Sunday, July 06, 2008

apat na essays na homework, 20 sets ng reading para sa technical writing, 1 ream (and counting) ng readings PER subject at almost weekly defense. eto ang buhay orcom ko. not complaining, merely relating. ehem ehem.

so ayun na nga, sangkatutak na reading pa ang kelangan kong basahin. pero masaya naman ako dahil mas gusto ko to kesa math o chem. nakakatanga lang talaga minsan pero overall, ayos naman. at dahil kelangan magchill pagkatapos ng week-long preparation para sa defense, bumili ako ng flats at slacks! actually, hindi by choice yung slacks, pero dahil kelangan, jeren! at ang bago kong flats! electric blue na parang satin ang tela at magkano? P400 beybe! oo na, alam ko, madami na kong flats, e pero pangagailangan ang sapatos e. wateber. haha!

ang saya ko! haha! malapit na talaga, tatlo na! aktwali, malapit nang maging dalawa na lang. hala ka. oh well.

wempot! oo para sayo to, dahil lam mo namang food buddies tayo. tikman mo yung lipton milk tea na vanilla flavor! saraaap! :D

Sunday, June 29, 2008

mahal ko ang pa 126! haha! sipsip, sipsip! pero totoo, ang saya. advertising subject/ chismis session. ang saya pa ng prof!

so last thurs, pinagawa kami ng company profile para sa aming ad agency. mock lang pero nag-enjoy ako sa paggawa! tipong ipagyayabang mo yung agency niyong di naman nag-eexist. haha! kahit dinugo ako, ang saya pa rin! oo na angge, masaya ka na. woohoo. haha! ang saya din ngayon kasi pumunta dito sila megan tabachoy. nagschschool na siya! nagpakitang gilas siya at kumanta ng lupang hinirang, na syempre, megan version. hangkyut!

on to sad news, nakakamiss din pala. pag kasi nasanay ka na palaging nandyan, ang tendency, babalewalain mo. natuto na ko,balik na tayo sa dati.

Friday, June 27, 2008

angge has been/ is always a bad student. why o why? kasi nag-absent siya sa kaisa isa niyang klase ngayon (sorry, maam) para manood ng kung fu panda. happiness over paintings, no contest. haha!

ayun na nga, dahil nakakatamad naman ever ang isang subject, bumigay ako sa temptasyon. oh well, para namang ngayon ko lang ginawa to. haha! isa pang bagay kung bakit masama akong estyudent, di ko pa tapos ang 142 readings ko! huhu. more patience at kasipagan pa Lord. mehn, mukhang magiging friends forever na kami ng salamin ko.

7 11 is love. oh yeah. watermelon slurpee (slarpi), tapsilog at pizza sandwich. o langit! haha! napapadalas ang pagdalaw ko sa 7 11 dito sa min. sa sobrang dalas, kilala na ko ng mga cashier. haha! wala, charms e. at sa mga nakakita sa kin kanina, di ako chorale. pinipilit ako pero pinag-iisipan ko pa. ;p

Monday, June 23, 2008

para happy happy na ulet, jeren! music shuffle survey!

What is your nickname?
with a smile- the eraserheads

What is your theme song?
what can I do- the corrs

Your teachers?
you wear me- cambio

Your significant other [or crush...]?
kalendaryo- sandwich

How would you describe yourself?
shopaholica- cambio

What do you want to do right now?

dare you to move- switchfoot

What would you like to say to that special someone?
addicted- simple plan

What's your opinion on society today?
wrong impression- natalie imbruglia

How do you let out your anger?
will you ever learn- typecast

What was your first love like?
kissing song - dawn landes

What lesson did you learn yesterday?
apologize -onerepublic
(it is indeed too late. ehem ehem. haha!)

I wish...
the end of something – urbandub

I am...
my interpretation- mika

How is your love life going for you right now?
hinahanap hanap kita- rivermaya
(hanggang sa music shuffle, stalker pa rin!)

What do your parents really think of you?
walang kadala kadala- sandwich


What do the girls at your school think of your looks?
she moves in her own way- the kooks
(Well uh oh, oh I love her because she moves in her own way..)

What do you really want in life?
gimme a chance - the plain white t's

What are you going to do this weekend?
move along- the all american rejects
(eto talaga ang gagawin ko)

How can you try and make yourself happy?
text in the city- sandwich

What's some advice you'd never take?
bottle it up- sara bareilles

What's your general outlook on life?
sunshine through my window- gabrielle

What are your last words going to be?
endless, a silent whisper- urbandub

hanapin ang lyrics, see for yourself kung totoo nga! haha!


college na pero madrama pa rin. mehn,at lahat ng to para sa isang taong wala man lang idea sa mga pangyayari. kung tutuusin, wala ka namang kasalanan dito pero lahat kami ginulo nito.

may sulat. letter of apology daw pero bakit wala naman akong nakitang bahid ng pagsosorry dun? bakit parang ang lumalabas kami yung may kasalanan? o sige, gusto mo siya, pinabayaan na nga namin diba? di mo naman kasi kasalanan yun. bakit dun sa sulat kami ang lumalabas na kaaway? wag makinig sa sinasabi ng iba, sino bang nakinig sa iba? binase lang namin yung reaction namin sa mga pinapakita mo. may sarili kaming mata, di namin kelangan magrely sa iba para makita yun. tingin mo ba dahil lang sa kanya yung problema? ayoko sanang idiscuss to dito pero ang gulo gulo na kasi. di ka naman namin iniwan e, ikaw umalis. wag mo kaming sisihin kung ganito yung nangyari, tulad ng di namin pagsisi sayo sa mga pangyayari.

Saturday, June 21, 2008

happy 100th year of, ehem, excellence sa UP! di lang kami basta nag-eexist, we excel! okay, tama na ang kasipsipan.

dahil dito, wala akong defense ngayon! yehey! sabi na nga ba't wala e, kasi naman 10 pm na kagabi di pa ko nagbabasa ng readings. sabi na e. eyniwey. angge has the best friends eber eber! maraming salamat kay tiffany sa pagsama sa kin kahapon. haha! ayan ah, bayad na ko sa post mo para sa kin. haha! at dun sa mama na napalo ko sa jeep kahapon, nawa'y mapatawad mo ko. natanga lang talaga ko. sorry na ha?

2nd week pa lang, medyo toxic na. oo,natotoxican ako kahit pa araw araw ako nasa timezone. at speaking of timezone, may nilaro kaming compatibility game ni ali dahil, wala lang masaya e. at ang sabi "show your feelings." kalokohan. wala yang mararating. haha! o yun lang. :D

Sunday, June 15, 2008

congrats to me dahil marunong na kong mag net gamit ang laptop! yehey! haha! dala na rin ng kkk (katangahan, katamaran at kakapusan ng funds), soobrang tagal ko nang walang post. wag mag-alala, nilista ko naman yung mga pangyayari sa buhay ko e. so eto na sila.

1. enrollment blues

parte naman na ata ng pagiging iska ko ang pahirapang enrollment kaya hindi na bago to. pero dahil bagong sistema na naman, mas mahirap ngayon. at sa di malamang kadahilanan, may hinanakit ata ang ocs sa kin. pano tuwing pupunta ako dun, nasisigawan ako. nagtootoothbrush naman ako bago sila kausapin. oh well.

2. bagong lumang crush

dahil it's getting old my friend, time to move on, let go. kaya naman, may bago na kong crush!so from now on, pwede ka nang magdiwang, malapit lapit na.

3. "kung magfifirst communion siya, sana ako ang ostya."

am,kelangan ko ba talagang i-explain to? haha!

4. fun friday the 13th

sabi nila, malas daw friday the 13th pero para sa kin, it's a lot of fan! daming pagkain! kinabag na naman ako. haha!

5. masayang subjects

oh yeah! super enjoy ang sem na to dahil may graphic arts, advertising, sculpting at psychology ako! secret goal, here i come!

6. food discoveries

lam niyo naman na pagkain ang greatest joy in life ko. haha! pg na kung pg, andyan na ang pepsi deluxe na strawberries and cream, pizza in a cone, my beloved stuffins. sarap!

7. haikus

dahil na-inspire ako sa haiku writing night ng brewrats, jeren! tatlo lang to sa mga nagawa ko. ang yabang. haha!

multicolored skies
appeared right before my eyes
rainbows come to mind

amidst clear blue skies
thunder and lightning awaits
hand me the holga

lomo-loving kids
going around the metro
cameras clicking

yehey!

so ayan na ang almost 2 weeks na utang ko sa inyo. happy happy. :D

Monday, June 02, 2008

oo na, loser, walang pc, walang wifi, nasa netopia. haha! kasi naman ayaw pa rin makisama ni ponkyuter. eyniwey.

waah! orcom na ko, pasa na ko sa math, tayo na! hwoops, di pala kasama yung pangatlo. kala ko makakalusot e. ayun na nga! mahal ako ni Lord! happy happy. dahil nga bakasyon na talaga ko, tapos mga 8 days from now, pasukan na ulet, sinimulan ko na ang list ko. nakapanood na ko ng gossip girl! yey! salamat kay jen para sa dvd copy! ang daming magandang kanta, bagay kami ni dan humphrey, everybody happy! so so far, hindi pa ko nakakalomo, nakakabake, nakakabili ng mga libro at cds at nakakapagbeach. speaking of libro, tignan kung sinong dumaan sa blog ko!

Her blog is just so damn cute and sweet I want to cuddle it and eat it at the same time. Makes me want to treat her to cake and tapioca and pineapple pie while we discus plans on killing the monsters under her bed with a wooden ruler. - alan navarra, author ng girl trouble

HOLY CRAP. waah! para sa members of the illite (illiterate) society, si alan navarra ang author ng girl trouble na binasa ko some months ago! waah! ang saya ko! :D

Friday, May 23, 2008

dahil nabanggit na rin ni friend ang tungkol sa maraming masarap bilhin, iisa isahin ko na yung akin. haha! so eto na sila in no particular order.

1. books
- constant naman ata to sa listahan ng mga gastusin ko pero eto ang mga pangarap ko ngayon:
a. after dark by haruki murakami
b. my point...and i do have one by ellen degeneres
c. shopping when drunk by am, nakalimutan ko yung author. haha!
d. twilight by stephanie meyer
e. snapshots by paul buchanan
f. th13teen reasons why by jay asher
g. pretty little devils by nancy holder
whew! ang dami! kaya masamang napapadaan ako sa mga bookstore e.

