Thursday, July 14, 2011

Day 2- Your crush, here we go!


Dear Ivan,

Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron pa ring nangstastalk sayo! Salamat naman dahil di na naka private Twitter mo dahil ayoko namang gumawa pa ng bogus account para lang sayo. Ano ako, stalker mo?

Anyway, hindi ata kaya ng isang letter lang ang mga gusto kong sabihin sayo. Una sa lahat, dahil 4 na taon din kitang ninamnam sa malayuan, at pangalawa, dahil nakakatamad. Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong maging mas sa kahit saang aspeto, kasi feeling ko, hindi bagay sayo ung basta basta lang, kasi ang bagay sayo, ako! Haha! May fans club na nga tayo e! Pero parang mabibigo ata sila dahil hindi magkakatuluyan sa huli ang mga "idol" nila. Naiiyak ka na ba? Kasi ako, oo.

Masaya ako dahil kung Twitter ang pagbabasehan, najujuggle mo naman nang maayos ang pagiging mabuting anak, responsible na kuya, at ang pagiging GC ever mo. Alam kong mahirap ang med school, pero wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita kahit di ka maging doktor. Pramis, okay lang sa kin. Pero dahil pangarap mo talagang maging doktor, suportahan taka. Tulad na lang ng pagtili ko nung makita ko ang pangalan mo sa NMAT results. Mas naging masaya ako dahil effortless na ang stalking sayo. Feel na feel ko kasi ang mga tweets mo. Haha! Feeling ko nakilala ko ung Ivan na hindi ko crush, nakilala ko ung Ivan bilang isang normal na tao. Lalo ko tuloy narealize na napakaganda talaga ng taste ko dahil ikaw ang nagustuhan ko, Irog Burog! Haha!

Gusto ko ring magsorry sa mga what-the-fuck moments na binigay ko sayo. Sa pagkahuli mo sa king nakasilip sa kotse mo, sa pagkakarinig mo ng mga pangalan mo sa mga random na tao, sa paglilibrary ko para makita ka, sa biglaang pagiging shy type ko pag andyan ka, at sa pagrerestrict sa mga galaw mo. Pero malamang sa malamang, di mo naman napansin yang mga moments na yan. Sure din ako na wala lang yan sayo, pero gusto ko pa ring magsorry.

Salamat sa pagsisilbing motivation sa akin at sa mga tooot na karibal ko sayo. Sana matagpuan mo na rin ang takip mo, dahil alam kong sawiin ka rin by nature. Haha! Gusto ko ring magpasalamat kila Mama at Papa Bur (the original) dahil pinalaki ka nila nang maayos. Alam kong proud na proud sila sayo dahil kahit malayo sila, naging mabuti kang bata. Alam ko ring nagpapasalamat ang mga kapatid mo na ikaw ang kuya nila.

Kinaya ko ang UP dahil sayo kaya kayanin mo rin ang UP Med para sakin. Give and take ba. Wag mong biguin ang mga taong nagchecheer sayo para makaya mo yan. At bilang pabida ako, ako ang cheerleader, with matching pompoms pa! Di ko na sasabihin ang alam-mo-na, dahil alam mo na yan, itinatanggi mo lang. At with pride sasabihin kong wala na sigurong makakahigit pa sa dedication at stalking skills na iginugol ko sayo. Not complaining, merely relating. :P

Salamat Ivan! Alam mo na. Haha! :)

PS: Sure ka bang di ako ang takip mo? Hihihi brrr.

Your biggest fan,

Lady Gaga, I mean, Angge

Sunday, July 10, 2011

Eto na ang patunay na seryoso na talaga ko sa pagbabalik ko, 2 posts in one hour! Dahil na-stalk ko na din ang blogs ni Loser at Nye nye, excited na kong gawin ang 30-day Letter Challenge! At eto na ang day one ko.

Day 1- Your Best Friend

Dear Loser,

Suplays! Kahit pa parang obvious na naman na ikaw ang ilalagay ko dito, sana na-surprise ka pa din. Actually, marami naman akong pwedeng ilagay dito dahil friendly naman ako, pero dahil ikaw ung consistently nandyan in the past 9 years (!), sige, you already! Haha!

