Sunday, August 31, 2008

may isang batang nagluluksa dahil di siya nakapanood ng eheads reunion concert. clue: ako yun. huhu.

natanggap ko na sana nung una na hindi talaga ko makakapunta kasi medyo malabo ang requirements para sa ticket, pero nung nalaman kong nagtitinda na ng tickets, huhu. so may pampalubag loob na sana ko, magsasandwich na lang ako the night before nung eheads, but noooo, kelangang gumawa ng presentation para sa defense! ang pag-aaral talaga, hadlang kahit kelan. naudlot tuloy ang kasal. huhu talaga.

what now? huhu.

Monday, August 25, 2008

today is angge and mother dearest's bonding day! dahil bihira na lang ang mga ganitong araw, abusuhin na.

so una, napadpad kami sa sm centerpoint kasi sarado yung pinapacarwashan niya. ang connection? basta. haha! e ayun so syempre nagpahiwatig ako na sira na chucks ko, baka naman gusto niya kong bilhan, at yun na nga ang nangyari! yey! ngayon si angge ay may bagong chucks! yey! at ang nakakatawang tagpo sa record bar:

angge: *tumitingin ng mga cds*
mama: nak, tingin mo, APO o Ariel Rivera?
angge: *natatawa* ha?

wala oldies forever si mama e. ang nanalo? APO! so yun ang tugtog namin sa kotse. pagkatapos kumain naman tapos puntang avenida para magpabattery ng relo. wag mo kong tanungin kung bakit kelangan dun pa, pasahero lang ako. ang masaya talaga dun yung kwentuhan sa biyahe. weee, mahal ko si mama! sipsip. haha!

konti na lang, pwede bang dagdagan? wempot! salamat sa onerepublic! mahal kita! :D

Wednesday, August 20, 2008

ayoko ng ulan at lalong ayoko ng baha, pero dahil no choice ako, kelangan magtampisaw sa baha! kung bakit naman kasi late (na naman, forever, as always) nag-announce na walang pasok. at tulad nila tado, i blame the government! haha!

syempre nakapantulog look pa ko kanina kasi nake pe uniform at tsinelas lang ako, wala na namang dalang jacket. ay sus. at kung kelan masarap uminom ng hot choco ng mcdo, tsaka naman wala! badtrip. buti na lang may chuckie sa mundong ito.

so karamihan sa inyo, tingin meron, e pano ko malalaman? kung bakit kasi hindi ako sensitive sa mga ganyan. bawal umasa! bawal maging masaya masyado! pero napipigilan ba yun? ay sus. :)

Tuesday, August 19, 2008

lrt is love! bukod sa masarap mag-emo dun masaya ding makichika sa buhay ng iba, lalo pa't walong stasyon ang nilalakbay ko. wahoo!

so kanina, pagsakay ko, saksak kagad ng earphones, pero nung nakita kong inabot nung katabi kong lalake yung kamay ng katabi kong babae, ay pag-ibig ito! ayun na nga, ininterview ni kuya/manong yung katabi ko na iska pa pala. si ate naman, sagot ng sagot. my oh my. kwinento ni lalake na 24 na siya, na marami daw siyang UP friends, na nakapunta na siya sa ibang bansa at nagpakita pa ng pics! haha! gusto ko na sanang makisali sa usapan e. at nang ilabas na ni kuya cellphone niya, this is it pansit, hiningi niya no. ni iska! ang lupet mag da moves! so akala ni iska, mahal na siya ni kuya, e sorry naman, pagbaba namin ng lrt, may kausap na naman siya! sabi niya pa dun sa babae "how nice naman na may nakasabay na ko na schoolmate ko tapos ka area ko pa." watda? this is why i refuse to live in a dorm! walang chismis dun! haha! :P

Monday, August 18, 2008

random conversations with friends make me ha-ha-happy! lalo pa't bihira na kami magkita.
mahal kita ym!

ang saya dahil buhay pag-ibig na ang topic, kahit pa dakilang adviser lang ako. taga uto, taga suporta, taga saway. ang saya lang na lahat kami masaya na. ayikee. haha! masaya nga ba ako? hmmmm...

Sunday, August 17, 2008

mahal ko si haruki murakami! kahit pa nakakatatlong stories na ko at wala pa rin akong nagegets, tama nga si friend, mapapaisip ka. masayang isiping napapaisip pa pala akong kahit wasak wasak na ko.

speaking of napapaisip, si angge ay may feeling feelings. kung ano man yan, akin na lang yun. haha! naweweirdan ako sa sarili ko, kahit pa parang given na yun (duh, wird0s), iba e. hmmm. sa sobrang pagkaweird, pati pamilya ko naweweirdan na rin. ikaw, naweweirdan ka na ba? keep me in line, oh dear friends! cannot be!

