Wednesday, December 17, 2008

para maiba naman, magblind item tayo! patol? patol! sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. sinong lumaklak ng 10+ baso ng cherry vodka na parang juice lang ang iniinom?
2. sinong sumusuray suray na sa kawasakan kagabi?
3. sinong ang di na makatayo sa kawasakan?
4. sino ang nagsabing "ay, ang galing naman ng carbonara niyo, may hotdog."?
5. sino ang gustong magdive sa pool kahit nakadamit?

kung ang sagot niyo sa lahat ay si angge, you garret beybe! haha! homaygad! ngayon lang talaga ko nalasing na as in lasing. tipong kelangan ko na ng tulong para makatayo ng maayos, lalo na ng makalakad ng diretso. haha! to think na uuwi pa ko ah. bravo angge, bravo!

salamat sa mga mahal kong blockmates at di niyo ko iniwan o di kaya naman tinulak sa pool. haha! labyu ebribadi! kaya naman binabalik balikan ko pa rin ng pharm e. ay sus. :D

No comments:

Post a Comment