sa tinagal tagal ko nang naggigitara, ngayon ko lang naaappreciate na nakakatugtog na pala talaga ko. haha!
grade three pa lang, may gitara na ko, at bakit kako? kasi sa sobrang kaadikan ko sa , homaygad, the moffatts (!), nagfeeling ako na kaya kong maggitara. after 4 years, nakakatugtog na ko ng 2 chords. oo na, slow learner. siguro mga third year na ko nagseryoso na gusto ko na talaga matuto. tapos guitar lessons pa na after 9 sessions, ayaw ko nang pasukan. haha! pero ngayon, ang dami ko nang natutugtog! puro nga lang mga kanta ng mga artists na gusto, pero at least! ngayon naman, eheads galore. ang saya kasi puro basic chords lang mga kanta nila, madaling kapain. gusto ko na tuloy ng electric guitar at bass! asa pa angge. haha! tapos parang ang sarap na rin magpiano. nakakatugtog naman ako, pero di ako nakakbasa ng nota, puro kapa lang. oh well.
ay may exam pala ko bukas. :P
No comments:
Post a Comment