy these past few days, hwokey, tinamad lang ako, eto na ang utang kong post. Jeren! Kung matatandaan nyo, naging pushover na naman ako at naki-uso sa mga 30 day challenge wateber pero dahil nagiging masyado nang madrama ang mga sulat ko, panibagong challenge na lang ulet. Haha!


Day 1 – A photo of yourself and a description of how your day was


megan tabachoy! edit: meganda daw sya, hindi tabachoy.

Medyo stressful ang first part ng araw ko dahil sa toot pero okay na, kaya ko to, whoo! Anyway, sumaya naman ang araw ko dahil nag-surprise visit sila Megan at Mon-Mon! Si Megan ay 6 years old na dalaga wannabe na ngaun, at si Mon-Mon naman, 2 years old at ang future ex-con ng pamilya namin (more on this later. naks). Sila ang relatives namin na madalas bumisita sa bahay kahit pa taga Cavite sila. Mahilig silang kumanta, magsayaw sayaw, mag-away, at manapak (c/o Mon-Mon). Kahit pa palagi naman kaming nagkikita kita, iba talaga ang saya ko pag andito sila sa bahay!

haberday mon-mon! hangkyut!


That's it, pansit! Day one, conquered! :D



Thursday, July 14, 2011

Day 2- Your crush, here we go!


Dear Ivan,

Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron pa ring nangstastalk sayo! Salamat naman dahil di na naka private Twitter mo dahil ayoko namang gumawa pa ng bogus account para lang sayo. Ano ako, stalker mo?

Anyway, hindi ata kaya ng isang letter lang ang mga gusto kong sabihin sayo. Una sa lahat, dahil 4 na taon din kitang ninamnam sa malayuan, at pangalawa, dahil nakakatamad. Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong maging mas sa kahit saang aspeto, kasi feeling ko, hindi bagay sayo ung basta basta lang, kasi ang bagay sayo, ako! Haha! May fans club na nga tayo e! Pero parang mabibigo ata sila dahil hindi magkakatuluyan sa huli ang mga "idol" nila. Naiiyak ka na ba? Kasi ako, oo.

Masaya ako dahil kung Twitter ang pagbabasehan, najujuggle mo naman nang maayos ang pagiging mabuting anak, responsible na kuya, at ang pagiging GC ever mo. Alam kong mahirap ang med school, pero wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita kahit di ka maging doktor. Pramis, okay lang sa kin. Pero dahil pangarap mo talagang maging doktor, suportahan taka. Tulad na lang ng pagtili ko nung makita ko ang pangalan mo sa NMAT results. Mas naging masaya ako dahil effortless na ang stalking sayo. Feel na feel ko kasi ang mga tweets mo. Haha! Feeling ko nakilala ko ung Ivan na hindi ko crush, nakilala ko ung Ivan bilang isang normal na tao. Lalo ko tuloy narealize na napakaganda talaga ng taste ko dahil ikaw ang nagustuhan ko, Irog Burog! Haha!

Gusto ko ring magsorry sa mga what-the-fuck moments na binigay ko sayo. Sa pagkahuli mo sa king nakasilip sa kotse mo, sa pagkakarinig mo ng mga pangalan mo sa mga random na tao, sa paglilibrary ko para makita ka, sa biglaang pagiging shy type ko pag andyan ka, at sa pagrerestrict sa mga galaw mo. Pero malamang sa malamang, di mo naman napansin yang mga moments na yan. Sure din ako na wala lang yan sayo, pero gusto ko pa ring magsorry.

Salamat sa pagsisilbing motivation sa akin at sa mga tooot na karibal ko sayo. Sana matagpuan mo na rin ang takip mo, dahil alam kong sawiin ka rin by nature. Haha! Gusto ko ring magpasalamat kila Mama at Papa Bur (the original) dahil pinalaki ka nila nang maayos. Alam kong proud na proud sila sayo dahil kahit malayo sila, naging mabuti kang bata. Alam ko ring nagpapasalamat ang mga kapatid mo na ikaw ang kuya nila.

