Saturday, January 31, 2009

the "gilmore girl" is giddy over the gilmore girls. bakit "gilmore girl"? yun tawag sa mga taga tipol qc, kasi nasa may tabi ng gilmore station yung school namin. ayos?

mehn, eto ata yung unang US tv series na kinaadikan ko. mga grade 6 ata ako nun. tandang tanda ko pa (oha oha, parang yeye vonnel lang o) na patay na patay ako kay jess (milo ventimiglia). kasi ang pogi, ang talino, witty, ang gago. nyar. akalain mong ngayon, hero na siya, marami na kong karibal. how sad. pero lalaban pa rin ako (san?) haha! tae, kelangan ko na ng matinong kausap, kinocontradict ko na sarili ko e. milo, you're the one! siguro dapat numberan ko na ang mga the one ko. so many pogi, so little time. nyar.

banana nutella waffles, marry me. :D

Sunday, January 25, 2009

huwow. kagabi lang ako tumawa ng as in tawa. ang dahilan? wirdos!

so mga 3 months din kaming di nagkita kita, except kay jhe na araw araw kong kasama, kaya naman riot talaga! sobrang laughtrip! lahat gago, lahat patawa, a lot of fan! may nakita na naman akong the one sa music 21! haha! shet angge, sa lahat na lang may the one ka. tsk tsk.

nagtataka ako kung bakit di mawala wala sipon at ubo ko, ngayon, alam ko na kung bakit. kasi naman, smoothie nang smoothie, frappe ng frappe. at kagabi, may bagong favorite na naman ako! matcha korichio with oreo sa kozui green tea. homaygad! di ako ma tsaa, pero bentang benta sa kin to. saraaap! lalo na pag libre. haha! salamat meme! masarap din yung taro at caramel wateber nila dada at jhe. parang leche flan na ginawang smoothie yung caramel chuchu. nyar.

buti na lang talaga. mahal mo ko, Lord! :D

Wednesday, January 21, 2009

momofied na si angge. sigurado na to.

mula nung nagbukas ang momo, nasa list na siya ng mga pangarap ko. dapat kasi, meron ka ring mabababaw at attainable na mga pangarap para palagi kang may matutupad. oha oha. pero dahil loyal ever ako sa baker's, ngayon lang ako napadpad sa momo. tulad kanina, naka P400+ ako sa 4 hour stay ko dun. maygad. so far, favorite ko ang banana chocolate at butterfinger shake nila at lahat ng meals nila. haha! suuuper sarap ng carbonara! next sa list ko, yung big burger at pizzas nila. nyar.

huhu. nakakalimutan ko na mukha ni lrt boy. huhu. ;P

Monday, January 19, 2009

HOMAYGAD. homaygad talaga.

so kanina, may meeting kami for 183, dahil malalate si ryo, nagpalate na rin ako. so nung on the way sa lrt, sabi ko "wala na, di ko na makikita si lrt boy." tapos pagdating ko, HOMAYGAD, andun siya! sa dinami dami ng oras, ng tren, nandun siya! tapos same position, nasa likod ako, nasa harap ko siya. nyar. kakasabi ko pa lang sa tita ko kagabi na dapat may daily goals ka para may iloolook forward to ka. sabi ko pa "tulad ako, makikita ko si lrt boy bukas." jeren! nangyari nga! kaya naman abot batok na naman ngiti ko maghapon. ay suuus.

momo is love! sarap ng banana chocolate at momo goes pinoy! so long, baker's. haha!

haaaay. <3

Saturday, January 17, 2009

hwokey, nadagdagan na naman ang mga the one ko. lrt boy, you garret!

sa lahat ng mga ayaw ko e yung mga kasakay ko sa lrt na natitipuhan ko. yaks,parang manyak lang o. haha! bakit? kasi, yun yung mga one time, big time. tipong di mo na makikita ulet. so lungkot diba? pero kanina, maygad, nakangiti lang ako buong biyahe! ang pogi! yung tatlong taong pinundar ni irog, sa 2 mins lang, nakuha na niya! nyar. so, ngayon, operation lrt boy! kung may kakilala ka, o ikaw ang tinutukoy ng mga sumusunod, mag tag ka dito! haha!

1. sa cubao station ka sumasakay
2. olive green shirt mo kanina
3. jansport backpack mo
4. nike sneakers mo
5. may 3 baller ka (black, yellow at white) at relo sa right wrist
6. sa legarda station ka bumaba

PLEASE. haha! how do i find thee, lrt boy? <3
alam naman nating lahat na si angge ay isang tough kid, in all aspects yan. pero nung thursday, tonsilitis got the better of me yet again. oh boy palaboy.

so akala ko dala lang talaga ng panahon ang pagiging lamigin ko, yun pala, may sakit na ko. oo na, tanga na. i hate me, i hate me! kaya ayun, bartolina buong friday. pero dahil nga tough kid ako, magaling na ko. oha oha. buti na lang walang bec bec ngayon. haha!

across the universe. homaygad. ang ganda! di kasi ako mahilig sa musical, pero maygad, ang saya nitong movie na to! puro beatles yung tugtog, tapos ang ganda ng pagkakagawa. whoo! jim sturgess, the one na rin kita! nyar.

