Thursday, July 14, 2011

Day 2- Your crush, here we go!


Dear Ivan,

Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron pa ring nangstastalk sayo! Salamat naman dahil di na naka private Twitter mo dahil ayoko namang gumawa pa ng bogus account para lang sayo. Ano ako, stalker mo?

Anyway, hindi ata kaya ng isang letter lang ang mga gusto kong sabihin sayo. Una sa lahat, dahil 4 na taon din kitang ninamnam sa malayuan, at pangalawa, dahil nakakatamad. Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong maging mas sa kahit saang aspeto, kasi feeling ko, hindi bagay sayo ung basta basta lang, kasi ang bagay sayo, ako! Haha! May fans club na nga tayo e! Pero parang mabibigo ata sila dahil hindi magkakatuluyan sa huli ang mga "idol" nila. Naiiyak ka na ba? Kasi ako, oo.

Masaya ako dahil kung Twitter ang pagbabasehan, najujuggle mo naman nang maayos ang pagiging mabuting anak, responsible na kuya, at ang pagiging GC ever mo. Alam kong mahirap ang med school, pero wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita kahit di ka maging doktor. Pramis, okay lang sa kin. Pero dahil pangarap mo talagang maging doktor, suportahan taka. Tulad na lang ng pagtili ko nung makita ko ang pangalan mo sa NMAT results. Mas naging masaya ako dahil effortless na ang stalking sayo. Feel na feel ko kasi ang mga tweets mo. Haha! Feeling ko nakilala ko ung Ivan na hindi ko crush, nakilala ko ung Ivan bilang isang normal na tao. Lalo ko tuloy narealize na napakaganda talaga ng taste ko dahil ikaw ang nagustuhan ko, Irog Burog! Haha!

Gusto ko ring magsorry sa mga what-the-fuck moments na binigay ko sayo. Sa pagkahuli mo sa king nakasilip sa kotse mo, sa pagkakarinig mo ng mga pangalan mo sa mga random na tao, sa paglilibrary ko para makita ka, sa biglaang pagiging shy type ko pag andyan ka, at sa pagrerestrict sa mga galaw mo. Pero malamang sa malamang, di mo naman napansin yang mga moments na yan. Sure din ako na wala lang yan sayo, pero gusto ko pa ring magsorry.

Salamat sa pagsisilbing motivation sa akin at sa mga tooot na karibal ko sayo. Sana matagpuan mo na rin ang takip mo, dahil alam kong sawiin ka rin by nature. Haha! Gusto ko ring magpasalamat kila Mama at Papa Bur (the original) dahil pinalaki ka nila nang maayos. Alam kong proud na proud sila sayo dahil kahit malayo sila, naging mabuti kang bata. Alam ko ring nagpapasalamat ang mga kapatid mo na ikaw ang kuya nila.

Kinaya ko ang UP dahil sayo kaya kayanin mo rin ang UP Med para sakin. Give and take ba. Wag mong biguin ang mga taong nagchecheer sayo para makaya mo yan. At bilang pabida ako, ako ang cheerleader, with matching pompoms pa! Di ko na sasabihin ang alam-mo-na, dahil alam mo na yan, itinatanggi mo lang. At with pride sasabihin kong wala na sigurong makakahigit pa sa dedication at stalking skills na iginugol ko sayo. Not complaining, merely relating. :P

Salamat Ivan! Alam mo na. Haha! :)

PS: Sure ka bang di ako ang takip mo? Hihihi brrr.

Your biggest fan,

Lady Gaga, I mean, Angge

2 comments:

  1. Hahaha! Ang ganda ng letter na 'toh. Sana mabasa niya. Natatawa ako tas naluluha bigla kasi paiba iba yung emotions. Pero tingin ko winner yung mga nasa ibaba:

    "...kasi feeling ko, hindi bagay sayo ung basta basta lang, kasi ang bagay sayo, ako!"

    "Kinaya ko ang UP dahil sayo kaya kayanin mo rin ang UP Med para sakin."

    "PS: Sure ka bang di ako ang takip mo? Hihihi brrr."

    Fight lang, Loser! Magsisisi din yan sa hindi niya pag-pansin sa'yo. :P

    ReplyDelete
  2. Haha! Yan din naramdaman ko e, pag naiiyak na ko, kinocomedy ko na lang. Haha! Naawa naman ako sa sarili ko dahil sa di nya pagpansin sa kin. Awww. 'Teber. :P

    ReplyDelete