Ngaung taong to, masaya naman ako dahil napapanood ko naman halos lahat ng mga movies na inaabangan ko. Halos dahil di ko napanood ang "Shutter Island," "Eat, pray, love" at "The Lovely Bones, huhu. Eyniwey, isa pa sa mga nakakapagpasaya sa kin ngaun ay ang pagsisine ng mag isa. By choice at by circumstance to dahil una, mas nakakafocus ako sa mga sineng pinapanood ko at pangalawa, dahil forever alone ako. Haha! Lalo na't mga trabahador na karkada ko, wala na kong mayaya. Aww (weh.). Medyo fail ung first time ko dahil naihi ako 30 mins before the ending. Kung tutuusin, okay lang naman e, pero dahil "Inception" ung pinapanood ko nun, hindi naging okay leche. Winikipedia ko na lang tuloy ang ending. Haha! Ung second time naman ay Wall Street na medyo mabagal ang pacing pero may homaygad moments naman. At ang third time ay kanina, "The Social Network!" Ahhh.
Ang "The Social Network" ay tungkol sa founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg at ang mga kalokohan at katalinuhan nya sa ehem, Harvard. Ang saya dahil maganda ung pagkakasulat ng script, swak ung mga hirit, ung mga actors, ung setting. Bow ako sa writer at directors dahil napaka witty ng mga lines at believable ung attack sa mga scenes. Huwow talaga! Nakaka inspire din sya kasi ang babata ng mga characters, mga college student lang pero huwow na mag-isip! Convincing din ung actor na gumanap kay Mark (close kayo, teh?), parang Michael Cera na Shia Labeouf ung dating. At si Justin Timberlake! Bagay na bagay na matalinong gago! Haha! Pogi din si Eduardo Savern, pero nakakaawa ung nangyari sa kanya. Spoiler alert. Basta, kung gusto nyo ng intellectual na movie, panoorin nyo to! A+!
May mga nakaline-up na movies na din akong gustong panoorin, kaya naman please Lord, trabaho po! Haha! Eto ung so far, parang masaya panoorin:
1. "Easy A"
- two words: Emma Stone! Naging peyborit ko sya dahil sa "The House Bunny" at "The Rocker." Medyo chick flick-ish ata sya, pero ayos lang, mukha namang nakakatawa ang trailer.
2. "The Roommate"
- film debut ata to ni GG Blair as the Leighton Meester, dahil may "Fastfood Nation" na ata sya dati. Suspense thriller na tungkol sa, well, roommate. The.
3. "The Black Swan"
- Natalie Portman! Tungkol sa dark secret ng theater and ballet. Ballet na pinangarap kong gawin dati. Moving on. Haha!
4. "How Did You Know?"
- not to be confused with "How Did You Know?" ni Gary V., romcom starring Reese Witherspoon and Paul Rudd.
May semi problema nga ako dahil mukhang maganda din ung "You Again" ni Kristen Bell na ipapalabas bukas. Huhu. Sana umulan ng pera shet. Oo na, feeling movie buff naman ako ngaun. Kinilig ka ba dahil may bagong entry na naman me? You talaga. Haha!