Kinaya ko ang UP dahil sayo kaya kayanin mo rin ang UP Med para sakin. Give and take ba. Wag mong biguin ang mga taong nagchecheer sayo para makaya mo yan. At bilang pabida ako, ako ang cheerleader, with matching pompoms pa! Di ko na sasabihin ang alam-mo-na, dahil alam mo na yan, itinatanggi mo lang. At with pride sasabihin kong wala na sigurong makakahigit pa sa dedication at stalking skills na iginugol ko sayo. Not complaining, merely relating. :P

Salamat Ivan! Alam mo na. Haha! :)

PS: Sure ka bang di ako ang takip mo? Hihihi brrr.

Your biggest fan,

Lady Gaga, I mean, Angge

Sunday, July 10, 2011

Eto na ang patunay na seryoso na talaga ko sa pagbabalik ko, 2 posts in one hour! Dahil na-stalk ko na din ang blogs ni Loser at Nye nye, excited na kong gawin ang 30-day Letter Challenge! At eto na ang day one ko.

Day 1- Your Best Friend

Dear Loser,

Suplays! Kahit pa parang obvious na naman na ikaw ang ilalagay ko dito, sana na-surprise ka pa din. Actually, marami naman akong pwedeng ilagay dito dahil friendly naman ako, pero dahil ikaw ung consistently nandyan in the past 9 years (!), sige, you already! Haha!

Una tayong nagkita nung first year highschool tayo sa Tipol. Shy type ka pa nun, ngunit ngaun, hey! Kinanta mo no? Haha! Tahimik ka lang tipong masarap ihulog sa hagdan (na nangyari talaga sayo, we'll get to that) tapos hindi naman talaga tayo ung close sa grupo. Pero dahil nasense ata ni Lord na kelangan mo talagang ilabas ang tunay na walanghiyang sarili mo, binigay nya ko sayo para i-assist ka sa bagay na un. At di nagtagal, lumabas nga! With matching orange na laway pa! Haha! Pero seryoso na, hindi ko maimagine ang buhay ko na di kita best friend. Parang ang boring. Wala akong matetext pag may random kalokohan akong naiisip at pag may mga random kalungkutang dumadalaw sa kin. Ikaw kasi talaga ang una kong naiisip pag may mga ganito dahil alam ko magegets mo ko at walang judgement. At dahil dyan, naging si Angge ako na kilala nila ngaun, aktibo sa social networking sites. Haha! Pero seryoso, kung walang loser na kasama ko mula nung first year pa tayo, wala ring Angge ngaun. Alam kong naiiyak ka na, pero dadagdagan ko pa yan. Haha!

Gusto ko ring mag sorry kung may mga times na naneglect kita o di nabigyang pansin, bilang papansin ka kasi. Haha! Gusto ko ring malaman mo na kahit anong mangyari, as in kahit ano, andito lang ako at ang family ko na handang umalalay sa lahat ng aspeto (pwera financially, haha!) Sana tumagal pa ang kung ano mang meron tayo ngaun dahil naeexcite na ko sa future nating dalawa (ps, no tibuan)! Naeexcite na ko sa mga kagaguhang pagtatawanan natin at mga kalokohang gagawin natin! Alam ko namang di ka mawawala (except pag nadapa ka bigla) sa tabi ko e, dahil tayo lang ang nakakaintindi sa isa't isa, at sana ganito tayo forever!

I love you, Loser! Damhin mo na to dahil di ko na to ulet sasabihin in public. Haha! :D

PS Haba na ng listahan natin, teh! 9 years and counting na. Nasan na ba mga takip natin? :P
Dahil na inggit naman ako sa mga kaibigan ko na active ever pa rin sa blog at Formspring, jeren! At isa pa, pinramis ko din kasi na aayusin ko na talaga, kahit pa 5 months delayed ata tong post na to. Haha! Anyway, hello hello, hey ho, let's go!

Gusto ko lang ipagmayabang na finally, natagpuan ko na ang the one ko! Unfortunately, hindi sya tao, sya ay isang kumpanya. May trabaho na me! Nagbalik ako sa Soupstar dahil doon, hindi isang malaking TOR ang tingin nila sayo at hindi ka nila huhusgahan based sa naging buhay mo nung college ka (oo, L*******i, ikaw to!). Masaya ako dahil parang walang nagbago nung nag start ako. Syempre, mas mabigat na ung responsibilities pero all in all, swak at masaya pa din. At isa pa, mas stalkable na si Mongers ngaun. Nyar.