ay sus! ay sus. :D

Wednesday, January 14, 2009

angus, thongs, and perfect snogging. ahh.

hmm, actually, okay naman yung kwento pero medyo mababaw siya. tapos nung nag, ehem, research ako, nickelodeon movies pala ang nagproduce. sabi ko nga e. siguro kung tipong n12 o 13 years old ako, papatok to sa kin pero dahil magttwenty (!) na ko, hindi na. buti na lang madaming pogi dito. haha!

mehn, ang weird ng mga panaginip ko lately. siguro nga, eto na. nyar. haha! :P

Tuesday, January 13, 2009

hwokey,oo na. delayed ever na naman ako, pero ang ganda ng juno! haha!

very effective sila ellen page at michael cera! ang saya ng kwento, ng script, ng soundtrack. whoo! bagong favorite movie na naman. haha!

sarap ng pizza bread ng breadtalk. wag magtampo baker's, panandalian lang to. haha! random schrandom. :P

Sunday, January 11, 2009

bakit ba ang tagal kong makaget over sa mga bagay bagay? ang dahilan? titanic. homaygad.

so kanina, habang commercial ang piolo-juday starrer sa cinema one, paglipat ko sa star movies, titanic. so nanumbalik ang mga araw na mahal ko si leonardo dicaprio, na anim na beses kong pinanoood yun, at na umiyak ako sa bawat beses na napanood ko yun. haha! at kanina, hindi pa rin pala nagbago ang mga bagay bagay.


bihira lang akong magsine kaya masasabi ko na ang titanic ay isa sa favorite films ko, along with eternal sunshine of the spotless mind. kaya this year, magcacatch up na ko. haha! 4 films ang nakapila sa kin ngayon. juno, superbad, angus, thongs and perfect snogging, at the virgin suicides. excited na ko! haha!

bukas, magshoshopping ako ng mga tinapay sa shopwise. ooh, pastel. :D

Friday, January 09, 2009

HOMAYGAD. andito na ang the ultimate christmas gift ko! jeren!






homaygad. haha! so ngayon,wala pa siyang laman bukod sa rainbow wallpaper. waah! o kaligayahan! :D

Sunday, January 04, 2009

last weekend na walang gagawing school-related. i'm off to school tomorrow. huhu. allowance angge, allowance.

dahil hindi pa ko nagsawa sa lahat ng katawan at laman loob na nakita ko kahapon, saw 5 beybe! whoo! hmmm. pano ba? saw 5 yung parang "aha!" moment ng mga tao pero malabo siya nag end e, so malamang may saw 6 pa. oh boy palaboy. forever na atang magkaka saw movie.

apparently, i'm anal retentive. kung ano yan, tanong mo tita ko. siya nagsabi sa kin niyan. ang mga dahilan ay ang mga sumusunod:

1. pag natutulog ako, yung tag ng comforter, dapat nasa baba, at dapat nasa right side. pag wala dun, di ako nakakatulog. ganun din sa sandayan ko, dapat nasa baba yung tag.

2. yung tsinelas ko, dapat nasa may nakikita ko lang. pag wala dun, di ako natatahimik.

3. may order ba kayo pag naliligo? pwes ako, meron. shampoo, sabon, hilamos, toothbrush, toot then toot.

4. pagka ligo, patuyo ng buhok, lotion, pulbo, deo. kelangan ganun parati yung order.

5. my books are arranged by height sa may shelf. pero normal naman ata to. haha!

there you go. so, am i weird? comedy movies sa tuesday! tawa angge, tawa!

haberday bukas, boks! ay sus, ay sus. :D

Saturday, January 03, 2009

okay, angge is dorkier than ever. CSI, you garret.

dahil huling hirit ko na to bago bumalki sa totoong mundo, aka school, nag CSI marathon ako. 12:30-7 pm beybe. whoo! ngayon lang ako nakakita ng ganun karaming krimen sa tanang buhay ko. the. haha! 12 pa lang ako, CSI fan na ko. naaalala ko dati, 9pm every wednesday pa yun. e ngayon, apat na channels na ata ang nagpapalabas ng CSI kaya swertehan na lang kung mapanood ko yung latest episode. dati, isa lang yung CSI, ngayon, may new york at miami na din. pero wala pa ring tatalo sa original, CSI las vegas. ewan ko, pero feeling ko kasi, tumatalino ako pag nanonood ako ng CSI. haha! kesa puro sampalan at iyakan lang, halukayan na lang ng laman loob.

huwow, isang buong post para sa CSI. mehn, i'm a dork indeed. ;D

Friday, January 02, 2009

homaygad. kinikilig me! haha!

pangiti ngiti, nagpipigil ng kilig pag may dumadaan sa may pc. nako, masama to. haha! ay sus. happy new year to me!

eyniwey,takashi miike is da best! whoo! kahit masakit sa ulo ang mga pelikula niya, it works! sabihin na lang natin na siya ang japanese equivalent ni tim burton, pero mas gory. nyar.

what a way to start the year! horror movies + kakiligan. haha! may sapak ka talaga angge. :P