Saturday, March 22, 2008

kakabalik ko lang galing bicol at medyo tamad, i mean, pagod pa ko sa byahe kaya lista na lang muna ah?

random events, chuchus at what-have-yous na nangyari sa bicol

1. hindi alarm clock ang gumigising sa kin sa umaga, minsan yung bell sa simbahan o kaya ang pagkanta ni tabachoy, madalas ang mga bitter quotes ni jorge. homaygad!

2. palaging may sinangag, my favorite, pag almusal.

3. random conversations with lola with matching mani at butong pakwan (bakwang putong,sabi ni vince) on the side. kahit pa namamaos na ko dahil bingi na si lola, nakakamiss pa din yun.

4. mas random conversations with megan tabachoy! yehey! grabe, ang daldal na niya! marunong ng magbasa ng letters, mag-identify ng colors. matalinong bata! may pinagmanahan! ehem, ehem.

5. pagtawanan ang lasing na si tito teddy. highlight ata to ng bakasyon ko. gabi gabi kasing lasing so gabi gabi rin akong masaya.

6. umiyak si lola pag-alis namin. huhu. di ko yun nakita pero umiyak daw siya. ang bilis lang kasi namin dun e, halos two days lang.

7. text marathon with rikki at friend karen. surprising revelations kay friend, walang kwentang conversation kay rikki.

8. nilagnat ako nung last day. ang corny! haha! sabi ni mama, na-usog daw ako ni hassim asim. inside joke alert. haha!

9. nagpaka artsy fartsy ako dahil may nakuha akong dalawang magandang shot ng sunrise at sunset. pansin niyo laging yun ang shots ko? asan na ang lomo cam ko?!

one item short. haha! so ayan. next week school ulet. oh what joy!Ü

Saturday, March 15, 2008

haberday kulot! ang tanda mo na! sa bagay, kahit naman dati para kang mas matanda sa kin e.

dahil nga berday nya, nag mini celebration kami. pumunta kami ng manila ocean park! nainggit kasi ako sa blockmates ko nung nag-fieldtrip sila dun, kaya nung tinanong ni papa kung san namin gusto pumunta sa berday ni camille, sumigaw ako ng "sa ocean park!" haha! feeling may berday. buti na lang na-pep talk ko na si camille tungkol dun. so pumunta nga kami at homaygad, nagmistula na naman akong 5 year-old kid dahil pagpasok palang, di ko na mapigilan ang pagsigaw ko ng "wow!" at patakbo takbo pa ko! buti na lang talaga madilim dun. ang ganda! daming isda (duh.)! nagustuhan ko lahat pero favorite ko yung underwater tunnel! naalala ko tuloy ang bora memories. o boracay. eyniwey, yun nga! ang kyut nung mga chocolate chip starfish tsaka yung porcupine fish! parang laging nakasmile! pati yung mga sting ray! homaygad, i'm so happy! sabi nga ni papa "ano ba yan, parang ikaw yung may birthday!" haha! lalo tuloy akong naexcite na magberday. tagaytay, here i come!Ü

Wednesday, March 12, 2008

nagsimula sa random thought pero ngayon, sigurado na ko. i'm going lomo! wahoo!

so ano ba itong lomo na to? ang lomo ay short for lomography na isang type ng photography na walang rules. oo, as in wala. point and shoot lang kaya feeling ko, feeling lang naman, kakayanin ko siya. pero bago ang lahat, kelangan ko ng lomo camera. maraming choices pero namimili ako between supersampler at holga 120n. yung supersampler, 4 lens siya so isang click, apat na pictures. ang saya diba?! yung holga naman, medyo pang next level na ata siya pero maganda rin yung effects. ang masaya dito, film yung gamit so balik old school tayo. tapos dahil walang screen yung mga cams tulad ng digicam, at yung iba, ni viewfinder wala, surprise talaga kung ano yung lalabas. pwede ring gumamit ng expired film for added effects. masaya to lalo na sa mga tagtuyot ang wallet tulad ko. haha! mura lang naman yung lomo cams kumpara dun sa pang professional na talaga. 4 thou ata yung pinakamura pero sa ebay may less than 2 thou lang. bakit ko sinasabi? kasi may magbibirthday na. ehem ehem.

sana by weekend makabili na ko, para pag bakasyon. yey! naeexcite na ko. okay, inaantok na ko. balik research na.Ü

Sunday, March 09, 2008

bata palang ako, pangarap ko nang..magka-almanac. oo, ang babaw pero isa talaga yun sa mga pinangarap ko. at ngayon, wahoo, meron na ko! kid's almanac nga lang pero ganun na din yun diba?

so ayun nga, dahil nirerenovate ang national sa ali mall, nagsale sila ng mga libro. kung inaakala niyong dun ako nakabili, mali kayo. wala lang, shinishare ko lang na sale nga sa national dun. eyniwey, sa sm centerpoint ako nakabili at jeren, P99 na lang siya! siguro dahil 2006 pa yun, pero kahit na! ang saya saya ko ngayon kasi 99 lang siya pero ang daming information na makukuha! okay, ang nerd. ang saya talaga! isa sa mga pangarap ko ang natupad ngayon! yey!

dahil magbabakasyon na, kahit pa wala ako nun this year dahil magsusummer ako, time to buy books! yey! may nabasa akong review ng twilight at mukhang interesting ang kwento. magreresearch pa ko dun.

nga pala, may salamin na ko. astigmatism. wala, hanggang sa sakit, astig pa rin e. what can i do, scooby doo? ngekngok. haha! may bago na naman akong flats! silver naman. bale, may bronze, gold at silver na ko. yey! oh happy days!Ü

Wednesday, March 05, 2008

wala na kong pera pero masaya ako. mas importante naman maging masaya kesa magkaron ng pera diba? yeah right. haha!

ang dami dami kasing masarap bilhin e. pansin niyo,dalawang post ko na ang may kinalaman sa mga bagay na masarap bilhin? masama na ito. eyniwey. ayun nga,nung monday nag-"mini shopping" kami. mini kasi hindi naman talaga siya tulad ng shopping na iniisip mo. ako,bumili lang ako ng sequined flats at tshirt, si wempot naman bumili ng shirt na kunwari ayaw niya, pero binili din naman. pakipot pa. meron kaming ittry na pag-ipunan na shirt sa david and goliath. hmmm..

sa iba pang mga bagay, medyo may problema kami na kasalukuyan ay tinatry pa naming ayusin. tama si wempot,boys are stupid. haha! hwoops,sexist remark. e kasi naman e, damay damay na lahat. bahala na, maaayos din to,diba diba?

belated haberday pala kay megan tabachoy! kitakits hopefully sa sunday. mag-aambenchur tayo. yehey!Ü