2. cds
- kelangan ko na ng bagong mapapakinggan bukod kay mong my labs. haha!
a. dreaming out loud- onerepublic
b. shockvalue- timbaland
c. yung latest ni jason mraz
d. little voice- sara bareilles
e. todo combo- moonstar 88
f. shinji ilabas mo na ang helicopter- pedicab
g. endings of a new kind- taken by cars
h. ep ng the the dorques at duster

so far yan palang. kelangan ko rin ng pampadevelop ng second roll ko, pang- EK at overflowing supply ng film at load. pati na rin everlasting supply ng sunshine at sunny days para makapag lomo na ko. ang corny kasi mag lomo pag maulan lalo't walang flash si happy thoughts. friends, prayers pa rin! samahan niyo na rin kaya ng donations? :p

Wednesday, May 21, 2008

sa di malamang kadahilanan, i'm extra giddy today. giddy. haha! things are looking up beybe.

dahil semi-bakasyon na ko, semi dahil may math pa, magbebeach na kami! thank You Lord! magagamit ko na ang elite chrome ko! yey! makakapa EK na rin kami next week! ang saya!

may disturbing tyra episode akong napanood kanina. grabe, ang lala na pala ng mga eating disorder ngayon. yung isa, kumakain ng lupa (!) at papel kasi daw di yun nakakataba, yung isa naman baby powder! watda? ganito na ba ngayon? alam ko na pag teenager ka may mga insecurities ka dahil na rin siguro sa dinidictate ng media na ganito dapat yung itsura para maging maganda/pogi, pero papatayin mo ba talaga sarili mo para lang matanggap ng iba? alam ko yung feeling na "yak ang panget ko ngayon." pero di ba lahat naman may mga araw na ganun? nakakatakot lang na nangyayari pala talaga ang mga ganito. tsk tsk. sana masolusyunan to.

huwow, iba nga ako ngayon ah. prayers still needed friends! biglang ganun. haha!Ü

Monday, May 19, 2008

okay, totoo na to. for interview na talaga ko. haha! kanina kasi pinagawa pa kamin ng essay tapos based dun palang kukunin yung for interview. thank You Lord! bukas na yung interview, so friends, dasal na tayo!

akala ko talaga tapos na ang UP days ko kasi medyo mahirap yung topic tapos di pa ko nagscratch. divine intervention ito! thank You Lord talaga! ewan ko kung totoo, kasi may kwintas akong inassign ko na maging lucky charm. cheesy. e pero yun nga, mukhang effective naman. yey! ang saya! may new friends ako! sina ayen, mark at patty! ang saya!

malamang di mo naman mababasa to pero kung sakali man, para sayo to:
"dealing with backstabbers, there was one thing i learned. they're only powerful when you got your back turned."
kaya bigyan mo na sila ng chance na i-backstab ka dahil nagagawa lang nila yun pag di mo alam. wag papa apekto, alam mo naman yung totoo. yown.

vanilla milkshakes are happiness in a cup. pushing daisies is happiness in a box. ikaw ay happiness ni angge. haha! corny!Ü

Friday, May 16, 2008

may pumasa na sa math at tinawagan for interview para sa orcom! waaahhhh! sabi naman sa inyo one take lang to e. salamat sa dasal, pasensya, pang-uuto at pagmamahal. ayikee. haha!



dahil yun lang naman talaga ang post ko, magpopost na lang ako ng survey. yey!



paulinian (daw) survey



1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag-flag ceremony?
NEVER akong nalate. naks. or if ever may time man na nalate ako, baka inaasar ko lang ang mga kabarkada kong officers.


2. Anong favorite mong bilhin sa canteen?
am,lahat? haha! bago magkastalls, gobstoppers, butterfinger at mentos. nung may stalls na, tapsilog everday, mango sherbet, turon ni kabesang andeng, mais con yelo. sabi sa inyo lahat e.


3. Na-guidance/principal's/csde office ka na ba?
may csde office? haha! dun sa dalawa, oo. sa guidance dahil kelangan ng annual interview. yung sa principal’s..haha! yung una, dahil umattend kami ng concert na, apparently, bawal pala sa hs students. wala namang offense, drama at sermon lang mula kay remedyas. all for the love of music and marc abaya. haha! yung pangalawa, buong class yun nang dahil sa upcat.


4. Sinong favorite teacher mo doon?
sila ms. fama, ms. nilo, ms. adlaon, ms. joy, ms. dums at sir sinque.

5. Tropa mo ba yung guard ng school niyo?
OO! haha! nakakapasok ako sa school ng walang id at kachikahan ko ang mga guard. haha!

6. Saan ka usually tumatambay? Why?
hmmmm. lib para magpalamig o magbasa ng dyaryo.


7. What's your most unforgettable experience?


nung umiyak ako dahil natapunan ng orange paint yung medyas ko tapos 1st period pa lang, nung nanalo ako sa essay writing contest, nung kumanta ako para sa recognition day at muntik na kong maweewee sa kaba. haha!

8. Varsity?
of course….

….not.


9. Sinong una mong nakilala sa highschool mo?
hala di ko na maalala pero ang una kong inasar si angelica soriano/ specie paz. :p

10. Sinu-sino mga kabarkada mo nung higschool?
yung mga kabarkada ko ngayon. sila jhe, mau, justine, tel, meme, remy at milli.

11. Nami-miss mo na ba yung uniform mo?
minsan, lalo na pag wala akong masuot.


12. Ilang beses mo nang nawawala ung ID mo?
never.


13. Favorite classmate?
lahat mula nung 2nd year. hwoops.


14. Most unforgettable person? Why?
hmmmmm…


15. Kailan sa tingin mo dadating ang yearbook?
may yearbook?!


16. I-describe ang mukha mo sa graduation.
kadiri. nasa kailaliman ng cabinet ko ang grad pics ko.


17. Anong binibili mo sa labas tuwing uwian?
chicken skin at tokneneng.


18. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
hindi.


19. Nangarag ka ba sa paghahabol sa projects?
as always. *you can count on me, I’m gonna get it, gonna get it done..* angge is the name, procrastinating is the game.

20. Anong unang-una mong ginawa right after graduation?
nagpasalamat kay Lord dahil nakaraos na ko. yun ang akala ko. haha!


21. Ano naman ang papel mo sa Intrams?
pep. haha! naging commentator ng volleyball game, gumawa ng cheers, naging personal alalay ng gitarista at drummer.


22. Favorite subjects?
cooking kasi masarap recess pagkatapos at english. late ko na na-enjoy ang math at org chem.

23. Kung papalitan ang color ng uniform niyo, okay lang?
at maging goldilocks o table cloth kami? no way!


24. Nasa Friendster mo sa yung crush mo sa highschool mo?
wala akong crush. wala.


25. Did you ever regret going to your highschool?
hindi dahil dun ko nakilala barkada ko at kung hindi dahil sa tipol, wala ako sa peyups ngayon.


26. Kilala mo ba kung sino ang nag- post nito?
si fellow paulinian? haha!


27. Sino sa mga ka-batch mo ang dapat isali sa STARSTRUCK?
si meemeep astrid!


28. May gf/bf ka ba nung highschool? sino?
am wala.


29. Kayo pa din ba ngayon?
am hindi.


30. Ano ang best section mo?
maria – 4! haha! :p

Wednesday, May 14, 2008

hwokey, so somehow pala ay may idea ka na kung bakit ganun na lang ang mga pangyayari. grrr..sinong nagsabi?! blind item, blind item! haha!

so isang araw na lang at "summer" na talaga. malagpasan ko langt to, suuper saya ko na. so friends, wag magulat kung may mga text brigade kayong matatanggap at humihingi ito ng prayers. wag matakot, ako lang yun. eyniwey. andito na ang list ng mga summer plans ko. ang loser ko shet. haha!

1. go lomo full time
- bakit ngayon ko lang nadiscover ang lomography kung kelan walang time? ang second roll ko, may 12+ shots pa. pano ko magagamit si elite chrome kung hindi ako nakakapractice. tsk tsk.

2. let's go baking!
- ngayong napatunayan ko na na mabubuhay na ko, basta carbonara all the time lang ako, gusto ko na magbake! pag nakakakita ako ng cupcakes, lalo akong naffrustrate. huhu.

3. road trip with friends
- kahit san, kahit kelan (am,basta wag sa 16), yayain mo lang ako, sasama na ko. may line up na ko e, beach, EK at *drum roll* Hong Kong! waah! sana sana! let's put my chinese speaking skills (?) to the test!

4. sleeeeeeeep
- ang aga ko nagigising, gabi na ko natutulog. kawawa. haha!

5. mag movie marathon at manood nang manood ng tv
- am, understood na ata to.

so ayan. ngayon ko lang talaga na-aappreciate ang bakasyon. pero okay na din, nasisiyahan naman ako sa math. ewan ko lang kung natutuwa din ang classcard ko dun. haha! one take lang to! baka bumili ulet ako na bagong libro, after dark by haruki murakami. murakami, here i come! wu chun, pakasalan mo na ko! magpapakalalaki din ako para sayo. haha! Ü

Friday, May 09, 2008

fully booked, powerbooks at national bookstore. yan bukod sa confetti, globe, mcdo, jollibee, pizza hut at lrt ang umuubos sa pera ko ngayon. so last week,naka 700+ na naman ako sa libro. pero ang sulit naman para sa nerd na si angge.

yung isa sa mga binili ko, yung how to walk in high heels by camilla morton. waah! ang saya ng librong to. light read tapos suuuper informative! mula sa pag-aayos hanggang sa gardening, meron dito! all in one talaga. yung isa naman e thwonk by joan bauer. ang saya nito! feel na feel ko yung libro kasi halos pareho kami ng bida. halos. kung may cupid lang sana ako. haha! spoiler. basta, books make angge a nerdy and happy kid.

talagang dinidibdib ko na ang lomography dahil bumili na ko ng elite chrome! film yun na medyo mahal (P275 bili ko) kaya gagamitin ko lang yun pag magaling na talaga ko so mabubulok na siguro yun. haha! nakapunta na rin ako sa hidalgo! photographer's heaven talaga siya.

ra, pag nakita kita ulet, magpapapichur na talaga ko sayo. haha!Ü

Wednesday, April 30, 2008

dumating na ang first roll of "happy thoughts" ko. di naman lugi kasi may magagandang shots naman. mga 5 out of 36 siguro. haha! di bale, practice makes perfect. sana yung 2nd roll naman maging matino. pinga-iisipan ko pa kung ipopost ko ba lahat e. oh the decisions in life. random post.Ü

