nagsimula sa random thought pero ngayon, sigurado na ko. i'm going lomo! wahoo!
so ano ba itong lomo na to? ang lomo ay short for lomography na isang type ng photography na walang rules. oo, as in wala. point and shoot lang kaya feeling ko, feeling lang naman, kakayanin ko siya. pero bago ang lahat, kelangan ko ng lomo camera. maraming choices pero namimili ako between supersampler at holga 120n. yung supersampler, 4 lens siya so isang click, apat na pictures. ang saya diba?! yung holga naman, medyo pang next level na ata siya pero maganda rin yung effects. ang masaya dito, film yung gamit so balik old school tayo. tapos dahil walang screen yung mga cams tulad ng digicam, at yung iba, ni viewfinder wala, surprise talaga kung ano yung lalabas. pwede ring gumamit ng expired film for added effects. masaya to lalo na sa mga tagtuyot ang wallet tulad ko. haha! mura lang naman yung lomo cams kumpara dun sa pang professional na talaga. 4 thou ata yung pinakamura pero sa ebay may less than 2 thou lang. bakit ko sinasabi? kasi may magbibirthday na. ehem ehem.
sana by weekend makabili na ko, para pag bakasyon. yey! naeexcite na ko. okay, inaantok na ko. balik research na.Ü
No comments:
Post a Comment