Wednesday, July 30, 2008

sa tinagal tagal ko nang naggigitara, ngayon ko lang naaappreciate na nakakatugtog na pala talaga ko. haha!

grade three pa lang, may gitara na ko, at bakit kako? kasi sa sobrang kaadikan ko sa , homaygad, the moffatts (!), nagfeeling ako na kaya kong maggitara. after 4 years, nakakatugtog na ko ng 2 chords. oo na, slow learner. siguro mga third year na ko nagseryoso na gusto ko na talaga matuto. tapos guitar lessons pa na after 9 sessions, ayaw ko nang pasukan. haha! pero ngayon, ang dami ko nang natutugtog! puro nga lang mga kanta ng mga artists na gusto, pero at least! ngayon naman, eheads galore. ang saya kasi puro basic chords lang mga kanta nila, madaling kapain. gusto ko na tuloy ng electric guitar at bass! asa pa angge. haha! tapos parang ang sarap na rin magpiano. nakakatugtog naman ako, pero di ako nakakbasa ng nota, puro kapa lang. oh well.

ay may exam pala ko bukas. :P

Tuesday, July 29, 2008

apparently, allergic pala ako sa black forest cake or sa alak na nasa cake na yun. sana sa cake na lang, wag na dun sa alak. haha! hwoops.

aktwali, di ko alam kung yung cake nga yun. dahil sabi nga ng nanay ko "napakatakaw mo kasi, hindi tuloy natin alam kung anong kinain mong nagcause nyan." e sorry na. e pero tough kid naman ako e, bihirang magkasakit. yung sipon, all year round naman na yun. naalala ko tuloy, dahil sa kaadikan ko sa tapsilog nung hs, isang linggo atang puro taspilog lang kinain ko. ayun, rashes galore din. haha!

hoy katrice! ang cream puff ko ah! pipilitin kong paabutin ng hanggang thurs yung baked mac dito. tandaan, no cream puff, no baked mac!

ay isa na lang pala. weeee. :D

Friday, July 25, 2008

i'm giddy as can be. okay, tagalog na ulet. haha! kung nakikita mo lang ako ngayon, palaging nakangiti at sa rainbow land nakatira. weeee.

nauuntog sa mga salamin sa rob, umaakyat sa escalator na pababa pala. i am not myself today, pero on second thought, may pagka shangaps naman talaga ako. haha! operative word: pagka. haha! happy happy. kinikilig ako!!!! :D

Sunday, July 20, 2008

pag ikaw ay malungkot, ukay lang ang katapat niyan. aktwali, di naman ako malungkot. lungkot lungkotan lang. akala mo iiyakan kita, asa pa you!

ayun na nga. dahil nasa ospital si jhe the loser, napadpad kami sa anonas, also known as the third ukay heaven. at homaygad! heaven nga talaga! nakabili ako ng 2 flats at isang bag, lahat sa halagang P250! yehey!

hulaan kung sinong tanga ang nagststruggle sa online enlistment. e kasi naman, poreber late reg ako. gusto ko kasi, ehem ehem, pinaghihirapan ang mga bagay bagay! haha! okay, di na siya blind item. eyniwey.

and then there were three. wahoo! ang ganda na ng kwarto ko! purple na malandi! i'm so happy! :D

Sunday, July 13, 2008

isang reply sa you know you’re from UP Manila Thread sa peyups.com:

Kapag ang crush mo ay nakikita mo ng higit sa sampung beses sa isang araw dahil kokonti lang nman ang options niya para magpasikut-sikot sa campus. Except nalang kung pinagtaguan ka niya sa PGH.

hahahahahahaha! TAMA! sa sobrang ka-excitean ko, nakalimutan kong i-credit yung sumagot nito. kawawa ka naman, wala kang magawa unless nga na sa PGH o sa rob ka magtago, magkikita pa rin tayo. pagbigyan na, 1 sem and 3+ months to go na lang naman e. pero gumagaling ka na nga sa pagtatago ah, mga 3 weeks din tayong di nagkita. magaling, magaling! pero sorry din kung minsan napapraning ka na dahil palagi na lang talaga, pero pramis, di talaga sinasadya yun. sorry na ha?

hulaan kung sino ang nadulas kahapon at muntik nang maubusan nang dugo (oa) dahil sa sugat sa paa at hulaan din kung sinong naipit sa pinto kahapon at di lang basta ipit ah, IPIT. naalala ko tuloy yung patay kong kuko nung highschool. naipit din ako sa pinto nun at ilang milyong beses ko ding inexplain sa mga sgb officers na hindi yun nail polish. haha! mehn, nagiging accident prone na ko. siguro mula nung nagpasukan, nakaka tatlong dulas na ko. curse you o dear flats! wala,nagmamaganda e, ayan tuloy. :p

Sunday, July 06, 2008

apat na essays na homework, 20 sets ng reading para sa technical writing, 1 ream (and counting) ng readings PER subject at almost weekly defense. eto ang buhay orcom ko. not complaining, merely relating. ehem ehem.

so ayun na nga, sangkatutak na reading pa ang kelangan kong basahin. pero masaya naman ako dahil mas gusto ko to kesa math o chem. nakakatanga lang talaga minsan pero overall, ayos naman. at dahil kelangan magchill pagkatapos ng week-long preparation para sa defense, bumili ako ng flats at slacks! actually, hindi by choice yung slacks, pero dahil kelangan, jeren! at ang bago kong flats! electric blue na parang satin ang tela at magkano? P400 beybe! oo na, alam ko, madami na kong flats, e pero pangagailangan ang sapatos e. wateber. haha!

ang saya ko! haha! malapit na talaga, tatlo na! aktwali, malapit nang maging dalawa na lang. hala ka. oh well.

wempot! oo para sayo to, dahil lam mo namang food buddies tayo. tikman mo yung lipton milk tea na vanilla flavor! saraaap! :D