Monday, April 28, 2008

natalo na naman kami. kahapon, tuluyan nang naging angel si tita susie. nung nalaman ko yung nangyari, in complete shock ako. nung hapon lang, masaya kami. pag-uwi namin, bawas na pala ang pamilya namin.

si tita susie na ata ang pinakamatatag na taong kilala ko. kahit hirap sa buhay, ni minsan never ko siyang nakitang nagsisi o nagreklamo kung bakit ganitong buhay ang meron siya. tuwing pupunta siya dito para dalawin kami, lagi siyang masaya tapos nagbibiro. parang okay lagi lahat. tuwing lolokohin namin siya na ang ganda naman ng sapatos o bracelet niya ang lagi niyang sagot: "quiapo lang to no, maganda kasi yung nagdadala." pag naaalala ko yung malambing na tawag niya sa kin ng aica joy tuwing pupunta siya rito, naiiyak ako. sa 25 years na kasal siya, duda ako kung naging masaya talaga siya pero kahit kelan, di siya nagreklamo. masayahin sa labas, malungkot sa loob.

at kagabi nga, nakapagpahinga na siya. siguro sabi ni Lord, tama na yung mga paghihirap niya. sigurado ako na nasa heaven na siya ngayon. sa heaven kung san lahat masaya, walang kwenta ang pera at normal lang ang makakita ng rainbows. magkasama na sila ni uncle liboy ngayon. nagtatawanan malamang. kagabi, bago ako matulog ko lang talaga nailabas lahat. nagflashback sa kin yung hinahatid niya ko sa school nung kinder pa ko, yung last text niya nung birthday ko, yung time na binigyan niya kami ng tig 100 para pamasko. pag naiisip ko na di na ulet siya magtetext pag birthday ko,lalo akong naiiyak. pero dahil alam kong masaya na siya ngayon, parang nawawala lahat. iniisip ko na lang, nadagdagan na naman ang mga angels na nagbabantay sa min.

maraming salamat sa lahat,tita susie! alam kong masaya ka na dyan. di mo na kelangan mamrublema sa pera, walang kwenta na yun dyan. sana tulungan mo kaming matanggap na di mo na talaga kami pupuntahan dito sa bahay at kekwentuhan ng mga kwela mong jokes, bihira ko na rin sigurong maririnig yung favorite mong expressiong "ngangi". miss na kita..

Tuesday, April 22, 2008

eto ang kaisa-isang blog post na nagpaiyak sa kin.

A TRIBUTE TO ANGGE...
Parang magkakasakit ako ngayon.

Gusto kong mang-away.
Gusto kong mang-gulo.
Gusto kong maging isang wild creature.
RAWWWRRRR!!!
Ewan ko ba....Kakatapos lang naman ng period ko (.)
Hindi pa naman ako nagmemenopause.
May kulang... tsk.. parang may kulang...

Kahapon tinext ako ng ever gagong si Angge (Ganda na, gorgeous pa)... lablayp. malungkot sya. ako, masaya. sya... malungkot.. ako masaya...

Pero sa totoo... may part sakin na malungkot.

Tapos nag-flashback sa isip ko yung happy moments namin. Ang pang-aalaska namin sa mga taong dumadaan sa tabi ni kuya xeroxer... ang mga jokes naming bentang benta sa klasmeyts namin... ang semplang na takbo ng aming college life... ang future orcom life namin (na hindi na matutupad sa part ko)... ang Wii moments kasama si Jhe na halos magiba na ang bahay nila sa sobrang ingay namin.. ang sleep-overs.. ang pag-eedit ng music video ng mga p**&%^%$* ka-grupo sa Spanish... ang lablayp nya.. ang lablayp ko.... sa susunod na pasukan hindi na ganon ang ikot ng mundo.


Namimiss ko na si Angge. Ang kanyang kagaguhan. Ang murahan namin sa isa't-isa.. ang mga hampas nyang walang katulad... ang video-oke with matching dance moves... ang buddy kong walang katulad.T_T

post yan sa blog ni blanca. siya kasi naisip kong itext nung sunday nung namumroblema ako. natouch lang ako na naiisip niya rin pala yun. nun kasing magulo ang lahat para sa kin, kami yung magkasama. wag magselos friends, pero kami kasi talaga yung sa hirap, sa hirap at sa hirap, magkasama. nung nagpilit kaming maki blockmates sa mga orcom students, nagkapili pilipit ang dila sa spanish, nabulok ng anim na oras sa cp tapos nawala pala nila reg forms namin, nagdamayan sa 5+ hours na break, nakakita ng sunrise at sunset dahil sa span vid. pag naiisip ko na next sem, wala na yun, nakakalungkot. wala na kong permanent karamay sa boring lectures, mababawasan ang angge-toot supporters. huhu.

pero masaya din ako na sa wakas, magagawa na niya yung gusto niya. pwede siyang magdrawing maghapon tapos ok lang yun. kelangan ko na lang masanay na mag-isa na talaga ko pag may long breaks ako, pero dahil masaya naman siya, masaya na ko.

so para sa ever gago (ganda na, gorgeous pa) na si blanca, salamat sa masasayang tagpo! mamimiss kita. wag kang mag-alala, papansinin pa rin kita kahit sikat na ko at mag-asawa na kami ni mong.Ü

Saturday, April 19, 2008

yey! mukhang nagiging maganda na ang samahan namin ng UP! waah! pahamak ang ns 1,sumabit pa! pero so far, eto ata ang pinaka fruitful na sem ko in terms of grades. salamat Lord!

so ayun. ang saya ko! haha! konting sipag at tiyaga na lang, angge. kaya na! may secret goal kasi ako at dahil di ko pa yun na-aachieve e macacarry on yun next sem. sana sana. so ano na bang balita sa buhay estudaynte ko kahit summer? okay naman, suuuper bilis nga lang ng math pero expected na yun e. pero eto ah, feeling ko mas nakakagets na ko sa math ngayon kasi tinignan ko module ko dati at homaygad, tama lang pala yung grade ko dun. haha! ang ns 5 naman, bagong favorite subject! alam naman nating lahat na like math and pe, e allergic din ako sa science pero ang saya nito! kahit tanghaling tapat yung klase,di nakakaantok! swerte talaga ko sa prof. malagpasan ko lang ang math, gagraduate na talaga ko. padasal ah?

ang dami nang nakakaalam. may nabasa nga pala akong quote:
"sometimes the only remedy for confusion is to make a decision."
so shall i make a decision? haha!

kung may sasabihin ako, yung exact words na din na yun ang gagamitin ko. EXACT words.but then, walang effect.

Saturday, April 12, 2008

tamad si angge. sabihin ito ng 263474594034 times at mapapatunayan mong tamad nga si angge. congrats!

sorry na sa mga nagbabasa nito pero eto na ang post ko! yehey! so ano na bang pangyayari sa kin? ayun, enrolled na ko para sa summer. thanks be to GoD! sabi na nga ba effective ang motto namin sa buhay ni blanca e! congrats to me!

nung nagka long weekend, nag-ambenchur kami sa subic. pumunta kami sa zoobic safari! so ngayong taon pa lang, nakakatatlong zoos na ko. ang saya kasi ang daming animals (am,duh.) tapos makikita mo sila upclose, di gaya sa ibang zoo. nagpunta rin kaming bataan kasama si happy thoughts! hindi ko pa napapadevelop ang pics at naeexcite na ko! random pictures lang pero sana may magandang kalabasan. nakakakaba din kasi minsan nakakalimutan ko kung natanggal ko ba yung lens cover o hindi. oh well. will post happy thoughts soon!

on to serious matters naman, Lord, sana po more patience pa. ang hirap maging "mabuting" kaibigan! matagal nang issue to, pero ayoko sana kasing i-discuss dito pero homaygad naman kasi. so, sayo, hindi mo kelangan banggitin ang pangalang niya every 2 minutes. gets namin, gusto mo siya, so ok na yun. di mo kelangan ulit ulitin. marami pang pwedeng pag-usapan,maniwala ka. at wag rin magbait baitan, hindi bumebenta. lalong nakakainis lang.

so tinatanong mo kung posible bang kainisan ang isang tao just because. ang sagot ko,oo. ganun ka sa kin diba? ang daming nagtataka kung bakit ayaw ko na. di ito dahil may iba na o bigla ko na lang naisip na wag na. nakakapagod kasi.

ayan ah,sobra sobrang post na to. so ayan na ang summary ng almost 2 week-hiatus ko. bow.

Friday, April 04, 2008

congrats sa kin dahil marunong na kong magluto! okay, so tuna carbonara lang yun,pero kahit na! naubos ang luto ko! yey!

actually, matagal ko nang balak matuto magluto. natatakot lang akong pagtawanan ng mga tao, pero dahil malakas ang tawag ng katakawan, jeren! gusto ko rin magtry ng baking. kung bakit kasi may summer classes pa e. pero think positive angge, summer classes=allowance at sige na, pati knowledge.

may nakakatawang encounter ako with happy thoughts (pangalan ng holga ko). di ako marunong mag-operate! haha! pero nalinawan na ko, marunong na ko maglagay at mag-alis ng film. yey! okay, random post.Ü

Wednesday, April 02, 2008

haberday to me! okay, one day delayed. haha! so ano bang nangyari sa berday ko?

nagkaron ako ng "non-party party" kasi hindi naman talaga siya party pero party siya. haha! ang labo. nagplano pala sila jhe na i-suriprise ako at syempre kelangan talaga ma-wrong send si friendly friend milli sa kin ng:
"friendly friend, anong oras tayo kila angge?"
kaya naman nagka idea na ko na may mga pupunta dito. ang saya! pati si mau bakulaw andito! sayang wala si kamahalan, almost complete na sana ang wirdos + friendly friend + tatz bakekz. so ang handa namin ay pizza, carbonara, pepsi, cake at danish pastries courtesy of meme. yey! tawanan at nonsense conversations makes angge a happy kid!

spaeking of making angge happy, eto ang birthday gift sa kin ni kulot. isang poem.

sister

you filled our days with joy and laughter
mom is proud that you're her daughter
a joke that will remove my anger
taht my emotions will change for the better
you're always there for me
and help me achieve what i can be
I thank you for your tender care
for deep warm hugs and being there
I hope that when you think of me
a part of you, you always see.

awww...feeling kokinopya niya lang to e. haha! thanks diding! sa iba pang happy news, nakuha ko na ang holga ko! homaygad! ang saya ko! salamat sa lahat ng nakaalala at bumati! yey!Ü

Saturday, March 22, 2008

kakabalik ko lang galing bicol at medyo tamad, i mean, pagod pa ko sa byahe kaya lista na lang muna ah?

random events, chuchus at what-have-yous na nangyari sa bicol

1. hindi alarm clock ang gumigising sa kin sa umaga, minsan yung bell sa simbahan o kaya ang pagkanta ni tabachoy, madalas ang mga bitter quotes ni jorge. homaygad!

