Wednesday, December 29, 2010

Kung katulad ka ni Ryo (ayikee, special mention.) na nagulat dahil biglang naiba ang layout ko, hindi un dahil gusto ko talaga siyang palitan, nadelete ko kasi ung template ko. Malay ko bang di na pala nareretrieve ang mga template sa Blogger ngaun. Haha! Eyniwey, pwede na to, tsaka na ang malalanding layout pag sinipag na ko.

Actually, balak ko na sanang iwan tong blog na to dahil gusto ko nang i-reveal ang tunay na sosyal at inglisyerang pagkatao ko (bleh yaks), pero dahil ayoko nang magcheck pa ng grammar at mga punctuation marks, jeren! Isa pa, may mga Tagalog words kaya na walang English counterparts. Haha! Naisip ko lang kasi na baka pumurol na ang writing skills, at basically, lahat ng skills na kailangan ng utak. Medyo matagal na rin kasi akong, you know, bakasyonista. Haha! Napaparanoid na ko kaya sinisimulan ko na ang pagtatayo ng mini library sa kwarto, nag cCSI marathon na ko para sa analysis skills, tumitingin ng mga mabibili sa international sites para magcoconvert convert pa ko para naman may matira pa sa Math skills ko.

Dahil nakakasawa din naman gumawa ng wala at mag Internet forever, nanonood din ako ng TV. Kainis, buhay baboy lang talaga mga aktibidades ko e. Haha! Eyniwey, adik na adik ako ngaun sa mga paranormal shows, at kung kilala mo ko talaga, alam mong nagpapanggap na matapang lang ako. Ang favorite ko ngaun ay ung Destination Truth. Nung una, by circumstance na napapanood ko to kasi saktong sa oras ng paggising ko siya pinapapalabas. Masaya ung show kasi bukod sa mga katatakutan, puro kalokohan at katatawanan din siya. Para ka na ring nanood ng travel show kasi nagwoworld tour sila para maghanap ng multo multo, monster monster, wateber. Di ako masyadong natatakot (operative word: masyadong) kasi mga EVP at orbs at mists wateber lang naman nakikita nila. Pero naduwag talaga ko sa Island of the Dolls, Haunted Forest, tsaka sa Haboro episode. Tipong pinapause pause ko muna para mag Google kunwari. Haha! Ang belated Christmas wish ko lang, sana ipalabas pa ung season 4 dahil ninja ang AXN Beyond. Huhu.

Shet, bored ako ah, ang haba ng post na to. Haha! Pramis, aayusin ko na talaga! Maglilista na ko ng future blog topics! Haha!