Wednesday, April 30, 2008

dumating na ang first roll of "happy thoughts" ko. di naman lugi kasi may magagandang shots naman. mga 5 out of 36 siguro. haha! di bale, practice makes perfect. sana yung 2nd roll naman maging matino. pinga-iisipan ko pa kung ipopost ko ba lahat e. oh the decisions in life. random post.Ü

Monday, April 28, 2008

natalo na naman kami. kahapon, tuluyan nang naging angel si tita susie. nung nalaman ko yung nangyari, in complete shock ako. nung hapon lang, masaya kami. pag-uwi namin, bawas na pala ang pamilya namin.

si tita susie na ata ang pinakamatatag na taong kilala ko. kahit hirap sa buhay, ni minsan never ko siyang nakitang nagsisi o nagreklamo kung bakit ganitong buhay ang meron siya. tuwing pupunta siya dito para dalawin kami, lagi siyang masaya tapos nagbibiro. parang okay lagi lahat. tuwing lolokohin namin siya na ang ganda naman ng sapatos o bracelet niya ang lagi niyang sagot: "quiapo lang to no, maganda kasi yung nagdadala." pag naaalala ko yung malambing na tawag niya sa kin ng aica joy tuwing pupunta siya rito, naiiyak ako. sa 25 years na kasal siya, duda ako kung naging masaya talaga siya pero kahit kelan, di siya nagreklamo. masayahin sa labas, malungkot sa loob.

at kagabi nga, nakapagpahinga na siya. siguro sabi ni Lord, tama na yung mga paghihirap niya. sigurado ako na nasa heaven na siya ngayon. sa heaven kung san lahat masaya, walang kwenta ang pera at normal lang ang makakita ng rainbows. magkasama na sila ni uncle liboy ngayon. nagtatawanan malamang. kagabi, bago ako matulog ko lang talaga nailabas lahat. nagflashback sa kin yung hinahatid niya ko sa school nung kinder pa ko, yung last text niya nung birthday ko, yung time na binigyan niya kami ng tig 100 para pamasko. pag naiisip ko na di na ulet siya magtetext pag birthday ko,lalo akong naiiyak. pero dahil alam kong masaya na siya ngayon, parang nawawala lahat. iniisip ko na lang, nadagdagan na naman ang mga angels na nagbabantay sa min.

maraming salamat sa lahat,tita susie! alam kong masaya ka na dyan. di mo na kelangan mamrublema sa pera, walang kwenta na yun dyan. sana tulungan mo kaming matanggap na di mo na talaga kami pupuntahan dito sa bahay at kekwentuhan ng mga kwela mong jokes, bihira ko na rin sigurong maririnig yung favorite mong expressiong "ngangi". miss na kita..

Tuesday, April 22, 2008

eto ang kaisa-isang blog post na nagpaiyak sa kin.

A TRIBUTE TO ANGGE...
Parang magkakasakit ako ngayon.

Gusto kong mang-away.
Gusto kong mang-gulo.
Gusto kong maging isang wild creature.
RAWWWRRRR!!!
Ewan ko ba....Kakatapos lang naman ng period ko (.)
Hindi pa naman ako nagmemenopause.
May kulang... tsk.. parang may kulang...

Kahapon tinext ako ng ever gagong si Angge (Ganda na, gorgeous pa)... lablayp. malungkot sya. ako, masaya. sya... malungkot.. ako masaya...

Pero sa totoo... may part sakin na malungkot.

Tapos nag-flashback sa isip ko yung happy moments namin. Ang pang-aalaska namin sa mga taong dumadaan sa tabi ni kuya xeroxer... ang mga jokes naming bentang benta sa klasmeyts namin... ang semplang na takbo ng aming college life... ang future orcom life namin (na hindi na matutupad sa part ko)... ang Wii moments kasama si Jhe na halos magiba na ang bahay nila sa sobrang ingay namin.. ang sleep-overs.. ang pag-eedit ng music video ng mga p**&%^%$* ka-grupo sa Spanish... ang lablayp nya.. ang lablayp ko.... sa susunod na pasukan hindi na ganon ang ikot ng mundo.


Namimiss ko na si Angge. Ang kanyang kagaguhan. Ang murahan namin sa isa't-isa.. ang mga hampas nyang walang katulad... ang video-oke with matching dance moves... ang buddy kong walang katulad.T_T

post yan sa blog ni blanca. siya kasi naisip kong itext nung sunday nung namumroblema ako. natouch lang ako na naiisip niya rin pala yun. nun kasing magulo ang lahat para sa kin, kami yung magkasama. wag magselos friends, pero kami kasi talaga yung sa hirap, sa hirap at sa hirap, magkasama. nung nagpilit kaming maki blockmates sa mga orcom students, nagkapili pilipit ang dila sa spanish, nabulok ng anim na oras sa cp tapos nawala pala nila reg forms namin, nagdamayan sa 5+ hours na break, nakakita ng sunrise at sunset dahil sa span vid. pag naiisip ko na next sem, wala na yun, nakakalungkot. wala na kong permanent karamay sa boring lectures, mababawasan ang angge-toot supporters. huhu.

pero masaya din ako na sa wakas, magagawa na niya yung gusto niya. pwede siyang magdrawing maghapon tapos ok lang yun. kelangan ko na lang masanay na mag-isa na talaga ko pag may long breaks ako, pero dahil masaya naman siya, masaya na ko.