2. palaging may sinangag, my favorite, pag almusal.

3. random conversations with lola with matching mani at butong pakwan (bakwang putong,sabi ni vince) on the side. kahit pa namamaos na ko dahil bingi na si lola, nakakamiss pa din yun.

4. mas random conversations with megan tabachoy! yehey! grabe, ang daldal na niya! marunong ng magbasa ng letters, mag-identify ng colors. matalinong bata! may pinagmanahan! ehem, ehem.

5. pagtawanan ang lasing na si tito teddy. highlight ata to ng bakasyon ko. gabi gabi kasing lasing so gabi gabi rin akong masaya.

6. umiyak si lola pag-alis namin. huhu. di ko yun nakita pero umiyak daw siya. ang bilis lang kasi namin dun e, halos two days lang.

7. text marathon with rikki at friend karen. surprising revelations kay friend, walang kwentang conversation kay rikki.

8. nilagnat ako nung last day. ang corny! haha! sabi ni mama, na-usog daw ako ni hassim asim. inside joke alert. haha!

9. nagpaka artsy fartsy ako dahil may nakuha akong dalawang magandang shot ng sunrise at sunset. pansin niyo laging yun ang shots ko? asan na ang lomo cam ko?!

one item short. haha! so ayan. next week school ulet. oh what joy!Ü

Saturday, March 15, 2008

haberday kulot! ang tanda mo na! sa bagay, kahit naman dati para kang mas matanda sa kin e.

dahil nga berday nya, nag mini celebration kami. pumunta kami ng manila ocean park! nainggit kasi ako sa blockmates ko nung nag-fieldtrip sila dun, kaya nung tinanong ni papa kung san namin gusto pumunta sa berday ni camille, sumigaw ako ng "sa ocean park!" haha! feeling may berday. buti na lang na-pep talk ko na si camille tungkol dun. so pumunta nga kami at homaygad, nagmistula na naman akong 5 year-old kid dahil pagpasok palang, di ko na mapigilan ang pagsigaw ko ng "wow!" at patakbo takbo pa ko! buti na lang talaga madilim dun. ang ganda! daming isda (duh.)! nagustuhan ko lahat pero favorite ko yung underwater tunnel! naalala ko tuloy ang bora memories. o boracay. eyniwey, yun nga! ang kyut nung mga chocolate chip starfish tsaka yung porcupine fish! parang laging nakasmile! pati yung mga sting ray! homaygad, i'm so happy! sabi nga ni papa "ano ba yan, parang ikaw yung may birthday!" haha! lalo tuloy akong naexcite na magberday. tagaytay, here i come!Ü

Wednesday, March 12, 2008

nagsimula sa random thought pero ngayon, sigurado na ko. i'm going lomo! wahoo!

so ano ba itong lomo na to? ang lomo ay short for lomography na isang type ng photography na walang rules. oo, as in wala. point and shoot lang kaya feeling ko, feeling lang naman, kakayanin ko siya. pero bago ang lahat, kelangan ko ng lomo camera. maraming choices pero namimili ako between supersampler at holga 120n. yung supersampler, 4 lens siya so isang click, apat na pictures. ang saya diba?! yung holga naman, medyo pang next level na ata siya pero maganda rin yung effects. ang masaya dito, film yung gamit so balik old school tayo. tapos dahil walang screen yung mga cams tulad ng digicam, at yung iba, ni viewfinder wala, surprise talaga kung ano yung lalabas. pwede ring gumamit ng expired film for added effects. masaya to lalo na sa mga tagtuyot ang wallet tulad ko. haha! mura lang naman yung lomo cams kumpara dun sa pang professional na talaga. 4 thou ata yung pinakamura pero sa ebay may less than 2 thou lang. bakit ko sinasabi? kasi may magbibirthday na. ehem ehem.

sana by weekend makabili na ko, para pag bakasyon. yey! naeexcite na ko. okay, inaantok na ko. balik research na.Ü

Sunday, March 09, 2008

bata palang ako, pangarap ko nang..magka-almanac. oo, ang babaw pero isa talaga yun sa mga pinangarap ko. at ngayon, wahoo, meron na ko! kid's almanac nga lang pero ganun na din yun diba?

so ayun nga, dahil nirerenovate ang national sa ali mall, nagsale sila ng mga libro. kung inaakala niyong dun ako nakabili, mali kayo. wala lang, shinishare ko lang na sale nga sa national dun. eyniwey, sa sm centerpoint ako nakabili at jeren, P99 na lang siya! siguro dahil 2006 pa yun, pero kahit na! ang saya saya ko ngayon kasi 99 lang siya pero ang daming information na makukuha! okay, ang nerd. ang saya talaga! isa sa mga pangarap ko ang natupad ngayon! yey!

dahil magbabakasyon na, kahit pa wala ako nun this year dahil magsusummer ako, time to buy books! yey! may nabasa akong review ng twilight at mukhang interesting ang kwento. magreresearch pa ko dun.

nga pala, may salamin na ko. astigmatism. wala, hanggang sa sakit, astig pa rin e. what can i do, scooby doo? ngekngok. haha! may bago na naman akong flats! silver naman. bale, may bronze, gold at silver na ko. yey! oh happy days!Ü

Wednesday, March 05, 2008

wala na kong pera pero masaya ako. mas importante naman maging masaya kesa magkaron ng pera diba? yeah right. haha!

ang dami dami kasing masarap bilhin e. pansin niyo,dalawang post ko na ang may kinalaman sa mga bagay na masarap bilhin? masama na ito. eyniwey. ayun nga,nung monday nag-"mini shopping" kami. mini kasi hindi naman talaga siya tulad ng shopping na iniisip mo. ako,bumili lang ako ng sequined flats at tshirt, si wempot naman bumili ng shirt na kunwari ayaw niya, pero binili din naman. pakipot pa. meron kaming ittry na pag-ipunan na shirt sa david and goliath. hmmm..

sa iba pang mga bagay, medyo may problema kami na kasalukuyan ay tinatry pa naming ayusin. tama si wempot,boys are stupid. haha! hwoops,sexist remark. e kasi naman e, damay damay na lahat. bahala na, maaayos din to,diba diba?

belated haberday pala kay megan tabachoy! kitakits hopefully sa sunday. mag-aambenchur tayo. yehey!Ü

Wednesday, February 13, 2008

sa kagustuhan naming maki-fair sa diliman,e muntik kaming paglamayan.

alam naman nating lahat na sa mga ganitong pagtitipon e di maiiwasang magkaron ng reunions ang mga emo.lam mo na,yung pulutong ng mga nakaitim na tshirt,extra-skinny-skinny jeans,buhok na flat sa harap,spikes sa likod,you know the drill.at syempre,di nila palalagpasin ang UP fair.so akala namin safe na kami dahil may lupa na kami malapit sa stage,but nooo,in a matter of seconds,kinain na kami ng blackhole!major panic time!alam mo yung tipong napakumpisal na ko,nagflashback yung buhay ko,naisip ko pamilya ko dahil kala ko my time is up na?ganun!adrenalin rush.masayang nakakatakot.paglabas namin napa "thank You Lord" ako e.buti na lang andun sila rikki,kiko at willi para,ehem,protektahan kami nila friend at majo,kung hindi,wala,may gathering sana sa min ngayon.eyniwey.

si mong ay nagbalik!expected ko yun e,na pupunta talaga siya sa album launch,at pumunta nga siya!yey!ganda ng set nila,lalo na kung natapos namin.haha!oo na,loser pero mas loser ka kung wala ka dun.harhar.dapat bibili na ko ng cd kahapon,e kulang ng 70+ ata yung pera ko,how malas.so mamaya..kakaexcite!sana may magic piggy bank ako na hindi nauubusan ng pera.mukhang may balak din akong bumili ng cd na taken by cars at the dorques e.hmmmm...angge is now accepting donations,people.Ü

Friday, February 08, 2008

okay,so P40 na lang ang laman ng wallet ko at may P20+ coins pa siguro ako sa coin purse ko.kasi naman,"napadaan" pa ko sa fully booked at kelangan talagang nasa cover ng fudge ang sandwich.oh well rockwell.

medyo nag-aaim kasi ako na makaipon para if ever may gusto akong bilhin o in case of emergency,may pera ako.so far,nakakaipon na ko ng 500 dahil 100 per week ang binabalik ko sa treasure box ko,pero oh mary naman,ang daming masarap bilhin!pero bago yun ieexplain ko muna yung "oh mary".galing yun sa expression ni kayla na "mother of god",e diba si mary naman yun?pinahaba pa ni kayla e.eyniwey,ayun nga.kung comm 2 to,bagsak na ko dahil walang coherence ang mga sentence ko.eyniwey ulet.andyan ang bago na album ng sandwich,shirts at iba pang kachuchuhan.hay hay.

speaking of sandwich,condolence kay mong at sa buong alcaraz at pervera family sa pagkamatay ni mrs.dinah alcaraz.unexpected to.Lord,kayo na pong bahala sa kanya at sa family niya.amen.

on the bright side,pasa na ko sa fpf!wahoo!akala ko ieenlist ko pa ulet fpf e.yehey!Ü

Sunday, February 03, 2008

at buhay na naman ulet ang opm scene!yey yey!

mukhang magiging masaya ang love month dahil ang daming bagong releases!una na dyan ang bagong album ng sandwich.ilalaunch next week sa UP fair.released na din yung bago nilang vid na "procrastinator".sobrang ganda nung vid pati yung kanta,nakakalss.medyo mahirap nga lang magfocus dahil pagkagwapo ni mong.yay.sunod naman yung bagong vid ng imago,"under repair" at medyo abba-ish daw yung dating ng video.kakaexcite!myx celebrity vjs din ata sila.speaking of myx,nakaline up din ang chicosci at sandwich sa myx live.sa mtv naman,artist of the month ang sandwich!oh what joy!haha!fangirl.bankruptcy,here i come!

bumalik na si gar-gar!pumayat siya pero okay naman siya.thank You,Lord!yey!oh happy days na ulet.Ü

Sunday, January 27, 2008

oo na,tamad na kong magpost.haha!sorry na.so para sa am,5 na nagbabasa ng blog ko,post post!

medyo naging busy kasi ako for the past am,20 days.sige na nga,2 weeks ago lang ako busy,yung mga natirang araw,tamad lang ako.ayun.so ano na bang happening sa buhay buhay ko?una,sumakabilang buhay na rin si kadols.medyo shocking to para sa kin kasi naglaro pa kami the night bago siya bumalik kay Lord.pero nung nagkausap kami ni wempot,alam ko na kung bakit.pangalawa,si garfield nawawala!huhu.sa lahat ata ng mga naging alaga namin,bukod kay milky,si garfield lang talaga ang minahal ko.sobrang bait kasi tapos ang lambing pa.pero ngayon,huhu.sana naman di siya nasagasaan o kung nasagasaan man siya,sana patay kagad para di na niya naramdaman yung sakit.o kung hindi naman,sana alagaan siya nung nakapulot sa kanya.wag siyang sisipain pag maingay siya,kasi gutom lang siya nun.di naman siya nangagalmot e.huhu.

sa iba pang huhu moments..alam ko kung anong meron,pero kahit alam ko kung anong meron,di kita ilalaglag.kahit kulitin pa nila ko,di ko sasabihin.kung ano mang maging result niyan,sana maging masaya ka na talaga.kahit di na ako yan,on second thought,kelan ba naging ako yan?basta,sana maging masaya ka na.huhu para sa kin.