Friday, August 15, 2008

sa wakas nakahiram din ako ng haruki murakami na libro! yehey! salamat kay tiffany/titany para sa book. alabyu!

so kahapon kami ng 142 groupmates ko ay nag-ambenchur sa cathy from makati (makati). okay naman kung hindi lang umulan nang pagkalakas lakas. syempre dahil ever tamad ako, wala na naman akong dalang jacket kaya muntik muntikan na naman akong mamatay sa lamig. alam na kasing mahina sa lamig, di pa nagdala ng jacket. i hate me, i hate me! eyniwey.

kahapon ay natupad din ang isa sa mga pangarap ko sa buhay, ang mag bus. oo na, ang babaw ni angge. haha! e feeling ko kasi pag nasa bus, nasa field trip kaya masaya. pero dahil walang bus galing peyups papuntang cubao, hindi ko yun magawa. aww. e pero dahil nagawa ko na yun, yey! isa pa sa mga pangarap ko ay ang maligo sa ulan. another kababawan. palagi nga akong nababasa sa ulan, pero yung gusto ko, yung ginusto ko talagang mabasa. gusto ko sanang gumawa ng bucket list ko pero natatakot ako. feeling ko kasi baka kunin na kagad ako ni Lord, lalo pa't mabait pa ko. haha! tsaka isa pa, tinatamad me e. haha! pero so far, isa na ang na x sa list ko, more to come!

weee. kung ikaw ay masaya, tumawa ka, haha! *tawa* :D

Tuesday, August 12, 2008

huhu. namimiss ko na ang lazy days ko. kahit pa sabi ni mama, araw araw naman daw akong tamad e di may lazy days pa rin, iba pa rin yung totoong lazy day.

tulad ngayon, nagpapanggap na naman akong walang gagawin kahit na alam na alam ko namang may exam ako bukas at di pa ko nagbubuklat ng libro. haha! ang sakit din ng ulo ko dahil dalawang araw na kong walang tulog. alam naman nating si angge ay mahina sa puyatan lalo na pag studies ang pinagpupuyatan. hwoops. namimiss ko nang manood lang ng tv maghapon, magliwaliw sa cubao, matulog forever, mag-experiment ng mga masarap lutuin at maglomo. huhu.

i have the best friends eber eber! kahit pa may mga issues (ehem ehem), ang saya pa rin! naniniwala sila na posible ang toot and angge loveteam, na ako ay nasa isang transition period, na okay lang mag-emo minsan. di ko alam kung bakit swerte ako sa kaibigan, siguro kasi swerte rin sila sa kin. harhar. labyu ebribadi! :P

Sunday, August 10, 2008

hindi ka ba naweweirdan na pagpasok mo sa record bars e mukha nila kris aquino,gretchen barretto,gabby concepcion, bea alonzo, at homaygad, boy abunda, ang nakikita mo? kasi ako oo.

as if hindi pa sapat na forever ko silang nakikita dahil kapamilya ako, pero pati ba naman sa radyo at sa myx, sila pa rin? medyo lusot sila kris at tito boy kasi di naman sila kumanta, pero si gabby, bea at gretchen! oh the horror. haha! may bumibili ba talaga nito?

at dahil sunday is family day, lahat kami ay najoined forces para manlait ng mga artista sa asap. haha! as in bawat tao dito, may opinyon! sa damit ni zsa zsa, sa katiklingan ni kim, na bading si toot, toot at toot. oh what joy! at ang favorite comment ko ay galing sa father dearest ko:
"ah si ellen na may billboard sa edsa? yung mukhang hihigop ng tabaguang?"

ang tabaguang ay snail, panget kasi pag yung tagalog yung gagamitin, double meaning. at si ellen, ay well, si ellen. haha! the family that makes lait together, stays happy together. so coƱotic! ;P

Saturday, August 09, 2008

hwokey, so kanina, tinamaan na naman ng pagka-iyakin si angge. at kelangan talaga humahagulgol ako. oh no.

so yun nga, may pinagawang activity ang best prof eber eber na si sir barry (ehem ehem). nagpagawa kasi siya ng self portrait naming tapos may analysis wateber. eto yung nakalagay na tumagos ng sobra sobra:

Your self portrait reveals the sad part in you. You feel lost in this world like a little child, unable to find a hand to hold on or a voice to tell you the right direction. You have a longing to be loved and cared for by the people you love so much, but they don’t let you feel important, loved or, cared for. You put on a happy face, a smile, a bubbly personality but you cry at night or when you are alone to release all your frustrations, your hurts, your sufferings. You are tired of other people’s expectations on you to be always good, intelligent, and an achiever because it prohibits you from being who you really are and becoming who you really want to be. You are strong and independent-minded, but when it comes to family matters, most especially your parents, you are at your weakest.

unang sentence palang, hagulgol na kagad. haha! tapos pare pareho lang pala kami ng nakalagay. dale. e pero ako kasi yung tipong di talaga iiyak hangga’t tolerable pa, pero pag hindi na, sumusuko talaga. nagkataon lang siguro na ang dami ko ding naiisip ngayon na hindi ko malabas kasi feeling ko, maaayos din sila. apparently, pag di hinarap, lalong lumalala. buti na lang may mga ganito! ang saya lang na nalalabas mo yung gumugulo sayo. pero hindi pa rin pala lahat, masyado pang maaga. haha! :P

Tuesday, August 05, 2008

angge is the happiest kid on earth! yehey! sa mga taong hindi pa alam kung bakit, at oo wempot, ikaw yun, magtext na! or antayin ang mas detalyado at mas exciting na story telling session ni angge. wahoo!

feeling ko, i have the best of both worlds. best of pharm world at best of orcom world. yung pharm blockmates ko na kilalang kilala na ko. ultimong tingin at ngiti alam na yung gusto kong sabihin. yung orcom friends na nililinlang ko pa into thinking and believing na ako ay mabuting bata. haha! dadating din tayo dyan friends.

the best si Lord dahil marunong Siya ng perfect timing! feeling ko kung kusa ko lang gagawin, di ko kaya, pero dahil may divine intervention, yehey! congrats to me! papa dirty ice cream ako minsan. :D