natalo na naman kami. kahapon, tuluyan nang naging angel si tita susie. nung nalaman ko yung nangyari, in complete shock ako. nung hapon lang, masaya kami. pag-uwi namin, bawas na pala ang pamilya namin.
si tita susie na ata ang pinakamatatag na taong kilala ko. kahit hirap sa buhay, ni minsan never ko siyang nakitang nagsisi o nagreklamo kung bakit ganitong buhay ang meron siya. tuwing pupunta siya dito para dalawin kami, lagi siyang masaya tapos nagbibiro. parang okay lagi lahat. tuwing lolokohin namin siya na ang ganda naman ng sapatos o bracelet niya ang lagi niyang sagot: "quiapo lang to no, maganda kasi yung nagdadala." pag naaalala ko yung malambing na tawag niya sa kin ng aica joy tuwing pupunta siya rito, naiiyak ako. sa 25 years na kasal siya, duda ako kung naging masaya talaga siya pero kahit kelan, di siya nagreklamo. masayahin sa labas, malungkot sa loob.
at kagabi nga, nakapagpahinga na siya. siguro sabi ni Lord, tama na yung mga paghihirap niya. sigurado ako na nasa heaven na siya ngayon. sa heaven kung san lahat masaya, walang kwenta ang pera at normal lang ang makakita ng rainbows. magkasama na sila ni uncle liboy ngayon. nagtatawanan malamang. kagabi, bago ako matulog ko lang talaga nailabas lahat. nagflashback sa kin yung hinahatid niya ko sa school nung kinder pa ko, yung last text niya nung birthday ko, yung time na binigyan niya kami ng tig 100 para pamasko. pag naiisip ko na di na ulet siya magtetext pag birthday ko,lalo akong naiiyak. pero dahil alam kong masaya na siya ngayon, parang nawawala lahat. iniisip ko na lang, nadagdagan na naman ang mga angels na nagbabantay sa min.
maraming salamat sa lahat,tita susie! alam kong masaya ka na dyan. di mo na kelangan mamrublema sa pera, walang kwenta na yun dyan. sana tulungan mo kaming matanggap na di mo na talaga kami pupuntahan dito sa bahay at kekwentuhan ng mga kwela mong jokes, bihira ko na rin sigurong maririnig yung favorite mong expressiong "ngangi". miss na kita..
No comments:
Post a Comment