Monday, January 07, 2008

belated merry christmas at new year sa lahat!post post!

okay so medyo malas ang araw na to.una,natagusan ako at di lang basta tagos,TAGOS.pangalawa,namatay si isnapols kanina.sa tagal kong di nagpost,nakalimutan ko tuloy ikwento na bumili kami ng rabbit nung dec.24.yung isa si cuddles aka kadols at yung isa si snuffles aka isnapols.at kanina nga e namayapa na si snuffles.siguro masaya si kadols dahil solo na niya ang mga baguio beans,suha,saging at carrots na ginrocery namin para sa kanilang dalawa kahapon.gayun pa man,mamimiss ka namin isnapols!sana maraming suha,saging at pakwan sa kinaroroonan mo ngayon.

bumili ako ng libro kanina.he's just not that into you yung title.mukhang kelangan ko kasi ng straight to the point answers sa mga tanong na alam ko na naman yung sagot.para maverify ba.at dapat makatulong to dahil P500 lang naman siya.so mura.

boks,belated haberday!salamat sa alam mo na.haha!para namang mababasa niya to.Ü

Thursday, December 20, 2007

today is random day.wag mangamba kung di ka aware na may ganitong day pala dahil self-declared holiday ito.syempre wala pa ring tatalo sa queen of randomness na si jen.haha!

natapos na din ang lantern parade at kahit 2nd place lang kami sa façade,ehem ehem,alam naman nating lahat kung sinong nanalo diba friends?haha!riot kahapon dahil ito na ang last official lantern parade ko bilang pharmer kahit pa next year e sa cp pa rin ako lalantern parade,di na talaga ako talaga cp nun.sana magaling na lang ako sa chem at math para cp poreber na ko,pero pag ganun,sobrang perpekto ko na.harhar.

dahil natanggap ko na ang kalahati na biyaya ko ngayong pasko,nagfeeling bilyonarya na naman ako at namili ng kung ano ano.

1. kira-kira by Cynthia kadohata
- ang ganda ng librong to!pambata siya at simple lang yung kwento pero heartwarming.tungkol to sa dalawang magkapatid na may kakaibang pananaw sa buhay.btw,ang kira kira ay Japanese term for glittering.

2. girl trouble by alan navarra
- di ko alam kung bakit ko binili to pero mukha kasing maganda.mejo weird yung setup kasi random conversations siya na may photography involved.basta.mejo explicit din yung content niya so kung di ka pa handa sa mga mahahalay na bagay,pwede mo na tong i-skip.

3. first love
- compilation siya ng iba’t ibang kwento about sa,well,first love.meron kasi ako nung isa pang edition na tungkol naman sa heartbreak.bitin ako sa mga kwento dito,maraming open-ended e.

so far,ayan palang ang mga nabili ko.balak ko sanang bumili ng the virgin suicides at kitchen pero di kaya ng funds kaya pag-iisipan ko munang maigi to.may bago akong cd!salamat kay vice president majo!cambio!ang saya saya!

blind item:may isang tao na nahuli ng isang tao na nakasilip sa kotse niya.clue:kilala niyo siya.oh no.Ü

Sunday, December 16, 2007

hwokey,unti unti nang bumabalik ang oh happy days ko.aktwali,matagal naman nang bumalik.di naman kasi ako yung tipong nagdwedwell masyado sa mga kalungkutan dahil wala naman akong magagawa dun.pag naiyak at nalabas ko na,wala na yun.so..

ako ang tipo na tao na marupok,ika nga ni tado.di mo na ko kelangang utuin sa sales talk kung gusto mo kong bumili sayo,di mo na ko kelangan amuin pag galit tayo,in short,uto uto ako.haha!katulad kanina,namimili kami ng sapatos,mag-uumpisa pa lang yung tindera,humihingi na ko ng size.pero natyempohan lang niyang gusto ko talaga yung sapatos,otherwise kelangan niya pa kong utuin sa loob ng,am,5 mins.

ako rin yung tipong mahirap paiyakin.di kasi talaga ko iyakin e kaya pag umiyak ako,ibig sabihin nakakaiyak talaga o sinisipon lang ako.tulad kanina,akalain niyong humagulgol ako sa isang korean short film made for tv.one fine day yung title niya,ewan ko ba kung bakit ako naiyak.dati kasi,kahit iyak na iyak na ko at masakit na yung lalamunan ko dahil para na kong may apple sa lalamunan,di pa rin ako iiyak.feeling ko kasi sign ng kahinaan ang pag-iyak pero di na ngayon.ngayon kasi,sign na ng katapangan ang pag-iyak para sa kin.matapang ka kasi natanggap mo na na may problema at may mali sa kung san man.pati mga christmas commercials,iniiyakan ko na ngayon.crybaby.eyniwey.

mukhang i'm losing my favorite game na naman ah.Ü

Saturday, December 01, 2007

kanina habang nagchachannel surfing ako,natyempohan ko yung serendipity sa,of all channels,sa lifestyle network pa.napanood ko na yun dati pero di naman masyadong tumatak sa kin kasi 12 lang ako nun.pag 12 ka,ang goal mo lang sa buhay e maging 13 ka na para di ka na tatawaging tween at para lumevel up ka na mula sa awkward stage.di ko alam kung goal ng lahat yan pero sa kin ata,oo.eyniwey.

sabi dun sa movie,parang just let things fall into place nang wala kang ginagawa.masasabi ko na hopeless romantic ako.yung tipong pangarap kong magkapamilya tapos yung bahay namin mala country house sa tagaytay at lahat pa ng kakornihang naiisip mo,yun ang gusto ko.pero diba kung wala kang gagawin,walang mangyayari?papabayaan mo na lang na mangyari kung ano yung dapat na mangyari?pano kung yung dapat mangyari e hindi yung gusto mong mangyari?ok lang kasi yun yung 'destiny' na tinatawag?

ako,nasa gitna ako.naniniwala ako sa fate,destiny,tadhana at kung ano pang tawag dun.pero naniniwala din ako na hawak mo yung destiny mo.so para sa kin,pwedeng maniwala sa mga ganitong bagay pero gumawa ka rin ng paraan para maging reality yung gusto mong maging destiny mo.hindi porket alam mo na posibleng walang patunguhan e ilealeave up to destiny mo na lang yun.diba mas rewarding yung alam mong may ginawa ka kesa dun sa inasa mo na lang sa wala.kahit pa masakit na di nangyari yung inaasahan mo,at least masasabi mo na may ginawa ka.wala lang,nagrereflect lang.Ü

Tuesday, November 27, 2007

ang bilis namang natapos ng oh happy days ko.last week lang,tuwang tuwa pa ko sa mga pangyayari pero ngayon,ewan ko lang kung nakakatuwa pa.

tulad ng nasabi ko dati,sure akong tumetiyempo lang ang kasawian at di ako nagkamali.ang masakit pa dun,akala ko talaga pwede na.sabi nga ni mong “kung umasa yung babae,kasalanan niya!” nagets ko na din kung ano ibig niyang sabihin.

kagabi,pinilit kong maiyak para lang mailabas ko na,para kinabukasan,okay na ko.pero bakit ganun,parang nasanay na ko na ganun?parang manhid na ko sa mga bagay.ayoko mang masanay pero parang ganun na ang nangyayari.tipong imposible na talagang maging totoo yung mga iniisip ko.as if naman kasi may karapatan akong magalit o maghabol diba.lagi na lang one sided,ang masakit dun,ako yung laging nasa maling side.

bakit ayaw kong madala?