Medyo weird din ako lately dahil bukod sa pagbabalik Soupstar ko, parang may isa pang bumalik (no thanks to you, Google). So ang supposedly send-off post ko para sa kanya ay magiging continuation lang pala. Kumbaga sa teleserye, nasa book 2 na us. Nakakaiyak. At tulad nang dati, pinaiyak mo na naman ako. Dahil na rin siguro sa frustrations sa mga bagay bagay na nangyari sana pero hindi, kaya back to square one na naman. Wag kang mag-alala, online-based na lang ang ako at ikaw dahil di naman na tayo magkikita ulet (awww). Or malay mo, gawan ko yan ng paraan. Haha!

That's it, pansit. Hello, anggeholic. Namiss ko you.

Sunday, January 02, 2011

Happy new year sa lahat! Dahil nga nangako ako na aayusin ko na talaga to, at dahil napansin ko na third time ko na palang sinabi sa entries ko na aayusin ko na talaga, eto na ang post ko. Parang may bahid nang galit at pagkapilit. Haha!

Matagal ko nang pangarap na gumawa ng reviews ng kahit ano- books, movies, make-up, drama, albums kasi feel na feel ko talaga ang pagbabasa sa mga blog na may make-up reviews. Una, dahil parang mas may personal touch at honesty pag galing sa blog ung review at di galing sa official website nung bagay na un, at pangalawa dahil napaka indecisive ko at kelangan ko palagi ng second opinion. Haha! At dahil new year naman, ipapauso ko na ang reviews sa blog ko, jeren! First up ay ang "L.A. Candy" series ni Lauren Conrad. Matagal tagal ko ding binalik balikan tong librong to sa bookstore, tipong pasimple pa kong may bibilihin pero titignan ko lang talaga siya. Tamang ninja lang, until finally, sumuko na ko at tinikman (bleh yaks x 1 billion times) ko na ang "L.A. Candy."

Yan lang ang "L.A. Candy" book ko, e-books na ang "Sweet Little Lies" tsaka "Sugar & Spice." Kurips committee, represent!

Title na title pa lang, chick lit na, meaning light read at swak siyang pampatulog. Ang story ay basically tungkol kay Jane Roberts na kakalipat lang sa L.A. (Los Angeles, hindi Lower Antipolo) kasama ang best friend niya na si Scarlett Harp. Of the two, mas opinionated si Scarlett, at may pagka naive naman si Jane. Si Jane ay isang intern sa isang events company, si Scar naman ay incoming freshman sa USC. Nung una, typical problems lang meron sila, tipong adjustments, family, school, work, lovelife, pero nung mapili sila para sa isang reality show na ang title ay "L.A. Candy" (weh, di nga?), mas naging complicated pa lahat kasi may 24/7 cameras silang kasa-kasama, paparazzi, at mga chismis. Kasama rin nila sa show si Madison Parker aka the socialite with a dark secret (kili-kili o singit?), tsaka si Gaby Garcia, wallflower na hindi masyadong biniyayaan ng katalinuhan.

Kung writing style ung pag-uusapan, wag kang mag expect ng ang-lalim-asan-na-dictionary-ko-shet words, kasi wala talaga. Marami ring name-dropping ng brands at may mga characters na nag-eexist talaga sa Hollywood. May pagka personal ung attack, since nasa reality show din dati si Lauren (uy, close.). Actually, feeling ko ung mga nangyari kay Jane, naexperience din nya tapos tinweak na lang para di halata pero nahalata pa rin. Pati ung characters, parang based talaga sa totoong buhay e. Di ko nasundan ung "The Hills" kasi, am, walang reason, di ko lang talaga nasundan. Haha! Pero nakakatuwa kasi parang inside peek siya sa buhay ng mga bida sa reality shows. Nakakakilig din ung love lines, lalo na ung kay Liam at Scarlett. Si Jane kasi ay nagcocollect and select e. Haha! Overall, nagustuhan ko naman ang "L.A. Candy", so much so na ginoogle ko pa siya. Haha! Fangirl. Apparently, may movie in the making na to, tsaka may upcoming series pa na magfofocus kay Madison. Hmmm, interesting.

Overall, bibigyan ko ang "L.A. Candy" series ng 3.5 out of 5. Kasi, as a chick lit book, na achieve niya naman ung pagiging light read at pagiging aliw nung story. Pero dahil parang naging autobiography siya ni Lauren Conrad, nawala ung originality niya.

Yehey! Natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko! Next time, make-up review naman. Feelingera. Haha!