so para sa ever gago (ganda na, gorgeous pa) na si blanca, salamat sa masasayang tagpo! mamimiss kita. wag kang mag-alala, papansinin pa rin kita kahit sikat na ko at mag-asawa na kami ni mong.Ü

Saturday, April 19, 2008

yey! mukhang nagiging maganda na ang samahan namin ng UP! waah! pahamak ang ns 1,sumabit pa! pero so far, eto ata ang pinaka fruitful na sem ko in terms of grades. salamat Lord!

so ayun. ang saya ko! haha! konting sipag at tiyaga na lang, angge. kaya na! may secret goal kasi ako at dahil di ko pa yun na-aachieve e macacarry on yun next sem. sana sana. so ano na bang balita sa buhay estudaynte ko kahit summer? okay naman, suuuper bilis nga lang ng math pero expected na yun e. pero eto ah, feeling ko mas nakakagets na ko sa math ngayon kasi tinignan ko module ko dati at homaygad, tama lang pala yung grade ko dun. haha! ang ns 5 naman, bagong favorite subject! alam naman nating lahat na like math and pe, e allergic din ako sa science pero ang saya nito! kahit tanghaling tapat yung klase,di nakakaantok! swerte talaga ko sa prof. malagpasan ko lang ang math, gagraduate na talaga ko. padasal ah?

ang dami nang nakakaalam. may nabasa nga pala akong quote:
"sometimes the only remedy for confusion is to make a decision."
so shall i make a decision? haha!

kung may sasabihin ako, yung exact words na din na yun ang gagamitin ko. EXACT words.but then, walang effect.

Saturday, April 12, 2008

tamad si angge. sabihin ito ng 263474594034 times at mapapatunayan mong tamad nga si angge. congrats!

sorry na sa mga nagbabasa nito pero eto na ang post ko! yehey! so ano na bang pangyayari sa kin? ayun, enrolled na ko para sa summer. thanks be to GoD! sabi na nga ba effective ang motto namin sa buhay ni blanca e! congrats to me!

nung nagka long weekend, nag-ambenchur kami sa subic. pumunta kami sa zoobic safari! so ngayong taon pa lang, nakakatatlong zoos na ko. ang saya kasi ang daming animals (am,duh.) tapos makikita mo sila upclose, di gaya sa ibang zoo. nagpunta rin kaming bataan kasama si happy thoughts! hindi ko pa napapadevelop ang pics at naeexcite na ko! random pictures lang pero sana may magandang kalabasan. nakakakaba din kasi minsan nakakalimutan ko kung natanggal ko ba yung lens cover o hindi. oh well. will post happy thoughts soon!

on to serious matters naman, Lord, sana po more patience pa. ang hirap maging "mabuting" kaibigan! matagal nang issue to, pero ayoko sana kasing i-discuss dito pero homaygad naman kasi. so, sayo, hindi mo kelangan banggitin ang pangalang niya every 2 minutes. gets namin, gusto mo siya, so ok na yun. di mo kelangan ulit ulitin. marami pang pwedeng pag-usapan,maniwala ka. at wag rin magbait baitan, hindi bumebenta. lalong nakakainis lang.

so tinatanong mo kung posible bang kainisan ang isang tao just because. ang sagot ko,oo. ganun ka sa kin diba? ang daming nagtataka kung bakit ayaw ko na. di ito dahil may iba na o bigla ko na lang naisip na wag na. nakakapagod kasi.

ayan ah,sobra sobrang post na to. so ayan na ang summary ng almost 2 week-hiatus ko. bow.

Friday, April 04, 2008

congrats sa kin dahil marunong na kong magluto! okay, so tuna carbonara lang yun,pero kahit na! naubos ang luto ko! yey!

actually, matagal ko nang balak matuto magluto. natatakot lang akong pagtawanan ng mga tao, pero dahil malakas ang tawag ng katakawan, jeren! gusto ko rin magtry ng baking. kung bakit kasi may summer classes pa e. pero think positive angge, summer classes=allowance at sige na, pati knowledge.

may nakakatawang encounter ako with happy thoughts (pangalan ng holga ko). di ako marunong mag-operate! haha! pero nalinawan na ko, marunong na ko maglagay at mag-alis ng film. yey! okay, random post.Ü

Wednesday, April 02, 2008

haberday to me! okay, one day delayed. haha! so ano bang nangyari sa berday ko?

nagkaron ako ng "non-party party" kasi hindi naman talaga siya party pero party siya. haha! ang labo. nagplano pala sila jhe na i-suriprise ako at syempre kelangan talaga ma-wrong send si friendly friend milli sa kin ng:
"friendly friend, anong oras tayo kila angge?"
kaya naman nagka idea na ko na may mga pupunta dito. ang saya! pati si mau bakulaw andito! sayang wala si kamahalan, almost complete na sana ang wirdos + friendly friend + tatz bakekz. so ang handa namin ay pizza, carbonara, pepsi, cake at danish pastries courtesy of meme. yey! tawanan at nonsense conversations makes angge a happy kid!

spaeking of making angge happy, eto ang birthday gift sa kin ni kulot. isang poem.

sister

you filled our days with joy and laughter
mom is proud that you're her daughter
a joke that will remove my anger
taht my emotions will change for the better
you're always there for me
and help me achieve what i can be
I thank you for your tender care
for deep warm hugs and being there
I hope that when you think of me
a part of you, you always see.

awww...feeling kokinopya niya lang to e. haha! thanks diding! sa iba pang happy news, nakuha ko na ang holga ko! homaygad! ang saya ko! salamat sa lahat ng nakaalala at bumati! yey!Ü