Monday, November 19, 2007

ang saya saya ko ngayon!oh happy days na talaga.ang saya sa school,sa buhay,sa lahat!share share.

ang babait ng mga comm 3 classmates ko.levelling lang naman kasi e.intarmed sila,delingkwente ako ng pharm kaya naiintindihan talaga namin ang isa't isa.super bait nila!pag nandun ako,feeling ko i belong.o baka feeling ko lang yun.haha!basta!tipong sila pa yung babati.saya saya!tapos classmates ko ulet blockmates ko sa hum 2!parang nagiging worth it yung 6 hr break ko kasi pagkatapos nun,sila na ulet kasama ko.awww...eyniwey.

kulot ako ngayon!nadiscover ko kasing pwede ko na palang icurling iron ang buhok ko.ang saya!girl na girl!tapos sakto pa dahil nasilayan ko si irog na nakashorts na naman.nakakahalata na ko ah,madalas na niya akong pinapaligaya.ayikee!kinikilig ako!haha!Ü

Friday, November 16, 2007

yey yey!i'm back!wahoo!super excited ako dahil bago ang aming monitor!as in!lcd na siya!levelling ang mother dearest ko!ang ganda!mala imax ang arrive!i'm so happy!haha!

ayun,kahapon,nalamatan ang pag-iibigan ko.bakit pag-iibigan ko lang,e ako lang nagmamahal e.awww....pero so what poknat.napatugtog ko ulet tuloy yung neon.ikaw pg ah,namumuro ka na!strike 1 na!pero okay na,bati ko na siya.

mukhang okay ang sem na to.super saya ng mga subjects,profs at classmates ko!mukhang matutupad na talaga ang pangarap ko ah!yey!oh happy days.Ü

Tuesday, November 06, 2007

ang saya saya ng araw na to kahit pa nakakapagod.may nadiscover (okay,hindi talaga namin nadiscover pero ano naman ngayon.) kaming teorya ni blanca.napansin kasi namin na pag negative kami,negative yung nangyayari.nabasa ko din to sa blog ni sister in law macy na kapag daw nega ang nilalabas mo,yun din babalik sayo,kapag positive naman,positive babalik sayo.kaya mula ngayon,magiging positive na ako sa lahat.wag kayong magugulat kung makikita nyo kong nagtatampisaw sa baha.wait,nagawa ko na pala yun.eyniwey.

sobrang natutuwa ako kay irog ngayon.magnnmat kasi siya sa december.nakakatuwa na mukhang magiging doktor na talaga siya!kaya friends,tulungan nyo ko sa pagdadasal para kay future doctor irog ah?go go go irog!

may kikomachine komix 3 na ko!ang ganda ganda ng cover!parang naisip ako ni mannix nung gawin nya yun.bili bili na!Ü

Friday, November 02, 2007

hwokey,mukhang magiging fruitful na naman ang sem ko next sem.ganito kasi yun,naubusan kami ng slots sa majors kaya surprise surprise,bs ge na naman,ulet,as always,poreber and eber,kami.o what joy!

pero 18 units naman na kami kaya mas busy people na kami pero siyet naman,delayed na ko.bale,limang taon na talaga ako sa college.o what joy ulet!think positive angge.more timezone time,more hunting time.yey yey yey!

ayun.dapat nasa tagaytay ako ngayon pero dahil busy people din sila mama at papa,tambay ulet ako dito.pero lalabas naman daw kami mamaya so okay na yun.pizza pizza!mahal ko ang tagaytay.it's the place to be!

dalawang gabi na kong nakikitulog sa mga kwarto kwarto dito dahil naduduwag ako.lam niyo naman,tis the season to be duwag.tapos nakikinig pa ko sa mga takutan sa brewrat.wala na talaga,pati si kulot na pinakaduwag sa pamilya namin,tinatawanan ako.sino naman kayang nakiligo pa sa banyo ko kasi daw "walang tubig" sa banyo nila.wateber kulot,wateber.Ü

Thursday, October 25, 2007

wahoo!go sembreak!aktwali,di ko pa siya ramdam dahil inaayos ko na sked ko ngayon pa lang.kahit pa malamang sa malamang e hindi to masunod,nakakaexcite lang na mukhang may 5 oras na break na naman ako next sem.saya!

so,ano na bang pangyayari sa aking buhay buhay?out of boredom e may nagawa akong kanta.lumang tula yun na nilagyan ko ng tono kanina,next time na lang siguro yung chords pag masipag na ko.wahoo!

may mga bago akong discoveries na talaga namang nakapagbibigay ligaya sa kin.ang brewrat show at ang wii!yung brewrat show ay isang radio show nila tado,ramon bautista at angel/erning.super laughtrip!medyo late na siya pero worth it pagpuyatan.sa 99.5 yun,monday-thursday,9-12.promote promote!eyniwey.

may nakakatakot na korean experience kami ni friend karen.ayoko ishare para macurious kayo at magresearch.haha!as ip.

padasal nga pala sa mga victims ng glorietta blast at pati na din sa pag-aasoc ko.salamat!Ü

Thursday, October 18, 2007

haaaay..napakasaya ng mga nakalipas na araw!as in!eto na ba yun?waaaahhh!may taong sinisilip na ko.haha!go angge!epektib ang stalking!ishashare ko nga ang mga taktika ko at tatawagin natin itong:

angge’s stalking 101
1.alamin ang pangalan,year at course
- nag-aapply lang to kung schoolmate mo yung crush mo.bakit ito ang mga unang dapat alamin?duh.pangalan dahil madali nang isearch yan sa friendster,madali nang ipagtanong tanong in short,madali mo nang mauumpisahan ang “trabaho” mo.

2.alamin ang tambayan
- pag ganito kasi pwede mo nang palabasin na "meant to be" kayo dahil palagi kayong "accidentallyng" nagkikita.at isa pa,familiarity is the way to go (ha?ano daw?). kasi syempre pag palagi kayong nagkikita,mas magiging familiar ka sa kanya at siya naman,sayo.ayikee.
3.alamin ang breaks
- para pwede mong isabay ang breaks mo sa kanya.haha!nakakatakot pakingganpero pag nagawa mo na to,pramis,magiging ganado ka palagi pag break mo.
4.establish your connections
- eto ata yung pinakamagandang magagawa mo.ako,sobrang nagbebenefit ako sa mga "field reporters" ko.kahit wala ako sa school,alam ko ang mga pangyayari.haha!

hmmm..ayan!sana makatulong.haha!wag na kayong magkaila,alam kong ginagawa niyo din yan.lantaran nga lang yung akin.haha!go go go!Ü

Monday, October 15, 2007

HOMAYGAD.suuuuuuper saya ko ngayon!as in!may nadedevelop na sa kin.haha!kwento ko na nga para maka relate ang mga illiterate pagdating sa,ehem, “buhay pag-ibig” ko.

kasi ganito yun,pumunta ako ng school kanina para magpass ng hum exam,umattend ng meeting at magsight seeing pero mostly,para magsight seeing at hindi naman ako nabigo.pagpasok ko palang ng school,nakita ko na ang tinatangi ng aking puso!at eto,marami kasing katauhan sa mag entrance ng building tapos nagkasabay kami,papasok ako tapos siya palabas.e marami ngang tao diba,e di masikip tapos nung nagkaspace na,dapat sabay kaming dadaan PERO pinauna niya ko!PINAUNA.NIYA.AKO.last na, PINAUNA NIYA KO!homayagad talaga!all the stalking finally paid off!kahit pa sabi ng mga kontrabida aka kaibigan e normal lang naman daw yun,sa mundo ko,iba yun.iba yun.waaaaah!tapos nakashorts pa siya,wala na papakasalan ko na talaga siya!ikaw ah,hulog na hulog ka na no?!haha!

at kung hindi pa sapat ang irog encounter ko,may new found friend ako.rich siya literally at figuratively dahil rich lopez ang pangalan niya at nilibre niya ko ng sundae kanina!yey ka rich!may utang pa kong greeting card sayo,di bale next sem.salamat sa super sarap na sundae!

haaayyyy…i’m walking on sunshine splattered with rainbows and marshmallows topped with choco syrup at sprinkles.lalalalala.Ü

Sunday, October 14, 2007

huhu.sira ata phone ko.ayaw maconnect sa pc at di makasend ng mms through email.huhu.pano na lang ang mga pichurs ko at ang mga taga hanga ko?!wateber angge,wateber.pero huhu talaga kasi di ko rin siya mauploadan ng mga kanta!o kay saklap.pero parang may solusyon na ko dun.harhar.

aktwali,ayun lang naman talaga ang ibloblog ko.baka kasi may maawa at may magdonate sa kin ng,let's say,n95.malay natin diba?pero siyet talaga.convenient na sana kasi may mp3 player,camera at phone na,nasira naman.siguro talagang may magdodonate sa kin ng bagong phone.kung wala,pwede namang gawan ng paraan.haaaay.

malapit na magsembreak!wahoo!medyo malapit na ring matapos ang hell season.grabe last week,sa loob ng tatlong araw,10+ hours lang tulog ko.pesteng spanish kasi.pero ayun,tapos na.yey!Ü




Wednesday, September 26, 2007

homaygad.ngayon ko lang napagtanto na babae pala talaga ako.bakit?dahil namimilog na ang,ehem,kikay kit ko.oo,wag magulat,may ganun ako.

aktwali,nagsimula yun nung highschool,mga 4th year ata ako nun.dahil bawal ang make up sa tipol,nagsimula ako sa taktak powder,lip balm,suklay at pabango.medyo nadagdagan nung latter part ng taon,nagkaron ng lip and cheek tint.naipuslit ko yun dahil kabarkada ko ang secretary,treasurer at vice president ng student council namin.well,you know how i do.haha!pero dahil wala nang bawal bawal ngayon (tsaka dapat lang dahil eighteen na ko),tuluyan na ngang napuno si kikay kit.may tinted moisturizer,lip and cheek tint,oil control film,suklay,pabango at lip balm na!so landi!at nung kelan lang e bumili na rin ako ng mascara.siyet!what is the world is coming to?!eyniwey.

napakakikay na post.haha!e babae naman ako e,normal lang yun.
nga pala,padasal naman kay irog.may sakit e.di lang ako nakita,nilagnat na.hanubayan.Ü

Thursday, September 13, 2007

ang crush ko nung grade 6 na si mape,may anak na daw.si toot na kelan lang e iniyakan ko pa,kasal na at surprise!magiging ama na din siya!pag naman si irog e naging ganun din ang kapalaran,magrerebolusyon na ko.

nakakatuwang isipin na ang mga minsan kong pinagnasahan ay may mga iba nang mundo ngayon.okay,di talaga ako masaya,sarcastic yun.pero diba?di ko pa nga nafifigure out ang tunay na misyon ko sa buhay (bukod sa matulog,kumain at dumaldal),sila bumuo na ng bagong buhay.hamazing.not.kung inaakala niyong bitter ako,medyo tama kayo.haha!di ko naman itatanggi yun e.pero pag naiisip ko,parang okay na din na walang pinuntahan ang mga bagay bagay.imaginine niyo na lang kung naging kami nga mga minsan kong ginustong makasama sa buhay,e di ina na sana ako ngayon.kawawang mga anak.haha!eyniwey.

wahoo!natutuwa ako!di na to related dun sa taas ah.sariling buhay ko na to.we're getting there!kakaexcite!

nga pala,haberday kay wempot!sana maging tunay na siyang lalake.haha!Ü



Sunday, September 02, 2007

si cris anthony mendez.20 years old,graduating sana next sem.sana.pero ngayon,iniiyakan na lang ng kanyang pamilya sa sarili niyang burol.sabi sa hazing daw siya namatay.hazing na ginagawa sa mga gustong sumali sa frat.dito ako nalalabuan,bakit kelangang bugbugin ka muna at saktan bago ka ituring na ka brad o kaibigan?di ba sa totoong mundo,wala namang ganung siste?siguro may mga dahilan sila para dun pero kung ano man yung mga yun,parang kelangang baguhin.isa na namang buhay ang nasawi dahil dito.ilang buhay pa ba bago gawan to ng paraan?

may mga kakilala akong sumali,sumasali at siguro,may mga sasali pa.pero pag tinatanong ko sila kung bakit kelangang may sakitan pa,di rin nila masagot."ewan,ganun daw e." ang parati kong nakukuhang sagot.sa madaling salita,nagpapabugbog sila ng walang dahilan at kung may dahilan man,di nila alam.wala akong problema dito kasi buhay naman nila yun at gagawin nila ang gusto nilang gawin pero pag may mga patayan ng nangyayari,kelengan na atang bigyang pansin.

di ko kilala sa personal si cris,pero sigurado akong hindi niya ginustong mamatay sa ganitong paraan.kung tutuusin,sino bang may gusto?sigurado akong marami pa siyang pangarap sa buhay pag nakatapos siya pero ngayon,mananatili na lang talaga silang mga pangarap.

pagdasal naman natin ang katahimikan ni cris at pati na rin yung mga sangkot dito.sana mabigyang hustisya ang pagkamatay niya.amen.

