Sunday, July 10, 2011

Eto na ang patunay na seryoso na talaga ko sa pagbabalik ko, 2 posts in one hour! Dahil na-stalk ko na din ang blogs ni Loser at Nye nye, excited na kong gawin ang 30-day Letter Challenge! At eto na ang day one ko.

Day 1- Your Best Friend

Dear Loser,

Suplays! Kahit pa parang obvious na naman na ikaw ang ilalagay ko dito, sana na-surprise ka pa din. Actually, marami naman akong pwedeng ilagay dito dahil friendly naman ako, pero dahil ikaw ung consistently nandyan in the past 9 years (!), sige, you already! Haha!

Una tayong nagkita nung first year highschool tayo sa Tipol. Shy type ka pa nun, ngunit ngaun, hey! Kinanta mo no? Haha! Tahimik ka lang tipong masarap ihulog sa hagdan (na nangyari talaga sayo, we'll get to that) tapos hindi naman talaga tayo ung close sa grupo. Pero dahil nasense ata ni Lord na kelangan mo talagang ilabas ang tunay na walanghiyang sarili mo, binigay nya ko sayo para i-assist ka sa bagay na un. At di nagtagal, lumabas nga! With matching orange na laway pa! Haha! Pero seryoso na, hindi ko maimagine ang buhay ko na di kita best friend. Parang ang boring. Wala akong matetext pag may random kalokohan akong naiisip at pag may mga random kalungkutang dumadalaw sa kin. Ikaw kasi talaga ang una kong naiisip pag may mga ganito dahil alam ko magegets mo ko at walang judgement. At dahil dyan, naging si Angge ako na kilala nila ngaun, aktibo sa social networking sites. Haha! Pero seryoso, kung walang loser na kasama ko mula nung first year pa tayo, wala ring Angge ngaun. Alam kong naiiyak ka na, pero dadagdagan ko pa yan. Haha!

Gusto ko ring mag sorry kung may mga times na naneglect kita o di nabigyang pansin, bilang papansin ka kasi. Haha! Gusto ko ring malaman mo na kahit anong mangyari, as in kahit ano, andito lang ako at ang family ko na handang umalalay sa lahat ng aspeto (pwera financially, haha!) Sana tumagal pa ang kung ano mang meron tayo ngaun dahil naeexcite na ko sa future nating dalawa (ps, no tibuan)! Naeexcite na ko sa mga kagaguhang pagtatawanan natin at mga kalokohang gagawin natin! Alam ko namang di ka mawawala (except pag nadapa ka bigla) sa tabi ko e, dahil tayo lang ang nakakaintindi sa isa't isa, at sana ganito tayo forever!

I love you, Loser! Damhin mo na to dahil di ko na to ulet sasabihin in public. Haha! :D

PS Haba na ng listahan natin, teh! 9 years and counting na. Nasan na ba mga takip natin? :P

4 comments:

  1. Dear Loser,

    Hayup ka, naiyak ako. Well, bukod sa natural na luha na pumapatak galing sa mata ko dahil sa antok sa ka-late mong pagpost nito, eh nakaka-iyak yung second paragraph mo pa lang. Lintek ka.

    Hindi ako gaanong sasagot dito, hintayin mo na lang din ang Day 1 ng 30-Day Letter Challenge ko.

    At grabe, 9 years na ba tayong pakners in crime?? time flies!! Nakaka-excite nga ang future, dahil alam kong andun ka parin sa future na iyon! 9 years and counting! Lezzgo Loser!! :D

    PS: Dadating ang araw na pagsisisihan ng mga takip na yan ang hindi nila dagliang paghahanap sa atin.

    Labyu too Loser!!! :D

    ReplyDelete
  2. Ampotah JheGanda??? Shet, bwishet! Gumawa talaga sya ng sariling blog post dito? hahaha! Hihintayin ko aang Day 15. Kasi ako yun eh. HAHAHAHA!

    ReplyDelete
  3. feel na feel ni jhe e, idelete ko tong post na to e. haha!

    ReplyDelete
  4. Wag muna! Ninanamnam ko pa eh. :))
    Hintayin mo ang reply. Tsaka na ko magsstart pag umuulan. Mas masarap magdrama pag ma-ulan eh :))

    ReplyDelete