Happy new year sa lahat! Dahil nga nangako ako na aayusin ko na talaga to, at dahil napansin ko na third time ko na palang sinabi sa entries ko na aayusin ko na talaga, eto na ang post ko. Parang may bahid nang galit at pagkapilit. Haha!
Matagal ko nang pangarap na gumawa ng reviews ng kahit ano- books, movies, make-up, drama, albums kasi feel na feel ko talaga ang pagbabasa sa mga blog na may make-up reviews. Una, dahil parang mas may personal touch at honesty pag galing sa blog ung review at di galing sa official website nung bagay na un, at pangalawa dahil napaka indecisive ko at kelangan ko palagi ng second opinion. Haha! At dahil new year naman, ipapauso ko na ang reviews sa blog ko, jeren! First up ay ang "L.A. Candy" series ni Lauren Conrad. Matagal tagal ko ding binalik balikan tong librong to sa bookstore, tipong pasimple pa kong may bibilihin pero titignan ko lang talaga siya. Tamang ninja lang, until finally, sumuko na ko at tinikman (bleh yaks x 1 billion times) ko na ang "L.A. Candy."
Yan lang ang "L.A. Candy" book ko, e-books na ang "Sweet Little Lies" tsaka "Sugar & Spice." Kurips committee, represent!
Title na title pa lang, chick lit na, meaning light read at swak siyang pampatulog. Ang story ay basically tungkol kay Jane Roberts na kakalipat lang sa L.A. (Los Angeles, hindi Lower Antipolo) kasama ang best friend niya na si Scarlett Harp. Of the two, mas opinionated si Scarlett, at may pagka naive naman si Jane. Si Jane ay isang intern sa isang events company, si Scar naman ay incoming freshman sa USC. Nung una, typical problems lang meron sila, tipong adjustments, family, school, work, lovelife, pero nung mapili sila para sa isang reality show na ang title ay "L.A. Candy" (weh, di nga?), mas naging complicated pa lahat kasi may 24/7 cameras silang kasa-kasama, paparazzi, at mga chismis. Kasama rin nila sa show si Madison Parker aka the socialite with a dark secret (kili-kili o singit?), tsaka si Gaby Garcia, wallflower na hindi masyadong biniyayaan ng katalinuhan.
Kung writing style ung pag-uusapan, wag kang mag expect ng ang-lalim-asan-na-dictionary-ko-shet words, kasi wala talaga. Marami ring name-dropping ng brands at may mga characters na nag-eexist talaga sa Hollywood. May pagka personal ung attack, since nasa reality show din dati si Lauren (uy, close.). Actually, feeling ko ung mga nangyari kay Jane, naexperience din nya tapos tinweak na lang para di halata pero nahalata pa rin. Pati ung characters, parang based talaga sa totoong buhay e. Di ko nasundan ung "The Hills" kasi, am, walang reason, di ko lang talaga nasundan. Haha! Pero nakakatuwa kasi parang inside peek siya sa buhay ng mga bida sa reality shows. Nakakakilig din ung love lines, lalo na ung kay Liam at Scarlett. Si Jane kasi ay nagcocollect and select e. Haha! Overall, nagustuhan ko naman ang "L.A. Candy", so much so na ginoogle ko pa siya. Haha! Fangirl. Apparently, may movie in the making na to, tsaka may upcoming series pa na magfofocus kay Madison. Hmmm, interesting.
Overall, bibigyan ko ang "L.A. Candy" series ng 3.5 out of 5. Kasi, as a chick lit book, na achieve niya naman ung pagiging light read at pagiging aliw nung story. Pero dahil parang naging autobiography siya ni Lauren Conrad, nawala ung originality niya.
Yehey! Natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko! Next time, make-up review naman. Feelingera. Haha!
Hi Angge!
ReplyDeleteWas scouring the net and stumbled upon your blog. Was wondering if you'd be interested in applying at our company for a JUNIOR WEB COPYWRITER position.
Here's the link to our job ad: http://www.jobstreet.com.ph/jobs/2010/11/default/80/2504863.htm?fr=c
You can also send your resume to abarrameda@usautoparts.com or jtabora@usautoparts.com. If you have any questions, you can just ask us through those addresses.
Thanks!