Thursday, August 16, 2007

dahil bakasyon na naman,survey survey tungkol sa buhay UP.

01. Anong student number mo?
2006-04163

02. Paano mo nalaman na nakapasa ka sa UPCAT?
tumawag ako.haha!pa importante.
03. Ano ang first choice mong course?
pharm talaga e.tae.
04. Second choice?
industrial pharmacy.go payting spirit!
05. Ano ang natapos mong course?
wala pa e,pero sana orcom.
06. Nag-shift ka ba?
next year pa.sana wala akong kamag-anak na mapadpad dito.
07. Tumambay ka ba sa Sunken Garden?
hmm..kahit di ako taga diliman,oo.
08. Nakapag-dorm ka ba?
hindi e,pero parang kelangan ko.layo na bahay namin e.
09. Naka-uno ka ba?
oh yeah!histo 1 beybe.hi sir kargs!
10. Nagka-tres?
di na ko dumaan dun e.haha!
11. Lagi ka bang pumapasok sa klase?
yep.masipag ako pumasok.wala pa kong absent o late sa sem na to.wahoo!
12. May scholarship ka ba?
dami!haha!asa.
13. Ilang units ang naipasa mo?
secret.haha!marami rami naman.keyword:marami rami.
14. Nangarap ka bang mag-cum laude?
hindi!sa attainable lang ako.
15. Kelan ka nagtapos?
wala pa.pero sana 2010.
16. Favorite prof
madami!sir kargs,sir mangubat,maam ragragio,maam jose at maam gavino.sana mabasa nila to.
17. Least favorite prof
math 17 prof,nikki hell for the obvious reason at pacho,laging latecomer e.
18. Favorite subject
histo 1,2 at 4, hum1 at spanish na din.
19. Least favorite subject
math at lahat ng subjects na kaakibat nito.
20. Favorite building
dahil dalawa lang naman ang meron kami,both na lang para fair kay rh at gab.
21. Paboriting kainan
maliit kasi canteen namin tapos laging trip to jerusalem kaya rob na lang.sa something new,sa mcdo.
22. Noong estudyante ka magkano pamasahe mo sa jeep?
estudyante pa ko nagyon so 6 o 7.
23. Lagi ka ba sa library?
pag nerd mode,sleeping time at pag mainit sa labas.
24. Na-confine ka na ba sa Infirmary?
may ganun?
25. May crush ka ba sa campus?
MERON!haha!dati tatlo,ngayon isa na lang.ayikee.tapos may isang crush crushan.
26. Ano-ano ang mga naging PE mo?
bowling,fpf at table tennis.
27. Kamusta ang block mo?
the best blockmates eber eber!as in!super saya!alabyu blockmates!
28. Memorize mo ba ang UP Naming Mahal?
hindi e.hwoops.
29. Member ka ba ng varsity team?
haha!asa.palpal ako sa sports e.
30. Naka-perfect ka na ba ng exam?
honaman!not.
31. Dito ka ba natuto uminom ng beer?
hindi e,kila justine/resident hot chick ng areneo.
32. Nanonood ka ba ng mga laro sa UAAP?
hindi.wala akong school spirit e.
33. Nahuli ka na ba ng guard while doing 'stuff' in the car? Where?
ay.hindi,good girl ako e at isa pa wala naman akong kotseng pagdadausan ng mga 'stuff'.
34. Did you ever watch the oblation run?
oo!haha!shocking.
35. Did you ever participate in the lantern parade?
oo!daming awards ng cp!
36. Saan ka usually tumatambay?
hmm..walang permanente.pakalat kalat lang ako sa school e.
37. Ano mga org o frat/soro mo?
wala e,orgless org member ako.ay founder pala.
38. Kumakain ka ba ng fishball o isaw? Saan?
oo!isaw ng diliman!the best!
39. Na kwatro o kwarto ka ba?
kwatro lang.
40. Anong mga building sa campus na HINDI mo pa napapasukan?
med,nursing at camp.
41. Anong natutunan mo sa UP na hindi mo alam dati?
posibleng alam mo ang lahat pero babagsak ka pa din sa exam.hindi lahat ng kabataan walang pake sa bayan.hangga't may mga iskolar ng bayan may lalaban para sa bayan!oh yeah!

Tuesday, August 14, 2007

wala na,panaginip na lang talaga ang mga gentleman ngayon.kahit pa aware naman ako dun,umaasa pa din akong hindi,kung bakit e gusto kong umasa e,bakit ba.para dun sa anim na j to the lo (jologs.salamat kay tatz para sa impormasyong to.) na sumingit sa pila kanina sa lrt at nagawa pang magtawanan,magka almoranas sana kayo nang hindi na makaupo kailan pa man.

eyniwey.para sa mga walang muwang (o pake),ako po ay dumanas ng mild depression resulting to nothing sa madaling salita,senti mode ba.wag mag-alala,normal lang naman sa kin yun.ang umiyak ng walang dahilan,magbalik tanaw sa nakalipas at maging bugnutin.normal lang talaga yun,pramis.pero okay na ulet ako,sabi naman sa inyo mild lang yun e.para balanse ang buhay.kapag kasi sobrang saya mo,dapat maging malungkot ka din.peyborit saying ni mau yan.pero di naman ako masayang masaya e,barbero ka talaga eber eber maui.Ü

Thursday, August 09, 2007

bagong skin!wahoo!lam niyo naman,semi bakasyon ngayon at walang mapaglibangan kaya yun.hmmm..aktwali,wala naman akong ibloblog pero dahil nandito na rin lang ako,e di sige!

school muna tayo,masaya naman,enjoy lahat ng subjects ko.dapat may spanish exam ako ngayon pero dahil walang pasok,lusot ako.yey!di mo naman tinatandaan pangalan ko e.pano nangyaring alam ko ang lahat sayo pero ikaw ni pangalan ko walang lugar dyan sayo?unfair.oh well.para namang di ako sanay sa mga ganyang chuchu.o school pa rin yun.

pag tag-ulan talaga lumalabas ang pagkasenti ng mga tao o siguro ako lang yun.namimiss ko na ang wirdos.papitas fritas poreber!
justine/resident hotchick ng areneo,sorry kung di ko pa nababalik mga dvd mo pero si jhe rin naman di pa nagbabalik e.

milli/friendly friend,nag-alsa balutan na mga kuting mo!nawawala na sila!kelan ka pwedeng maging iska for a day?

mau/mau bakulaw/kurimau,gago ka mukhang may kalokohan kayo ah.tsk3.magtino ka na nga!

tel/kamahalan,namimiss na namin ang longganisa scented burps mo at ang pambabara natin kay justine.

me ann/meme,kelan tayo huling nag-usap sa phone?miss na kita at ang mga kakaibang dance steps mo.

jhe/burrball/loser,nood tayo ng imago sa rob!jabarita galore yun o!

haaaay.basta,kahit naman di na kami masyado nagkikita,wirdos poreber pa rin e.ata.sana.haha!walang kwentang post.Ü

Saturday, July 21, 2007

HOMAYGAD.sa wakas ay natupad na din ang life long dream ko na makapagpapichur kasama si damong ligaw.siyet talaga.kwento ko na lang.

kasi naggig kami kagabi sa metrowalk at nakakastarstruck silang lahat.andun si ebe,skarlet,miro at chicosci.dahil nga alam na naming andun csci,may plano na kami na harangin o pwede ring tisudin si mong para makapagpapichur kami sa kanya.e putek,pagkagwapo pala nung lalaking yun!pagdaan nya,natameme na lang kami tapos yung panty ko nahulog na naman.sobra!wala talaga kaming nagawa.buti na lang andun si insan (hi insan!) at ayun,nakapagpapichur din sa kanya.siyet,habambuhay na kong masaya!kasi naman,nakapagpapichur na din kami dati pero ni ipin niya,di nakita pero ngayon,dammit!tara na mong,pakasal na tayo!

wala pa kong tulog pero so what poknat.waaaaahhh!Ü

Thursday, July 19, 2007

aktwali,di naman ako tagged (ano ba tagalog nito?tinaya?) pero aliwin lang kayo eto.galing to sa site ni alex.wahoo!

15 Weird things/ habits/ little known facts about me:
1.ang birthday ko ay april 1 at hindi yun joke.
2.di ako marunong suminga kaya pinapabayaan ko na lang na umagos ang uhog mula sa aking ilong.yeah!
3.ayoko ng langgam.
4.speaking of langgam,alam nyo yung chalk na pamatay nun?dinodrawingan ko ng ganun yung lungga ng mga langgam tapos pinapanood ko silang mamatay.as in tumatawa pa ko ng evil laugh ko.
5.i would like to believe,i would like to lang naman,na isa akong semi-linguist.marunong akong magchinese,korean at ngayon,pati spanish.yey!
6.di pa ko nakakabasa o nakakanood na kahit anong harry potter chuchu.
7.ayoko ng highschool musical.as in.
8.di ako kumakain ng gulay except sa patatas,cabbage,lettuce,talong at gabi.
9.tapsilog at pizza addict ako.todo.
10.likas akong masayahin pero pag tinamaan ng pagkasenti,pati kanta at mga videos iniiyakan ko.
11.madalas akong magsneeze marathon.pinakamarami ko ata 33 nung 2nd year.
12.hobby ko ang maglinis ng aking banyo.
13.pag naeexcite ako,nawawala ako sa sarili at nakakalimot na may mga tao sa paligid ko.
14.kahit pa lagi akong nanggagago,good girl ako.di pa ko nagtry magyosi at di pa ko nalate sa mga naitakdang curfew pero nagtry na kong uminom.
15.nerd ako by nature.mahilig akong magbasa,peyborit channels ko ang discovery ch,national geographic ch at animal planet,mahilig ako sa mga game shows at mga trivia PERO hindi ako studious.ayaw ko nang nag-aaral buti na lang maganda pa rin ang samahan namin ng peyups.ata.

ayun.pag naiisip kong minsan mo siyang ginusto,parang lalo akong nawawalan ng pag-asa na magkakaron ng "tayo".pak it.

