dahil mas marami na kong panahon para mag blog (ehem, ehem) at dahil di na kaya ng mga unan ko ang mga luha ko (weh), jeren! ready, set, go! una sa lahat, employed na ko! itago na lang natin sya sa pangalang, am, free my cat. haha! okay naman, events sya so expected na na medyo matagal tagal akong mahihiwalay sa kama ko, na may mga gabi na di ako uuwi, na mapapaninjang out of town ako. okay, di ko talaga inexpect un. haha! eyniwey. pangalawa, unemployed na ko. huhu. parang isang linggong pag-ibig lang, pero umabot naman ako ng isang buwan. kung bakit ako umalis? kulitin mo muna ako, o kaya iPM mo ko sa YM or sa fezbuk. pangatlo, pero dapat pag una talaga, grumaduate na ko! yehey! at ehem, UP graduate pa! napaka ironic na nung highschool, UP grad tawag nila sa kin dahil alam nilang di ako makakapasa ng UPCAT. well, well, well. haha! nalagpasan ko ang pila eber na enrollment, mga walang kamatayang 'extra challenges,' ang mga balinguynguy inducing exams. yehey ulet! isa isahin na natin ang mga pagbabago sa buhay ko.
employed na ko! ay di na pala!
- pagkatapos ng 4 months kong pamamahinga, nagtagpo din kami ng mga napakailap na trabaho. medyo peer at family pressure pa nga nangyari dahil na stress ako na may trabaho na lahat, kaya na stress na din pamilya ko. haha! pero dahil mahal ako ni Lord, nagkatrabaho din ako! masaya dahil magkakasama kami nila nye nye at ryo. bagong mundo, bagong mga tao, pero enjoy naman. un ang akala ko. haha! tulad nga ng sinabi ko noon, eto na yata ung pinakamaraming beses na umiyak ako sa loob ng isang buwan. as in! tipong naiiyak ako sa office, nagdrdrama sa bus (bleh yaks), ngumangawa sa mga tao sa bahay. kakaiba. tipong pag natatanggap ko sweldo ko, lalo akong naiiyak. haha! alam naman nating lahat na matapang na bata ako, matapang pero iyakin kaya naman goodbye free my cat! sana wag na tayong magkita soon! haha!
graduate na ko! UP grad pa!
- di naman sa nagyayabang, pero kung sinusubaybayan nyo mga posts ko mula nung highschool, alam nyo namang acads + angge don't mix eber eber. kaya naman super laking achievement na UP grad na talaga ko! pero unemployed naman. huhu. eyniwey. hindi ko talaga inisip na aabot ako ng grad. last day of school na ko nag defense, tipong isang araw bago ako magberday, tumithesis pa ko. pero wala, nagtagumpay ang the secret! yehey!
sawi (na naman, as always, poreber and eber) na naman ako
- di ko sinama to sa changes sa buhay ko dahil, well, what's new? haha! naimagine ko na kung anong outcome e. haha! naiyak iyak pa ko dahil akala ko match tayo, na matotolerate mo ang weirdness ko, but, no. magkasama nga tayo, di mo naman ako kinakausap, ang sungit mo pa, menopausal ka ba? eyniwey, salamat kay nye nye, naliwanagan na ko. okay na na di tayo meant to be, meant to be naman kayo e. enjoy! haha!
ang haba na, umabot ka pa dito? haha! pramis! as in mamatay man si, am, coco martin! mag bblog na talaga ko ulet, malakas ka sa kin e. haha!