Una tayong nagkita nung first year highschool tayo sa Tipol. Shy type ka pa nun, ngunit ngaun, hey! Kinanta mo no? Haha! Tahimik ka lang tipong masarap ihulog sa hagdan (na nangyari talaga sayo, we'll get to that) tapos hindi naman talaga tayo ung close sa grupo. Pero dahil nasense ata ni Lord na kelangan mo talagang ilabas ang tunay na walanghiyang sarili mo, binigay nya ko sayo para i-assist ka sa bagay na un. At di nagtagal, lumabas nga! With matching orange na laway pa! Haha! Pero seryoso na, hindi ko maimagine ang buhay ko na di kita best friend. Parang ang boring. Wala akong matetext pag may random kalokohan akong naiisip at pag may mga random kalungkutang dumadalaw sa kin. Ikaw kasi talaga ang una kong naiisip pag may mga ganito dahil alam ko magegets mo ko at walang judgement. At dahil dyan, naging si Angge ako na kilala nila ngaun, aktibo sa social networking sites. Haha! Pero seryoso, kung walang loser na kasama ko mula nung first year pa tayo, wala ring Angge ngaun. Alam kong naiiyak ka na, pero dadagdagan ko pa yan. Haha!

Gusto ko ring mag sorry kung may mga times na naneglect kita o di nabigyang pansin, bilang papansin ka kasi. Haha! Gusto ko ring malaman mo na kahit anong mangyari, as in kahit ano, andito lang ako at ang family ko na handang umalalay sa lahat ng aspeto (pwera financially, haha!) Sana tumagal pa ang kung ano mang meron tayo ngaun dahil naeexcite na ko sa future nating dalawa (ps, no tibuan)! Naeexcite na ko sa mga kagaguhang pagtatawanan natin at mga kalokohang gagawin natin! Alam ko namang di ka mawawala (except pag nadapa ka bigla) sa tabi ko e, dahil tayo lang ang nakakaintindi sa isa't isa, at sana ganito tayo forever!

I love you, Loser! Damhin mo na to dahil di ko na to ulet sasabihin in public. Haha! :D

PS Haba na ng listahan natin, teh! 9 years and counting na. Nasan na ba mga takip natin? :P
Dahil na inggit naman ako sa mga kaibigan ko na active ever pa rin sa blog at Formspring, jeren! At isa pa, pinramis ko din kasi na aayusin ko na talaga, kahit pa 5 months delayed ata tong post na to. Haha! Anyway, hello hello, hey ho, let's go!

Gusto ko lang ipagmayabang na finally, natagpuan ko na ang the one ko! Unfortunately, hindi sya tao, sya ay isang kumpanya. May trabaho na me! Nagbalik ako sa Soupstar dahil doon, hindi isang malaking TOR ang tingin nila sayo at hindi ka nila huhusgahan based sa naging buhay mo nung college ka (oo, L*******i, ikaw to!). Masaya ako dahil parang walang nagbago nung nag start ako. Syempre, mas mabigat na ung responsibilities pero all in all, swak at masaya pa din. At isa pa, mas stalkable na si Mongers ngaun. Nyar.

Medyo weird din ako lately dahil bukod sa pagbabalik Soupstar ko, parang may isa pang bumalik (no thanks to you, Google). So ang supposedly send-off post ko para sa kanya ay magiging continuation lang pala. Kumbaga sa teleserye, nasa book 2 na us. Nakakaiyak. At tulad nang dati, pinaiyak mo na naman ako. Dahil na rin siguro sa frustrations sa mga bagay bagay na nangyari sana pero hindi, kaya back to square one na naman. Wag kang mag-alala, online-based na lang ang ako at ikaw dahil di naman na tayo magkikita ulet (awww). Or malay mo, gawan ko yan ng paraan. Haha!

That's it, pansit. Hello, anggeholic. Namiss ko you.