Tuesday, July 17, 2007

para sa may pake,si angge po (ako yun) ay muntikan nang mawalan ng cellphone kanina.muntikan.kaya para sa mga katalk at katext ko,congrats sa tin!maikwento nga ang experience kong ito.

ayun,e kasi pagbaba ko ng lrt kanina may babaeng kumalabit sa kin at sinabing “miss!yung bag mo binubuksan!” at nanlamig ako bigla kasi yung celepono ko e nasa bulsa lang so easy target talaga.buti na lang may nagmalasakit pa sa tatanga tangang ako.as in bukas na bukas na yung bag ko,di ko pa alam.may gallibay.ang tanga ko talaga.akala ko ikaw lang manhid,ako din pala.buti na lang talaga may nagsabi.maraming salamat sayo miss na nakadilaw na tshirt na sumakay ng lrt.maraming salamat!utang na loob ko sayo ang cellphone ko.yey ka!

moral of the story,wag tatanga tanga sa recto.hangga’t maaari,ilagay ang bag sa harap.iwas magnanakaw pag ganun.lesson para sa ting lahat to,pero mostly,lesson para sa kin.


pagpray pala natin si tita ni friend karen at roanna israel dahil sila ay kapiling na ni Lord ngayon.amen.

Friday, July 13, 2007

friday the 13th ngayon.sabi ng karamihan,malas,pero parang hindi naman sa kin.siguro dahil sobra sobra na ang kamalasan ko nung 1st year kaya naawa na si Lord.salamat Lord!

eyniwey.kanina habang nagpapaka,ehem,emo ako sa lrt (pag mag-isa ka lang,di mahirap magpaka emo),nakasalubong ko si ms.fama,ang aking first year adviser.grabe!the best yun si miss!baet,galing magturo.kahit yung section namin e isa sa pinakasakit ng ulo na section,naniwala pa rin siya na sa likod ng mga gagong estudyante,e may mga mabubuting kalooban din.sayang nga lang at umalis siya kaya ang naging adviser namin e si sir,i mean,ms.balatero.at ayun,"sumaya" ang buhay ko.haha!


ang gwapo mo naman kanina.payn,poreber gwapo ka naman,pero iba yung kanina.parang,am,yun.yay.nakapink ka pa!at tuluyan na ngang nahulog ang panty,ay,puso ni angge sayo.tae,corny.lalalalalala.Ü

Sunday, July 08, 2007

una sa lahat,maligayang haberday sa aking kapatid na si gelo.tanda mo na!haha!ayun,tapos na ang pagiging mabuti kong kapatid.

at dahil nga berday niya,gumala kami kanina sa trinoma.amazing trivia,ang ibig sabihin pala ng trinoma e triangle in northern metro manila.gets niyo yung connectment?haha!connectment.eyniwey.kumain kami sa cabalen at grabe,possible palang lumamon na ganun kadami ang isang tao.sarrrap!pagakatapos kumain,naglibot kami at nabiyayaan ng bagong sapatos ni father dearest.wahoo!tapos lakad pa ulet para bumili ng dress ko.oo,ko.ako,angge.may debut kasi si bespren gel kaya yun.di naming masyado nalibot yung lugar kasi pare pareho lang naman daw yung mga tindahan sa ibang mall tsaka sa trinoma.may point sila ah.

at yun na ang ambenchurs namin ngayon.namimiss ko na si megan tabachoy.Ü

Thursday, July 05, 2007

manang 1: “Ano yung bra niya?”
manang 2: “Yan yung pwedeng iba ibang way suotin.”
manang 1: “Pag naka round neck na shirt,hindi dapat ganyan suot niya.”

all within hearing range yan ah.yung “niya” nga pala dyan, e ako.mawalang galang lang po mga ate.yung bra kasi na yun ang katangi tanging skintone kong bra.kung may problema kayo dun,bilhan niyo ko ng iba o kaya,wag niyo na lang pakialaman yung bra ng ibang tao.bright idea diba?!at kung mag-uusap man kayo tungkol sa kin,sana di ko naririnig.nagagalit kayo pag gingago kayo,pero pag kayo nanggagago,wala lang yun?kung medyo gago pa ako at wala sa hulog,baka nagsasutan tayo dun.pasalamat kayo pinalaki ako ng maayos ng magulang ko,kung hindi baka ano nang nasabi ko sa inyo.badtrip.

maiba naman tayo.nasabi ko na,tapos na yun.bakit naman kelangan mo pa kong makita na kumacamwhore?!marami namang ibang pagkakataon ah!wrong timing ka parati.nabasa mo ata yung isang post ko,nagpakita ka na e.wahoo!

simple pero rock.yan si angge at blanca.yeah.Ü

Tuesday, July 03, 2007

"I visited the place where we last met.
Nothing was changed,the gardens were well-tended,
The fountains sprayed their usual steady jet;
There was no sign that anything had ended
And nothing to instruct me to forget."
- "Absence" by Elizabeth Jennings

ehem,ehem.haha!yung lines na yan ay galing sa isang poem na diniscuss namin sa hum I.da best yung subject na yun!enjoy talaga.tipong mapapaisip ka dahil mapapa english ka.tungkol siya sa,e di ano pa,absence.parang yung message ng poem e kahit wala na yung taong yun,apektado pa rin niya ang mga bagay bagay.kahit walang nagbago sa paligid mo,nagbago pa rin lahat.awww.aktwali,di naman ako malungkot.senti sentihan lang.wateber.

on to good news,malaya na si damong ligaw!hindi pala siya tuluyang nalinlang ng palakang mala tuko kung kumapit!wahoo!congrats sa lahat ng nagnanasa sa kanya!yey!

may taong pinagtataguan ako.pag di ka nagpakita sa kin,kakatukin kita sa inyo.Ü

Saturday, June 30, 2007

hahaha!wala pa nga natatawa na ko e no.e kasi naman,laughtrip ang blog ni cofibean!as in,pamatay.naiimagine ko kasi kung anong itsura niya habang na experience yung mga bagay bagay sa blog niya.da best!haha!

so kamusta naman ang 2nd week ng iskul?ayos naman.masaya ako sa lahat ng subjects ko,pati pe ah.imaginine mo na lang kung gano kasaya ang mga bagay bagay ngayon.nakalimutan ko palang banggitin na nagpagupit ako at nagpakulay ng buhok.wala lang,new look ba.

may bago akong discovery,salamat kay mau bakulaw.heben ang tapsilog sa frio mixx!as in.sa sobrang kaadikan ko e dalawang araw akong naglunch sa uste.sarap e.subukan niyo din yung turon with ice cream.naiisip ko palang naglalaway na ko.yay.


sa kalungkutan naman,huhu,yung pinagananasahan kong bag sa supre,nabili na!feeling ko meant to be kami kasi nung nakita ko yun,nasira yung bag ko.ganda talaga,white na may makukulay na bagay,leather leatheran pa so swak talaga.tapos,huhu,wala na siya ngayon!sana di taga peyups nakabili,baka bigla siyang “mawalan” ng bag e.oh well.Ü

Saturday, June 23, 2007

hala.wala na.naulit na naman ang mga pangyayari.joke lang naman e tapos naulit na naman.sana mala diliman ang peyups manila para di muna kita makita nang madalas.

e kasi naman e.lagi na lang akong gusgusin pag nasa paligid ka.hindi na talaga tumama.tulad kahapon,mukha akong yagit tapos andun ka na naman.at yung reaksyon ko!parang natulala pa muna ako bago ako makareact.pak et.pano na ba to?!huhu.para kang cold winter wind (gumaganun pa e) o kahit math na lang,nanginginig ako pag malapit ka.normal pa ba to?sana lang di ako namula o naglaway nung totohanan na.kung bakit kasi di ako mahilig tumingin sa salamin para mang lang nalaman ko kung anong itsura ko nun.lalalalalalala..tae.nababaliw na ko.Ü

Thursday, June 21, 2007

at nangyari na ang hindi pa dapat mangyari,salamat sayo ate joy.hindi ko alam kung natutuwa ako o nahihiya kasi naman mukha akong,okay,payn,gusgusin talaga ako kanina.at kelangan bang tumambay pa dun?maygad.pinaliligaya ako ng mga pangyayari!pinaliligayang pinakakaba pero mostly ligaya.wahahay..

enrolled na nga pala si angge at hindi na siya out of school youth tulad ng sinasabi ni jops balops (uy,special mention).ang saya ng mga subjects ko pati na rin mga prof!aga aga,humihigop na kagad ako,pero masaya talaga.nakakamiss nga lang yung mga blockmates ko,yung mga gago moments.tears,tears.pero ganun talaga e,di pwedeng ipagpilitan.alam naman nila na kahit anong mangyari,once a pharmer,always a pharmer diba?alabyu blockmates!Ü

Tuesday, June 05, 2007

wahoo!nagkita kita ulet ang wirdos!berday kasi ni hot chick aka justine nung sunday kaya ayun,dumale na rin kami ng reunion.at ah,nag-inuman kami!haha!perstaym un.pero wala namang nakalalasing,gin pomelo at mudshake lang.hanep yung mudshake e,walang sipa,parang moo lang na mapait pait.di ko alam kung nalasing ako kasi naman naman walang alcohol,para pa rin akong lasing e.tae.

nakakamiss din yung mga gagong yun.sabi nga ni kamahalan aka tel,kami daw yung grupong kahit tumunganga at magpatulo lang ng laway e masaya na basta magkakasama kami.tama yun!haha!haayy sana balik hayskul na lang ulet,pero walang irog pag ganun.haha!wateber angge.

nga pala miss filingerang tagabantay ng kodak sa promenade,wag masyadong mataas tingin mo sa sarili mo.kung yung nilagay niyo dun e di para babuyin namin,para san pa yun?o gago.Ü